"Ah, this is the life," muni ni Mayor Arteza habang sumandal sa upuan at nilagay ang mga kamay sa likod ng kanyang ulo at nilanghap ang sariwang hangin. Ang kanyang tanawin ay ang mabituing kalangitan.
Pasado alas-9:00 ng gabi at nasa itaas na deck sila ng yate ni Tulsa na naka-anchor sa pier ng marina. Matapos maghapunan sa restaurant ng seaside hotel ay nagtungo sila rito para magpahinga at uminom ng red wine. Tahimik ang kapaligiran, patay na'ng ilaw ng karamihan ng mga yate at maririnig ang banayad na palo ng alon sa gilid ng mga bangka. Dahil dito, inaantok tuloy si Father Deng.
"Et es very relaxing," sabi ng pari, pumupungay ang mga mata.
Kanya-kanya sila ng sandal sa upuan hawak ang wine glass.
"So, how did you two meet?" tanong ni Jules kina Mayor at Tulsa.
Ayon kay Mayor, nagkakilala sila ng marine biologist 5 years ago nang magpunta siya sa Palawan on his way to Tubbataha Reef. Nagkaroon ng mechanical problem ang ni-rent niyang yate at nagkataon na katabi lang nito ang yate ni Tulsa na nag-offer ng ride since papunta rin pala siya sa reef. Kasama ng alkalde noon si Karen at sa sobrang nagenjoy sila sa trip ay inextend nila ang kanilang vacation. Sinama sila ni Tulsa sa mga ocean expedition niya and since then, naging close na sila. Nang muling bumalik sina Mayor at Karen sa Palawan ay si Tulsa na ang puntahan nila.
"How is Karen? How is your wife?" tanong ng Pranses sa mayor. "The baby is coming soon, yes?"
"Karen is okay," sagot ng Mayor. "The baby is due at the end of the month."
Nagulat si Tulsa na kabuwanan na ni Karen at dapat daw ata ay naroon ang alkalde sa piling nito.
"How important is this treasure that you are looking for?" nagtataka niyang tanong.
Inexplain nila ang sitwasyon kay Tulsa. Ang tungkol kay Father Markus. Ang pangangailangan nila ng mga artifacts para sa exorcism. Na ang hinahanap nilang treasure ay in fact, isa sa mga artifact na ito—ang spear na pumatay kina Pedro Calungsod at Father San Vitores.
"Demon possession? Exorcism? Mon Dieu! Are they even real?" ani ni Tulsa.
"Yes, Tulsa, I was skeptic at first," sabi ni Mayor Arteza at tinuro sina Jules at Hannah. "Until I met them. They're the real deal."
Kinuwento ng alkalde ang time na nagkakilala sila ng JHS at ang first-hand experience niya sa nangyaring exorcism ng batang si Berta sa bayan ng Daigdigan. Nakaramdam naman ng pride sina Jules at Hannah na ma-credit ng mayor sa harap ng Pranses, na lubusang na-intrigue pa. Ito ang first time na makakilala si Tulsa ng legit na paranormal experts.
"And this, uh, artifact? This spear. It is where it is?" tanong pa ni Tulsa.
Sinabi ni Mayor ang dapat na kinaroroonan ng shipwreck ng galleon kung saan umano'y naroon ang cargo na naglalaman ng spear, ang latitude at longitude nito, higit-kumulang na 70 kilometers from Puerto Princesa. Ito'y ayon sa nakuha ng alkalde na mga historical records.
BINABASA MO ANG
Alagad ng Diyos, Kampon ng Dimonyo
HororSa ikatlong libro ng serye, mahaharap ang JHS--ang grupo ng paranormal experts na kinabibilangan ng isang exorcist, psychic at parapsychologist sa isang kaso ng demonic possession na hindi nila kailanman inaasahang mangyayari. Ito ang epic na konkl...