Chapter 10: The Possession

3.8K 305 105
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Alas sais-kuwarenta ng umaga. Dala ng babae ang tray na naglalaman ng breakfast na corned beef hash, scrambled egg, fried rice, juice at coffee. Sa tabi, may saging at pineapple chunks na nasa tasa. Sinamahan pa ng babae ng tatlong piraso ng Hershey's Kisses na binili niya ng sarili. Isa sa mga staff ni Bishop Israel, ang 20-something na girl ay naatasan ng obispo na taga-prepare ng pagkain ni Father Markus.

Excited siya paglabas niya ng courtyard galing sa kusina. Nakasalubong niya ang isang lalaking staff.

"Good morning, Susie," sabi ng lalaki. "Ngiti naman diyan."

Ngumiti ang babae.

"Good morning!"

Nagkakape na'ng mga guwardiya sa entrance ng tunnel at nang makita ang babae ay mabilis na nagsipaghusto ng mga tindig. Stomach in, chest out. Sinalubong nila ang girl ng kanilang pinaka-sweet na "good morning, Susie" at pinadaan ito ng gate. Ito ang natural na reaction nilang lahat, pagka't cute ang babaeng staff. Shoulder length hair, maputi, slim at chinita. Suot niya'y pink na blouse at blue na skirt. Makinis ang legs. Most importantly, single.

Naka-sneakers ang babae kung kaya't walang takatak na tunog sa batong sahig. Nang makarating siya sa bukana ng corridor ng mga selda ay tinanaw niya ang dungeon. Patay ang ilaw doon. Napaisip siya saglit.

Brinief naman sila ni Bishop Israel, ang buong staff, sa kalagayan ni Father Markus. At lahat sila ay nag-swore to secrecy. May ailment ang pari, ani ng bishop, na hindi pangkaraniwan. Hindi man nito binanggit ang demonic possession ay alam nilang ito ang kundisyon. Binigyan naman sila ng choice. Walo sa staff ng bishop, apat lang ang nag-volunteer. Isa na ang babae.

Ito'y pagka't crush niya si Father Markus. May hawig daw kasi kay Henry Cavill, although darker version. Excited siya lagi tuwing bumibisita ang pari kay Bishop Israel, kaya demonic possession or not, ito ang dahilan kaya siya nag-volunteer. So far, kahapon nang maghatid siya ng pagkain ay wala namang problema. Normal naman ang sitwasyon.

Prinaktis niya'ng matamis na ngiti. Hindi niya nakalimutang maglagay ng lipstick at blush on. Ngayong araw, cinurl pa niyang eyelashes. Nag-twinkle siya ng mga mata habang humakbang tungo sa corridor.

"Father!" may melody ang kanyang bati nang makarating sa harap ng dungeon.

Hindi sumagot ang pari. Nakita ng babae na nakahiga ito sa kama suot ang white t-shirt at brown na slacks, pero, hindi niya maaninag ang mukha sa dilim. Weird. Kahapon, tumayo pa nga agad ang pari pagdating niya, and she swore, tila nagniningning pa'ng mga mata nito nang makita siya. If she knows, crush din siya nito.

Pero, ngayon...

"Father, nandito na ang breakfast mo," humina ang boses ng babae. May pagaalangan.

Walang susi ng bakal na rehas ang babae, kundi'y pinapasok niyang tray sa nabubuksang slot sa ilalim at ito'y inaabot ng pari...with a smile pa nga.

Alagad ng Diyos, Kampon ng DimonyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon