Chapter 9: The Dungeon

4.2K 312 83
                                    

                Bumukas ang mga dilaw na ilaw sa mahabang corridor at nailawan ang mga bakal na rehas, ang hilera ng mga selda

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bumukas ang mga dilaw na ilaw sa mahabang corridor at nailawan ang mga bakal na rehas, ang hilera ng mga selda. Dito, sa sikretong lugar sa ilalim ng simbahan ay may katahimikang nakabibingi at malagkit na hangin na kumakapit sa balat.

Magkasabay na naglalakad sa corridor sina Bishop Israel at Father Markus.

"Anong lugar ito?" tanong ng pari.

"Apparently, it served two purposes," sagot ng obispo. "Noong unang panahon, kulungan para sa mga kalaban ng simbahan, at noong World War II, taguan naman ng mga kakampi ng simbahan. You could say, for both good and evil."

All in all, may 13 cells lahat. Tig-anim sa both sides, at isa sa dulo, sa center na nakaharap sa kahabaan ng corridor. Tumayo sina Bishop Israel at Father Markus sa tapat ng 13th cell.

"This is the farthest cell," ani ng bishop. "It's called the dungeon."

Hawak ng obispo ang susi, binuksan niya ang selda at sila'y pumasok sa loob.

Mas malaki ang dungeon kaysa sa ibang selda ng halos dalawang beses. Madilim dito, ang pader at sahig nito'y batong sinauna, balot ng molds na matanda pa sa panahon. Nangangailangan ito ng matinding linis para maging habitable.

"Don't worry," sabi ni bishop habang pinaikutan ng tingin ang dungeon. "I'll have it cleaned up, change the light...add a bed...fix the toilet."

Tinignan ni Father Markus ang loob ng dungeon. Naalala niya ang mga selda na napuntahan na niya sa kanyang missionary works noon. Mga selda ng may sakit para magbigay ng last rites. Mga kulungan sa death row para kausapin ang mga preso ilang oras bago sila dalhin sa lethal injection. Hindi inakala ng pari na isang araw, makikita ang sarili na siyang ikukulong.

"Are you sure about this?" masinsinang tanong ng bishop.

Desidido ang pari at siya'y walang pagaalinlangang tumango. Naintindihan naman ng kaibigang obispo na ito'y tamang desisyon. Sa ikabubuti ng lahat.

At muli, biglang nakaramdam si Father Markus ng panghihina at napatukod sa kanyang tuhod.

"Markus..."

Tinaas ni Father Markus ang kamay bilang signal na magiging okay siya. Hindi na natiis ni Bishop Israel na mapamura dahil sa frustration.

"Shit! F---, goddamn devil!"

At pinigilan ang sarili. Hinawakan siya ng pari sa balikat para huminahon. Huminga nang malalim ang obispo para pakalmahin ang sarili.

"Matatalo natin ito," matapang na sabi ni Father Markus.

"Yes, we will," tango ni Bishop Israel.

Alagad ng Diyos, Kampon ng DimonyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon