Chapter 22: Assassination

3.7K 294 33
                                    


"Jules! Ano na nangyayari?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Jules! Ano na nangyayari?"

Hawak ni Jules ang kanyang cellphone at may frustration sa kanyang mukha.

"Nagriring lang! Walang sumasagot!" aniya.

Nasa may labas sila ng yate ni Tulsa sa may wooden platform at hindi sila mapakali. Nang ibalita ni Hannah na nasa matinding panganib si Bishop Israel dahil ito ang sinabi sa kanya ng multo ni Sister Juanita, ay agad nilang tinawagan ang obispo, nguni't hindi nila ito ma-contact.

"Someone es gooing to kill de bishop?" panic na rin si Father Deng.

"Yes, father," sabi ni Hannah.

"Jesus almighte!"

"Try his butler!" suggest ni Mayor Arteza. "What's his name again?"

"Arturo," sabi ni Jules. "Pero, wala akong number niya."

Sinubukan uli ni Jules ang number ni Bishop Israel. Bumalik si Tulsa galing ng kanyang yate para kumuha ng bote ng mineral water na kanyang ibinigay kay Hannah. Shaken pa rin ang psychic after pasukin ng espiritu ni Sister Juanita.

"How are you feeling?" tanong ni Tulsa sa kanya.

"I'll be okay," tango ng psychic.

"Hannah," paglapit ni Mayor Arteza. "Ano exactly nakita mo sa vision mo?"

Pagkalagok ng tubig ng psychic: "Nakita ko ang isang lalaki. Nagtatago siya sa likuran ng puno sa harapan mismo ng bahay ni Bishop, at may hawak siyang baril."

"Lalaki? Sinong lalaki?"

"I don't know, Mayor," sagot ni Hannah. "Hindi ko siya kilala. Ngayon ko lang siya nakita."

Lumapit si Jules na umiiling.

"Wala talagang sumasagot."

"Call the police!" sabi ni Tulsa.

Tumango si Mayor at agad na dinial ang hotline ng pulis.

"I hope we're not too late," pag-alala ng Mayor.

                                                                                                #

5 HOURS EARLIER.

"Welcome, doctor!" bati ni Bishop Israel kay Dr. Pontificano nang pumasok ito. "Please, take a seat."

Nasa kusina ang obispo overlooking ng dining area, naka-apron, suot at mittens at may niluluto sa stove. Naka-set na ang dining table. Nakahain na ang spaghetti noodles at umuusok ang meat sauce na nasa pot. May slices ng French bread at tatlong klaseng spreads, at bowl ng fruits katabi ng bottle ng red wine. Nakita ng bishop ang dala ni Arturo.

"I see you brought cake."

"Yes, I hope you like Chiffon," sabi ng duktora.

"Yes! It's perfect!"

Alagad ng Diyos, Kampon ng DimonyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon