Maaga pa lang ay abala na sa Manila Cathedral.
Nagdidilig na ng halaman ang mga hardinero habang ang mga janitors ay nagwawalis at nagpupunas ng mga bintana, upuan at mga santo. Busy din ang mga sacristan, katulong ng mga altar servants, sa pagpreprepara para sa misa, pag-aayos ng mga libro't misallettes, at pagsisindi ng mga kandila. Maaga ring dumating ang administrative staff, ang secretary, treasurer at accounting na may kanya-kanyang pagkakaabalahan.
Pagka't may kasalan sa araw na ito kaya't busy ang lahat.
Nariyan ang wedding planner na abala sa pagko-coordinate—sa kanyang florist na nagaayos ng mga bulaklak sa altar; sa photographer at crew sa pagse-setup ng cameras; sa mga ushers sa pagaasikaso sa entourage; at sa paninigurado na wala sa mga matatanda ang pagpapawisan at aangal na natutunaw daw ang kanilang make-up.
Sa isang banda, nagpapraktis naman ang choir at musicians. Nariyan din ang special performer—ang babaeng singer na aawit ng I'm Yours ni Jason Mraz, ang theme song ng mga ikakasal. Sa reception mamaya'y praktisado na rin niya ang mga kantang tulad ng All of Me ni John Legend, Remedy ni Adele, Grow Old With Me ni Tom Odell, Same Love ni Macklemore, XO ni Beyoncé, A Thousand Years ni Christina Perri, at siyempre pa, Shape of You ni Ed Sheeran. Malaki lang ang talent fee niya.
Excited na ang lahat. Ang kulang na lang ay ang pagdating ng bridal car.
Papunta sa opisina ni Bishop Israel si Hepe nang mapadaan siya sa harap ng simbahan at masaksihan ang nagaganap. Aniya, mabuting hindi siya naka-uniporme kundi'y baka napagkamalan siyang escort na pulis, pagka't may nakita siyang mga nakamotorsiklong hagad. Saglit siyang huminto para manigarilyo sa ilalim ng puno at magmatyag. Sa palagay niya'y mayaman ang pamilya ng mga ikakasal pagka't magagara ang mga sasakyang nakaparada. Pajero. Benz. BMW. At mga bata pa, wari niya, dahil nagkalat ang mga tinatawag nilang millennials. Mga dalaga sa kanilang magagarang gowns na walang tigil sa pagpicture gamit ang kanilang cellphones, habang ang mga lalaki nama'y pabastunan ng suot na pantalon, ilan sa kanila'y kakaiba'ng mga gupit at may hikaw pa.
Napailing si Hepe. Tinapon niyang kanyang upos at nagpatuloy sa paglalakad.
Nang makarating siya sa opisina ng obispo'y naroon na ito at siya'y inanyayahang maupo. May pumasok na babaeng staff na naglapag ng tray ng kape at tsaa.
"May kasalan sa simbahan," umpisa ni Hepe.
"Yes, anak ng congressman, I think," sabi ni Bishop.
"Sabi na nga ba," sabi ni Hepe sa sarili, nakita niyang kulay blue na plaka.
Ang paksa ng usapan nila'y walang iba kundi si Father Markus at ang naganap kagabi. Hindi naman itinago ni Bishop ang gustong malaman ng pulis at sinabi pang may magaganap na exorcism.
BINABASA MO ANG
Alagad ng Diyos, Kampon ng Dimonyo
HorrorSa ikatlong libro ng serye, mahaharap ang JHS--ang grupo ng paranormal experts na kinabibilangan ng isang exorcist, psychic at parapsychologist sa isang kaso ng demonic possession na hindi nila kailanman inaasahang mangyayari. Ito ang epic na konkl...