Naupo si Father Markus sa malamig na batong sahig ng dungeon, katapat ni Dr. Pontificano sa kabila ng rehas na nakaupo naman sa foldable chair. Naka-lotus position ang pari na para bang magyo-yoga at nakalapat ang kanyang mga kamay sa magkabilang tuhod.
"Kumusta ang leeg mo, doctor?" tanong niya.
"My neck is fine," sagot ng psychiatrist.
Nagka-strain ang leeg ni Dr. Pontificano gawa ng pag-angat sa kanya ng pari sa ere gamit ang kapangyarihan nito, na para ba siyang sinakal ng isang unseen force at nag-iwan ng marka sa kanyang balat. Lumipas na ang dalawang araw, wala na ang pantal pero ang memoryang iyon ay sariwa pa sa kanyang isipan. Ipinasantabi na lamang niya ang nangyari, ikanga'y water under the bridge, hindi siya dapat maapektuhan pa nito. Umayos siya ng upo at finold ang kanyang mga binti.
"Tell me, why do you do this?" tanong niya, matigas ang kanyang pagkakasabi.
"Do what, doctor?"
"Itong machismo, itong blatant display of manliness," ani ng duktora, at may hand gesture pa. "You used your powers on a helpless woman. You should be ashamed. And palagi mo kong nire-refer to as "babae." May galit ka ba sa mga babae? Isa ka bang misogynist?"
"Sapagka't inferior ang mga babae," sabi ng pari.
"I see," sabi ng duktora. "Tandaan mo, ang mga babae ang nagsisilang sa mga sanggol. Hindi n'yo alam kung gaano kahirap ang pinagdaraanan ng isang babae para lang magsilang."
"Exactly, doctor," ngiti ng pari. "Kaya kayo ang pinapagawa n'on, para hindi na danasin pa naming mga lalaki."
"Maybe God gave us the responsibility of bearing children because men is not worthy of it," balik ng duktora.
"We see it as slave work, doctor," sabi ng pari.
Nakaramdam ng pagkainis si Dr. Pontificano sa sinabing iyon. Pero, minaintain niya ang posture.
"Pasalamat ka wala kang nanay," aniya.
"Oh, pero, meron, duktora," sabi ng pari. "At least ang katawang ito. Pero, kaming mga dimonyo ay walang kinikilalang magulang."
"What about God?" tanong ng duktora. "Isn't he your father?"
Narinig ng duktora ang tatlong magkakaibang boses na sabay na nagsalita.
"He's the creator, but he's not our father. Balang araw magiging pantay kami ng Diyos."
"Pantay how?" curious na tanong ng duktora. "Equal in power? Because believe me, hindi n'yo mapapantayan ang kapangyarihan ng Diyos."
Sumimangot si Father Markus.
"Don't you get frustrated?" patuloy ni Dr. Pontificano. "Knowing that in the end, you'd lose? That no matter what, God will prevail? Redemption is the final twist to the whole saga."
BINABASA MO ANG
Alagad ng Diyos, Kampon ng Dimonyo
HorrorSa ikatlong libro ng serye, mahaharap ang JHS--ang grupo ng paranormal experts na kinabibilangan ng isang exorcist, psychic at parapsychologist sa isang kaso ng demonic possession na hindi nila kailanman inaasahang mangyayari. Ito ang epic na konkl...