Epilogue

3.8K 348 90
                                    

LINDOL SA MANILA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

LINDOL SA MANILA. NAGULANTANG ANG MGA TAO.

BELFRY TOWER NG MANILA CATHEDRAL GUMUHO.

MAHIWAGANG MGA ILAW SA BELFRY TOWER NG MANILA CATHEDRAL, ISANG PALAISIPAN.

GUMUHONG TOWER SA MANILA CATHEDRAL, ISANG PARI ANG NASAWI.

Ito ang mga headlines ng TV News at diyaryo nang sumunod na mga araw. Ito rin ang balita sa internet at social media. May mga video footages ng mahiwagang ilaw, ang itim na ulap sa taas ng belfry tower, at ng paglindol na nagpaguho rito. Ito ang news na trending sa nagdaang mga araw sa buong Pilipinas. Umabot na rin ang balita sa ibang bansa at ilang mga religious skeptics, mga paranormal investigators, maging UFO conspiracy theorists ang pinausapan ito. Kanya-kanya sila ng theories. Hindi rin naman nagtagal at ang nangyari sa Manila Cathedral noong gabing iyon ay nakalimutan din ng mga tao. Naglaho na parang ala-ala.

Bukod sa mga malapit kay Father Markus.

Malungkot sina Pam at Dean nang ibalita ni Hannah ang nangyari. Hindi sila makapaniwala na ang paring hinahangaan at tinuring na nilang malapit na kaibigan ay wala na.

Ganoon na lang din ang dalamhati ng lola ni Jules na wala na si Father Markus, and in some way, nalungkot din naman ang kapatid ni Jules na si Clint at kinansel muna ang mga gimik niya sa beach bilang pakikiramay.

Hindi matanggap ni Karen nang sabihin ni Mayor Arteza sa kanya ang bad news. Binalita rin ni Mayor ang nangyari kina Tulsa, Jean-Pierre at Vic at ang mga ito'y lubos na nalungkot. Umuwi ang alkalde kasama si Father Paul pabalik ng Daigdigan dala-dala ang hinagpis.

After ng pagkawala ni Father Markus, ay may malaking pagbabago kay Father Deng. Bagama't nagagawa pa rin ng Aprikanong pari na ngumiti, ay halata sa kanyang mga mata na pilit niyang itinatago ang malaking kalungkutan. Ma friend es goone, lagi niyang sinasabi tuwing siya'y nag-iisa.

Sa kanyang opisina, tulala si Archbishop Villasor, ang jigsaw puzzle sa kanyang mesa ay hindi na niya magawang tapusin. Ganoon din ang lungkot ng ibang pari at staff ng Manila Cathedral na kilala si Father Markus. Nang makarating ang news sa ibang bansa, partikular sa Italy, ay nakiramay din ang mga naroon sa hinahangaan nilang pari at exorcist. Isang misa sa Vatican ang inalay para sa tinagurian nilang "la rovina della diavolo."

Napakarami ang nakiramay sa pagkamatay ni Father Markus. Mula sa kanyang mga kamag-anak hanggang sa mga tao at pamilyang kanyang natulungan. May mga condolences mula sa pamilya nina Don Carlos Villaromano at ng mga Trajico, maging si Bruce na driver ay nagpost ng pakikiramay: R.I.P. Father. Magkita man tayo sa Heaven isa adlaw.

Pero, ang pinakamatinding hinagpis ay kina Jules, Hannah at Bishop Israel. Nagkulong lamang ang obispo sa kanyang study room, tulala at hawak ang mga litrato nila ng matalik na kaibigang pari. Litrato pa simula noong una silang magkakilala bilang missionaries sa Africa. Dadalhan siya ng pagkain ni Arturo pero wala siyang ganang kumain. Para kina Jules at Hannah naman, hindi alam ng dalawa kung paano pa makaka-recover dito. Sa gabi'y si Hannah'y magigising na umiiyak at kanyang tatawagan si Jules na hindi rin nakakatulog. At mag-uusap sila hanggang sumikat ang araw para balikan ang magagandang ala-ala nila ng JHS. Hindi nagtagal, nang magising uli si Hannah na umiiyak ay nariyan na si Jules para yakapin siya.

Naibsan ang kalungkutan ng lahat nang manganak si Karen. Isang malaking selebrasyon ang ginawa at dumalo ang lahat. Si Father Paul ang nagbinyag sa anak ng mag-asawang Arteza na isang baby girl.

Para sa JHS, tinuloy nina Jules at Hannah ang grupo sa pamumuno pa rin ni Bishop Israel at ang pumalit na exorcist ay walang iba kundi si Father Paul. Hindi naman nila nakalimutan si Father Deng at kanila itong itinalaga bilang back-up at ang nasabi lang ng Aprikano ay Who me?

Inumpisahan naman ang pagtatayo ng panibagong belfry tower ng Manila Cathedral at pinangalanan ito bilang The Father Markus Memorial Belfry Tower. Sa harap ay may bato kung saan may nakaukit.

In memory of:

Father Sebastiano Markus
1972-2018

Alagad ng Diyos, Kampon ng DimonyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon