Chapter 23: Kiss
Celestine's POV
Sa gitna ng kakahuyan, nanatili kaming nakatingin lang sa isa't isa. Halos hindi ko na mahanap ang mga salitang dapat kong sabihin sa kanya. Mula rin sa kinatatayuan ko ramdam ko ang mabibigat niyang hininga at tensed na katawan.
Maya maya pa ay nakita kong umigting ang kanyang panga at napapikit nang mariin.
Muli kong binalikan ang sinabi niya kanina. Naiinis ba siya dahil naunahan siya ni Serem na saluhin ang kamay ni Britney?
"I...I'm sorry. Hindi dapat kita sinigawan. Forget about that, let's just go back." Aniya saka ako nilagpasan.
Tila may kung anong umuudyok sa akin na sabihin din ang matagal ko nang kinikimkim patungkol sa kanila ni Britney. Kaya napangisi ako at nagsalita.
"Hindi lang naman ikaw ang naaapektuhan, Creed." Wala sa sarili kong usal.
Nakatalikod parin ako sa kanya at hindi na siya nilingon dahil sa oras na makita ko siya ay baka manghina lamang ako at makalimutan dapat kong sabihin sa kanya.
Tumigil ang tunog ng kanyang yapak sa aking likod, pahiwatig na tumigil siya sa paglalakad.
"This past few days, halos hindi ko na nakikita ang anino mo. Kung nasusulyapan man kita ay palaging nasa tabi mo si Britney." Dugtong ko.
"Hindi ko nga alam kung bakit naiinis ako sa tuwing nakikita kong tumatawa ka kasama siya. Tapos iyong kanina, hinalikan ka niya sa pisngi. Ni hindi ka manlang..."
Hindi ko na naituloy ang dapat kong sasabihin sana nang biglang niya akong hinila paharap sa kanya at siniil ng isang malalim na halik.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya. Ramdam na ramdam ko ang malambot at malamig niyang mga labi na kalaunan ay unti-unti nang uminit dahil nakadikit ito sa labi ko.
Napapikit ako nang bahagya niya itong ginalaw. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong isipin dahil mismong sarili ko ay hindi ko na maintindihan kung bakit hindi ko manlang siya tinutulak o pinipigilan manlang. Parang wala na akong kontrol sa utak ko dahil sinasalo ko ang bawat paggalaw ng kanyang labi. Para akong mababaliw sa nararamdaman.
Umakyat ang kamay ko sa kanyang batok. Naramdaman ko rin ang mainit niyang palad sa aking likod samantalang ang isang kamay naman niya ay nakahawak sa gilid ng ulo ko.
Kusa kaming tumigil at kapwa hinahabol ang hininga. He rested his forehead against mine. Ramdam ko ang mainit niyang hininga na pinaghalong strawberry at mint ang amoy. Marahan niyang hinahaplos ang pisngi ko at hinapit pa ako papalapit sa kanya gamit ang kanyang palad na nakalapat sa aking likod.
"I'm sorry, I didn't know you felt like that. Ang buong akala ko ay balewala lang ako sa'yo magmula nang nagkita ulit kayo ni Nigel." Paliwanag niya habang nakatingin sa aking mga mata.
Kusa na akong bumigay sa kanya. Umiling ako at ngumiti. Inilayo ko ang aking mukha sa kanya upang makita ang makisig niyang mukha. His eyes are full of sadness and begging at the same time.
"Pati sarili ko ay hindi ko na maintindihan, Creed." Sagot ko.
Tumango siya. "Naiintindihan ko. Hindi kita pipilitin tungkol sa kasal, Celestine. Pero wala na akong pakialam sa kung sino ang mababangga ko, itutuloy ko na 'to. Alam kong pinagkasundo na tayo, but I want to gain your trust and love in my own way." Lumapit muli siya sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay.
![](https://img.wattpad.com/cover/53506361-288-k525146.jpg)
BINABASA MO ANG
The Lost City of Eriendelle
FantasíaCelestine is the one and only daughter of the King and Queen of Eriendelle. She was hidden from public because she is considered as the miracle of the Royal Family and the gem of the Eriendelle. Also, She's the crowned princess of Eriendelle --the o...