INTERMISSION

3.3K 287 45
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



And just like that, nasa kalahati na tayo ng nobela.

What do you think of the story so far? Sana'y as excited kayo sa mga kaganapan as much as sa paghatid ko sa inyo nito. At marami pang mga mangyayari. Nariyan pa ang ilang twists sa istorya. Ayoko mang matapos agad ang nobela, pero base sa anticipation ng mga mambabasa at sa inyong mga comments, ay pilit kong maging consistent sa paglalabas ng mga bagong chapters.

Muli, gusto kong pasalamatan ang mga tagasubaybay ng JHS sa walang sawang suporta. Na-elevate pa ang nobelang "Ang Dalawang Anino ni Satanas" ng Wattys Awards at napangaralan bilang "Change Makers." Kung mapapansin n'yo ang cover nito'y mayroon ng seal sa upper left corner. Salamat ng marami!

Samantala, nagtatapos na ang nobelang "Ang Pag-aala-Kristo ni Manuel." Sa mga sumusubaybay nito, dito unang lumabas ang karakter na walang iba kundi si Dr. Pilar Pontificano. Yes, the one and only doctor. Hindi lang ang paborito nating private detective na si Andy Madrid (na siyang pangunahing karakter naman sa "Ang Bayang Naglaho") ang may cameo sa JHS series, mayroon pang iba. Bukod kay Dr. Pontificano, sa "Pag-aala Kristo.." ay nariyan si Father See na lumabas noon sa "Ang Batang Ipinanganak sa Haunted House." Remember 'yung pari during sa libing ni Father Dacayman na trip himasin ang braso ni Brother Paul? Walang iba kundi si Father See mula sa bayan ng Dinagatan. At dito sa nobelang ito, si Ato na welder ay isa sa mga 12 disciples ni Manuel sa istorya.

Kung nabasa n'yo naman ang "Ang Bayang Naglaho," ang karakter na si Colonel Laxamana ay makikita din sa nobelang "Ang Huling Pagsuko," kung saan siya'y isang tinyente pa lang, pagka't ang istorya ay nangyari noong 1980s. Konektado din ang "Ang Bayang Naglaho" sa "Ang Dalawang Anino ni Satanas," pagka't ang translator na kinuha nila para i-translate ang diary ni Dr. Nakadai ay apo ng pangunahing karakter ng "Ang Bayang Naglaho" na si Manolo. Iyan, at marami pang iba na lalabas in the future.

At siyempre, alam natin na konektado ang mga nobelang nasabi (bukod sa "Dugo sa Bughaw," but, we'll never know) dahil ang mga kaganapan ay nangayri sa probinsiya ng Quezon. Sa mga nagtatanong, hindi po ako taga-roon, nagkataon lamang na ito ang napili ko sa ilang mga kadahilanan, una'y malapit ito sa Manila, pangalawa'y Tagalog ang salita rito, at ikatlo'y, may history din ito ng kababalaghan.

Sa mga matatalas na mga mambabasa, may intricacies ang JHS series na baka sakaling napansin ninyo. Tulad ng sa unang libro, may isang dimonyo, sa pangalawa, may dalawang anino, at itong pangatlo, ay may trinity ng demons. 1..2..3.. Kung mapapansin n'yo din, ang nangyayari sa bawat libro ay may epekto sa isa't-isa. Ang kaganapan sa nobelang ito, ang possession ni Father Markus ay direct result ng events sa previous book. Si Sister Juanita na unang nabanggit sa unang libro ay nagbabalik naman dito (kung ano ang role niya ay malalaman pa lang natin sa susunod na chapters).

Natutuwa ako sa ilang mambabasa na nahuhulaan ang mga magaganap. Kudos po sa inyo. Dito sa nobelang ito, sa second half, ay may mga former characters pa ang lalabas. At there's the matter of the death toll, sa unang libro'y namatay ang matandang pari, sa ikalawa ang Satanista, at dito sa ikatlo, ay si...

Well, subaybayan na lang natin. Let that be a challenge sa inyo, ikanga.

I hope sa maikling intermission na ito'y lalo pa kayong nasabik.

Muli, maraming salamat sa pagbabasa!

At sa pagpapatuloy ng "Alagad ng Diyos, Kampon ng Dimonyo..."

Alagad ng Diyos, Kampon ng DimonyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon