CHAPTER 2: The Crown Princess
Celestine's POV
Mula sa kinatatayuan ko ay natatanaw ko ang isang bahagi ng istruktura ng Eriendelle Academy na gawa sa crystal, kumikintab ito at tila umiilaw dahil sa kumikislap nitong mga brilyante na gawa na rin ng araw. Medyo malayo rin ito mula sa Palasyo na tinirhan ko magmula pa noong bata ako. Sa unang tingin ay mukha itong Palasyo, ngunit ang totoo ay eskwelahan iyon. Iyon din ang eskwelahang papasukan ko magmula bukas. Natutuwa ako dahil sa wakas, makakalabas na ako ng palasyo. Pero at the same time ay kinakabahan din ako. Hindi ko alam kung anong klaseng tao ang mga makilala ko doon.
"Mukhang excited ka talaga, Celestine." Tinig mula sa aking likod.
Nang lingunin ko iyon ay mas lalo akong napangiti nang makita si Althea. Isa siya sa mga pinsan ko at kalaro ko magmula pa nang bata ako. Matagal akong tinago nina Mama at Papa mula sa mga tao sa labas ng palasyo, kaya hindi ako nagkaroon ng maraming kaibigan. Kaya naman siya ang laging dumadalaw sa akin dito sa palasyo. Bukod sa tatlo kong kapatid. Siya na ang naging karamay ko sa lahat.
"Maswerte ka at sa Eriendelle Academy ka mag-aaral. Habang ako, kailangang manatili sa mansion upang pag-aralan ang takbo ng negosyo namin." Matapos sabihin iyon ay lumapit siya sa akin. At tulad ko ay sumandal din siya sa sementong railings ng malawak na terrace ng kwarto ko.
"Have friends there and enjoy your Senior years, cousin. You deserve it. Isipin mo na lamang na ito ang premyo mo matapos ang ilang taon na pagkakakulong sa'yo rito sa Palasyo." Nakangiti niyang payo.
"Maraming salamat, Althea." Nakangiti kong pasasalamat.
"But, it doesn't mean you will trust everybody outside this Palace. True life starts after you left your home, Princess. Marami ang lalapit at gagamitin ka o di naman kaya'y maghahatid sa'yo sa kapahamakan. Remember, tagapagmana ka ng trono ng iyong mga magulang."
Sa pamilya ng mga Royal Blood sa Eriendelle. Kapag marami kang anak na lalaki at isang babae. Ang iyong babaeng anak ang dapat na tagapagmana ng trono. Kung marami naman ang iyong anak na babae at iisa lamang ang lalaking anak. Ang iyong lalaking anak ang magiging tagapagmana ng trono. Kapag kapwa marami, kailangan itong paglabanan ng magkakapatid. Patunayan sa Hari at Reyna na karapatdapat sila upang pamunuan ang buong nasasakupan niya. In my case, dahil nag-iisang babaeng anak ako sa pamilya. Ako ang napipintong tagapagmana ng trono ni Ina. Ngunit may isang lihim ako na hindi dapat malaman ng ibang tao, lalo na ng mga taong hindi naman mamamayan ng Eriendelle. I had the most rarest power in Eriendelle. Ang sabi ni Ina ay mahalaga daw ang kapangyarihan na mayroon ako. Malaki raw ang maitutulong nito sa City namin.
Ngunit hindi ako naniniwala doon. Natatakot ako na baka may masaktan akong tao dahil sa kapangyarihan ko. Hindi ko pa ito masyadong gamay. Ngunit ako daw ang pinili ng kapangyarihan na ito kaya dapat ko itong tanggapin at pag-aralang mabuti.
--
Kinaumagahan ay maaga akong nagising upang magbihis at nang makaalis kami nang maaga papunta sa Academy. Boarding school ang Eriendelle Academy, kaya bilang isang ganap na estudyante ng school na iyon ay kailangan kong tumira doon. Makakauwi lamang kami sa aming mga tahanan tuwing Weekends.
Kasalukuyan akong naglalakad palabas ng Palasyo. Ilang taon din pala akong naka-kubli rito ngunit parang bago parin ang lahat sa paningin ko. Namamangha pa rin ako sa disenyo ng palasyo. Lalo na't kumikinang ang mga brilyante at ginto na mga kagamitan dito. May mga malalaking chandelier at grand staircase na gawa rin sa ginto ang railings.
![](https://img.wattpad.com/cover/53506361-288-k525146.jpg)
BINABASA MO ANG
The Lost City of Eriendelle
FantasyCelestine is the one and only daughter of the King and Queen of Eriendelle. She was hidden from public because she is considered as the miracle of the Royal Family and the gem of the Eriendelle. Also, She's the crowned princess of Eriendelle --the o...