Chapter 26: Isang Pamamaalam

3.8K 300 78
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Kadiliman.

Nang muling buksan ni Hannah ang kanyang mga mata ay napuno ito ng liwanag, at nakita niyang wala na ang bagyo at ang malalaking alon.

Pero, may kakaiba sa dagat.

Pagka't ang dagat ay sobrang payapa. Napakalinaw nito na sumasalamin sa mapuputing mga ulap at asul na langit. At nang tumingin pababa si Hannah ay nakita niyang kanyang repleksyon sa tubig, at nagulat na siya'y nakatayo sa dagat at hindi lumulubog, na nang humakbang siya'y nagawa niyang makalakad sa tubig. Hindi siya makapaniwala.

Tumingala siya. Maliwanag ang araw nguni't hindi ito mainit sa balat. May simoy ng hangin na dumampi sa kanyang mukha.

Naisip niya, Nasa langit na ba ako?

Sa malayo ay natanaw niya na may nakatayo rin sa tubig tulad niya, at nang kanya itong lapitan ay nakita niyang isa itong madre na nakatalikod.

"Sister Juanita?"

Nilakasan ni Hannah ang kanyang loob, ini-expect na makita ang nakakatakot na hitsura ng madre, nguni't, hindi iyon ang nakita niya. Hindi ang naaagnas na mukha at mga kamay, hindi ang nawawalang mga mata o ang nagbabagang lalamunan, kundi'y ang maamong mukha ni Sister Juanita. Ang tutoong hitsura ng madre. Malambot na pisngi at mapulang mga labi. Mga matang puno ng buhay. Ng isang nakatamo ng kapayapaan.

"Sister Juanita?"

Tumingin sa kanya ang madre at ngumiti.

Napatingala sila nang bumukas ang mga ulap at may sinag na dumapo sa kanila. At mula sa ulap ay bumaba ang dalawang anghel na kumikislap sa liwanag ng araw, gamit ang higanteng nilang mga pakpak, ang puti nilang kasuotan ay kumikinang.

Nasilaw si Hannah at napaatras.

At nakita niyang hinawakan ng mga anghel sa magkabilang kamay si Sister Juanita at siya'y inangat pataas. Lumutang sila sa ere patungo sa ulap, sa liwanag.

Napuno ng saya si Hannah. Naintindihan niya na sa ginawang tulong ni Sister Juanita ay pinatawad na siya ng Diyos sa pagpapakamatay. Naalala rin niya ang dalawa ring multo na tumulong sa kanila sa townhouse—ang kaluluwa ng bata at matanda na marahil ay binigyang pahintulot na ring makaapak sa langit. Mas bongga nga lang si Sister Juanita pagka't sinundo pa ng dalawang nagguguwapuhang mga anghel. Sa wakas, matatahimik na ang kaluluwa ni Sister Juanita, ani ni Hannah.

"Goodbye, Sister Juanita! Yeah, go go!" masayang sigaw ng psychic.

Nawala sa liwanag sina Sister Juanita at ang mga anghel, at muling sumara ang mga ulap.

Kung kaya't napaisip si Hannah.

"Teka, paano ako?" at siya'y sumigaw sa langit. "Hello! Paano ako?!"

Biglang naramdaman ni Hannah na siya'y nasasamid. May tubig sa kanyang lalamunan na gustong lumabas. At narinig niya ang mga boses na tumatawag sa kanya.

Alagad ng Diyos, Kampon ng DimonyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon