Chapter 10: Attacked

8.3K 296 21
                                    

Chapter 10: Attacked



Celestine's POV




Parang inihip lamang ang panahon dahil hindi ko na namalayan na kinabukasan na pala at nakatakda na kaming bumalik sa Academy ngayong hapon. Kaya heto kami ngayon at kinakarga sa mga karwahe ang mga kagamitan namin ng mga kapatid ko.




"Mag-ingat kayo, mga anak. Narinig ko na bukas na daw magsisimula ang training ninyo." Tumigil si Mama at tinignan ako. "Celestine, naniniwala akong kaya mong ma-control ang kapangyarihang hawak mo. Huwag kang mag-alala, kung may mabalitaan man kaming hindi magandang nangyari sa'yo ay pupunta agad kami ng iyong Papa." Dagdag pa ni Mama sabay yakap sa akin.





"Huwag po kayong mag-alala, gagawin ko po ang lahat nang makakaya ko." Sagot ko naman habang nakayakap parin kay Mama.



Kumalas ako sa yakap ni Mama at nilapitan si Auntie Sera na nakatayo lang sa 'di kalayuan sa amin at niyakap siya.






"Mag-iingat kayo, Celestine. Hihintayin namin ang muling pagbalik niyo sa susunod na Sabado." Ngiting sabi niya.




"Opo auntie, salamat. Magpagaling po kayo." Sagot ko. Tumango siya at hinawakan ako sa pisngi habang nakangiti.




Hindi nagtagal ay sumakay na kami sa mga karwahe namin at nagsimula nang maglakbay. Ako lang ang mag-isa sa karwahe na sinasakyan ko samantalang ang mga kapatid ko naman ay nasa ibang karwahe. Nasa unahan ko si Kuya Rigel at Kuya Cane, samantalang nasa likuran ko naman sina Kuya Altair at Kuya Juel.





Bumuntong hininga ako habang nakatingin sa bintana. Muli kong naalala ang nangyari noong Sabado. Napatingin ako sa singsing na suot ko ngayon sa aking daliri. Bumalik ang mga sinabi sa akin ng mga kaibigan ko.




Matapos naming mag-usap ni Creed ay bumalik na ako sa kwarto ko. Ayaw ko na munang makihalubilo sa mga bisita. Umupo ako sa kama ko at inalala ang mukha ni Creed habang tumatango sa hiniling ko.




Maya-maya ay tumayo ulit ako saka pumunta sa study table ko saka nagsimulang sumulat ng liham kay Nigel. Sana ay mas mapaaga ang uwi niya nang may panahon pa kaming magkasama bago ang nakatakdang kasal. Mananatiling lihim muna ang lahat sa amin ni Creed mula sa publiko bago kami ikasal. Kaya ipinasara na muna ni Papa nang pansamantala ang palasyo sa pagtatanggap ng mga mag-aalok ng kasal sa akin ngunit hindi sa mga taong nangangailangan ng tulong.




Matapos kong maisulat ang lahat ng nais kong sabihin ay Nigel ay may biglang kumatok sa pintuan ko. Agad kong nilagay ang sulat sa drawer ng study table ko at lumapit sa pinto upang buksan ito, ibibigay ko nalang ito mamaya kay Declan upang ipahatid kay Nigel sa Oldia. Tumambad sa akin sina Elvira. Napangiti sila nang makita ako kaya nginitian ko rin sila at pinapasok sa silid ko. Wala si Creed, bakit kaya?





"Kausap ng Hari at Reyna si Creed." Biglang sabi ni Elvira. Mukhang nahalata niya ang ekspresyon ko. Tumango na lamang ako.





"Maupo kayo." Ngiting alok ko.




"H'wag na Prinsesa, maraming salamat. Nandito kami para magpaalam. Uuwi na rin kami dahil palalim na nang palalim ang gabi." Sabi pa ulit ni Elvira.




Tumang ako. Bigla kaming tumahimik, ramdam ko ang mga tingin nila sa akin. Tila nagpaparamdaman rin sila kung sino ang unang magsasalita. Hanggang sa naramdaman ko ang yakap ni Cosette na sinundan naman ng iba pa.




"Gustuhin ko mang sabihin na congratulations, pero mukhang hindi iyon bagay sa nararamdaman mo ngayon." Sabi ni Cosette.




The Lost City of EriendelleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon