Chapter 15: The Second Artifact

4.1K 307 32
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Sonny, tell us about the second artifact," sabi ni Jules.

Nagtungo sila sa den matapos na ma-welding ang crucifix. At mula sa bookcase ay may kinuha si Mayor Arteza na file case.

"Remember 'yung ikinuwento ko na nagpunta sina Father Vitores at Pedro Calungsod sa Guam para mag-baptize ng mga lokal na Chamarros?" paalala ng alkalde.

Nagtanguan sina Jules, Hannah at Father Deng, at ipinakita ni Mayor ang isang polaroid picture ng isang maliit na antique na bote.

"This bottle contains about 30 millilitres of the actual baptismal water used by Pedro Calungsod," aniya.

Namangha sila. Isang kulay amber na bilog na bote na kasya lamang sa kamay ng tao. Naluluma na ang polaroid kaya't hindi na malinaw ang image ng bote.

"Ironically, the holy water was also responsible for their deaths," sabi ni Karen.

Ayon sa kuwento, may isang criminal na nagngangalang Choco na na-exile sa Guam ang nagkalat ng balita sa mga Chamorros na ang baptismal water na gamit ng mga missionaries ay may lason. Marami sa mga Chamorros ang napaniwala ni Choco, isa na rito ang chieftain na si Mata-pang, at iyon ang naging ugat ng kanyang galit sa mga Catholic missionaries. Dahilan para patayin niya sina Father Vitores at Pedro Calungsod.

"Where es et? Where do we find et?" tanong ni Father Deng.

Mula sa file case kinuha ni Mayor ang mga 8x10 glossy pictures at nilatag ito sa mesa.

"Kuha ang mga ito mula sa diary ng isang nagngangalan lamang na M.Gatus," ani ni Mayor.

Tinignan nina Jules, Hannah at Father Deng ang mga litrato. Anim lahat. Naninilaw na sa kalumaan. Ang mga litrato ay kuha mula sa pahina ng isang diary, sulat kamay gamit ay lapis. Sinubukang basahin ni Hannah at napa-shake siya ng ulo.

"'Di ko maintindihan," complain ng psychic.

"Unless, maruno kang mag-Cebuano," sabi ni Karen. "Si Gatus ay taga Ginatilan, Cebu."

Ayon sa transcription ng diary ni M.Gatus, siya'y matalik na kaibigan ng isang Luisito Calungsod na isa raw descendant ni Pedro Calungsod at siyang nagmana ng holy water sa kanilang mga ninuno. Nang mamatay si Luisito Calungsod noong 1957 ay kay Gatus niya hinabilin ang bote ng holy water. Si M. Gatus ay hindi nakapag-asawa, walang mga anak, at ang artifact ay nasa kanyang pagmamay-ari hanggang siya'y mamatay naman noon 1973 sa edad na 78 years old.

"Ano 'yung "M" sa M. Gatus?" tanong ni Hannah.

"No one knows?" sagot ni Karen. "But, based sa mga entry sa diary, M. Gatus apparently, is a male."

"Bakit kay Gatus at hindi sa isang Calungsod binigay ang holy water?" tanong ni Jules.

Nagkatinginan sina Mayor Arteza at Karen. At sabi ni Mayor:

Alagad ng Diyos, Kampon ng DimonyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon