Chapter 30: The Bells

3.8K 289 19
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nakatingala silang lahat sa belfry tower ng Manila Cathedral na mga walong palapag ang taas. Sa tuktok nito ay isang dome kung saan may clock. 9:45 PM ang sabi ng mga kamay nito. Sa ibang gabi ay may ilaw sa taas ng tower, bukas sa partikular na mga okasyon. Nguni't sa pagkakataong ito, madilim sa belfry tower.

"He's up there somewhere," turo ni Bishop Israel.

Maririnig ang malalalim nilang mga hinga at kumakalabog na mga dibdib.

"Should we go up?" tanong ni Jules, may apprehension. "Or antayin na lang natin siyang bumaba?"

"What do you think?" binalik lang ni Mayor ang tanong sa kanya.

Nagkatinginan sila. May pagdadalawang-isip.

"Let's go," sabi ni Bishop Israel. "If one of us is possessed at ngayon ay nasa itaas nung tower, what do you think Father Markus would do?"

"H-he won't have second thoughts," sabi ni Jules.

"Yes! So, let's go!" aya ni bishop.

"Bishop...I believe you," sabi ni Mayor Arteza. "Pero, hindi tayo tulad ni Father Markus na may powers, na may super strength..."

"Not to mention mind-over-matter," mabilis na dagdag ni Dr. Pontificano.

"Mind-over-matter?" napatingin ang alkalde sa duktora.

"Yes, malakas ang mind-over-matter niya," confirm ni Bishop.

Lalo silang kinabahan at bumalik sa isipan nila ang baluktot na rehas sa dungeon. Nagkanya-kanya silang imagine ng maaaring mangyari kung haharapin nila ang galit ng dimonyo doon sa itaas. Isa na rito ang posibilidad na mahulog sila sa kanilang kamatayan. Ang tower ay higit-kumulang na 100 feet ang taas.

"Eh, kung..." sabi ni Hannah na sumesenyas ng ulo.

"What, Hannah?" lingon ni Bishop.

"Kung sila..." patuloy ang senyas ng ulo ni Hannah.

Hindi nila na-gets kaagad pero sinesenyas pala ng psychic ay ang dalawang security guards na kasama nila.

"Dat es ah very good idea, Hennah!" tango ni Father Deng.

Napailing si Father Paul at sinabi sa kanila:

"Kung talagang mahal natin si Father Markus at kung may pananalig tayo sa Diyos, haharapin natin ito. Hindi tayo matatakot."

Sa sinabing iyon ay nakunsyensya sila at nagsipagtanguan.

Alagad ng Diyos, Kampon ng DimonyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon