Chapter 12: You Did Well
Celestine's POV
"Good job, Miss Carter." Bati ni Sir Trim kay Britney nang makalapit na ito sa amin.
"Miss Carter, choose someone to perform next." Dagdag pa ni Sir Trim.
Ngumisi si Britney at hinarap kami. Maya maya ay tumingin siya sa direksyon ko at humalukipkip.
"I choose...Princess Celestine, Sir." Nakangiting sabi niya.
Hindi na ako nagulat pa. Sa tingin niya palang kanina ay tila gusto niya na akong asarin. Tinignan ako ni Sir Trim na tulad ko ay parang nag-aalangan rin.
"Your highness, is it okay? Pwede ka namang tumanggi kung--" Pinutol ko ang sasabihin sana ni Sir Trim.
"No sir, I'll do it. Ayaw ko namang isipin ng mga kaklase ko na duwag ang susunod na mamumuno sa kanila." Ngiting sagot ko saka tinignan si Britney. Nawala ang ngiti niya at muli akong tinaasan ng kilay.
"Okay. If anything happens, just stop." Paalala ni Sir Trim saka inilahad sa akin ang hawak na kahon.
Tumango ako at lumapit sa kanya. Hinawi naman ni Britney ang buhok niya bago bumalik sa inuupuan niya kanina. Napapikit ako at huminga nang malalim. Pagkabukas ko ng aking mga mata ay nakatingin sa akin si Sir Trim. Ngumiti siya ng tipid at tinanguan ako.
Unti-unti kong ipinasok ang kamay ko sa kahon at may naramdaman na kakaibang mga bagay doon. Tila maliliit na mga hayop at gumagalaw pa ang iba dito at kung minsan ay tila may munting mga matutulis na kuko ang tumatama sa kamay ko. Ilang segundo pa ang nakalipas ay nakakuha na ako. Unti-unti kong nilabas ang kamay ko mula sa kahon at tumamabad sa amin ang maliit na lalagyanan na hugis kapsula sa aking palad.
Napatingin ako kay Sir Trim, nakatingin lamang siya hawak ko. Hindi ko mabasa ang kanyang expression ngunit tila kinakabahan siya. Maya maya ay tinignan niya na rin ako.
"Laman ng kapsulang iyan ang makakaharap mo. Wala akong ideya kung ano ang laman niyan, Princess. Ngunit kung anuman iyon ay tiyak akong mabangis ito at mahirap kalabanin, kaya mag-iingat ka." Paalala niya. "Pwede ka nang pumunta sa gitna." Dagdag pa niya.
Tumango ako at nilingon ang mga kaibigan ko. Lahat sila ay nakatingin sa akin gamit ang nag-aalalang reaksyon. Nginitian ko sila at maglalakad na sana nang mahagip ng mga mata ko ang mga kapatid ko na papunta sa pwesto ko.
"K-Kuya..." Gulat kong usal.
Nang makalapit sila ay agad na tumayo ang mga kaklase ko at nagbigay-galang sa kanila, pati si Sir Trim ay nakayuko rin sa kanila. Nangunguna si Kuya Altair. Halos hindi ako makahinga sa mga tingin niya sa akin. Hindi ko alam kung galit ba siya o talagang wala lang siya sa mood. Tumango siya sa mga kaklase ko at kay Sir Trim saka ako ulit tinignan.
"We're here to guard you. Hindi ka namin pwedeng pabayaan." Aniya.
"T-Thank you, K-Kuya." Naiilang pasasalamat ko.
Hindi na nagsalita pa si Kuya Altair at iniwas nalang ang tingin sa akin. Sunod kong tinignan sina Kuya Rigel, Kuya Juel at Kuya Cane na nginitian ako. Ngunit bakas rin sa itsura nila na kinakabahan sila para sa akin.
Huminga ako nang malalim at pumunta na sa gitna ng field habang hawak ang kapsula. Nang makarating na ako sa gitna ay agad akong pinalibutan ng paikot na pader na gawa sa matibay na salamin. Pumunta sa ako sa pinakadulo at hinarap ang mga kaklase at mga kapatid kong tutok na tutok sa susunod na mangyayari.
BINABASA MO ANG
The Lost City of Eriendelle
FantasyCelestine is the one and only daughter of the King and Queen of Eriendelle. She was hidden from public because she is considered as the miracle of the Royal Family and the gem of the Eriendelle. Also, She's the crowned princess of Eriendelle --the o...