Umaga na nang mabalitaan nina Jules, Hannah, Mayor Arteza, Father Deng at Tulsa ang pagpapakamatay ni Roger. Although hindi naman nila kilala si Roger ay nakaramdam sila ng lungkot at pakikiramay kay Dr. Pontificano, sa paniniwala na may responsibilidad sila sa nangyari. Sa mga nalaman nilang impormasyon at detalye, alam nilang gawa-gawa ito ng dimonyo.
"They know we're up to something, kaya gumagawa din sila ng mga hakbang," sabi ni Jules.
Nagb-breakfast sila sa restaurant ng hotel, nakaupo sa bilog na mesa ang apat at mukhang mga puyat.
"Which reminds me," sabi ni Mayor at ibinaba ang cup ng coffee na kanyang iniinom. "Hannah, what's the deal with Sister Juanita?"
"Obviously, tinutulungan niya tayo," sabi ng psychic at humigop ng kanyang kape.
Brewed coffee. Mula sa pahabang breakfast buffet table kung saan may mga tray ng bacon, skinless longganisa, eggs (sunnyside-up and omelette), SPAM, at corned beef hash. Choice mo kung gusto mo ay fried rice or hot pandesal. Mayroon ding cream of mushroom soup at canned fruits. Naka ilang balik na si Father Deng at ngayo'y naroon para sa ikatlong beses at kinukuha ang last batch ng bacon mula sa tray. Knowing na maaga ang alis nila palaot, maaga rin silang bumaba kahit puyat para magalmusal, alas 6:45 ng umaga.
"Ang tanong ay bakit?" tanong pa ni Mayor.
"Para i-redeem ang kanyang kaluluwa," sabi ni Hannah, matter-of-factly.
Nag-agree si Jules.
"Yes, as we all know, Sister Juanita's soul is burning in hell right now dahil sa kanyang suicide. Kapag natulungan niya tayo, she might get into God's good grace at bigyan ng entrance into heaven."
"Pero, she didn't actually help us," sabi ni Mayor. "Hindi naman natin na-warningan si Bishop Israel."
"Yun lang," sabi ni Jules. "And now, 'yung si Roger will suffer the same fate as Sister Juanita."
Napa-shake ng ulo si Hannah. Naisip niya ang mga kaluluwa ng iba na nagpatiwakal, ang mga idol niya na sina Kurt Cobain at Chris Cornell. Hindi niya ma-gets itong thing about suicide.
"Weird lang talaga," aniya. "Eh 'di ba binigyan ka ng Diyos ng free will? Eh 'di karapatan mo na magpakamatay kung gusto mo."
"I don't think that's exactly what free will means, Hannah," sabi ni Mayor.
"Anubeh, Hannah, alam mo naman ito eh, lumaki ka sa mga madre," iling ni Jules. "Life is precious. Ang Diyos ang nagbigay nito sa atin, kaya isa siyang kasalanan, etcetera etcetera."
"Oh, eh paano kung in pain ka?" balik ni Hannah. "Paano kung me sakit ka tapos nagdurusa ka? Siyempre gusto mong patayin na lang sarili mo, 'di ba?"
Natahimik ang dalawa, napaisip, may katuwiran naman ang psychic.
"Well, of course, may mga exception to the rule," kamot ni Jules.
"Anyway, I don't care, agnostic naman ako," iling ni Hannah at humigop ng kape.
BINABASA MO ANG
Alagad ng Diyos, Kampon ng Dimonyo
TerrorSa ikatlong libro ng serye, mahaharap ang JHS--ang grupo ng paranormal experts na kinabibilangan ng isang exorcist, psychic at parapsychologist sa isang kaso ng demonic possession na hindi nila kailanman inaasahang mangyayari. Ito ang epic na konkl...