Chapter 16: Cebu

4.3K 293 142
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nakarating sina Jules, Hannah, Father Deng at Mayor Arteza sa Manila 2 hours before ng 4:10 PM flight nila to Cebu. Nang bumaba ng Pajero sa airport si Mayor ay dala nito ang malaking hiking bag, naka-hiking shoes, Oakley shades at sa ulo ay suot ang fedora.

"Naks, Mayor," pansin ni Hannah at ibinaba nang bahagya ang suot na Ray-ban. "Parang Indiana Jones lang ah.

"Actually, authentic na prop ito galing sa Raiders of the Lost Ark," pagyayabang ng alkalde sa kanila. "Sinuot mismo ito ni Harrison Ford."

"Ikaw na, Mayor!" natutuwang sabi ni Hannah.

Nagpaalam si Manong Driver at binilinan ng alkalde na huwag kalilimutan ang mga pinabibili ni Karen sa supermarket. Antayin na lamang din daw ang instruction kung kailan sila muli susunduin sa airport.

Medyo umaraw na kaya't mga naka-shades silang lahat, maging si Father Deng, na nakabili ng shades sa convenience store sa highway. Naka-civilian clothes sila. Suot ni Mayor ang kanyang patented leather jacket together with the fedora, sina Hannah at Jules ang kanilang rock tees at ripped jeans, at si Father Deng ay naka-checkered polo at slacks. Mabuti raw na hindi muna siya magsuot ng pampari sa kanilang mission para hindi siya pagtinginan.

"Father, kahit hindi ka nakapampari, pagtitinginan ka pa rin," biro ni Hannah.

"What es dat, Hennah?"

"Nothing, father."

On time lumipad ang eroplano. Sa loob, magkatabi sina Jules at Hannah, at sina Father Deng at Mayor naman. 1 hour and 56 minutes ang flight at nagsabi si Mayor na iidlip muna siya. Binaba niyang fedora sa kanyang mukha at sumandal, feeling Indiana Jones lang talaga. Tinanong niya ang katabi kung hindi ito inaantok.

"No, I'ma alright..." ngiti ni Father Deng.

Nasa may window side kasi ang pari at mulat na mulat ang mga mata na parang batang pinagmamasdan ang mga ulap. Wala siyang balak matulog at ma-miss ang tanawing ito. God med des beautiful view, bulong niya sa sarili.

Hindi rin naman inaantok sina Jules at Hannah. Si Jules ay busy sa kanyang laptop habang si Hannah ay naka-headphones at chill lang sa pakikinig ng music. Although, napapansin ng psychic na minsan ay napapatingin si Jules sa kanyang dibdib. Napansin na niya ito simula pa noong nasa Pajero sila on the way to Manila. Naisip niya, could it be? Na nagbabago na si Jules? If she knows, crush nga nito si Father Markus, ayaw lang aminin. Pero, simula noong nakita nito ang boobs niya, ay baka naman nag-iiba na ito ng preference?

Napangiti si Hannah at medyo napansin ito ni Jules, pero hindi na lang pinansin. Inayos nitong salamin sa mata at nagpatuloy sa pagsu-surf sa laptop.

Alagad ng Diyos, Kampon ng DimonyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon