Final Chapter
Third Person's POV
Three years later...
Maingay ang palasyo. Lahat ay nagkakasayahan dahil sa isang mahalagang selebrasyon. Ang binyag ng kambal na lalaking anak nina Prince Rigel at Princess Elvira. Nagtatawanan sa iisang lamesa ang magkakaibigan.
"Ang cute talaga nila, Elvs. Kaso sa kasamaang palad, puro kay Prince Rigel nakuha ang mga mukha." Pang-aasar ni Galen kay Elvira.
Nakatingin lamang sila sa dating hari at reyna na masayang inaalo ang kanilang makukulit na mga apo. Masayang-masaya sila habang pinangangalandakan ang kanilang mga apo sa bisita.
"Ang kapal talaga ng mukha mo! Porke nakadalawa na rin kayo ni Amirah." Pang-aasar naman pabalik ni Elvira.
"Syempre, malakas ata 'to." Sagot naman ni Galen at ipinakita pa kunwari ang kanyang braso saka hinalikan sa pisngi ang asawa nitong si Amirah.
Sumimangot nalang si Elvira at napatingin kila Cosette at Nigel. Napangiti siya nang makita ang medyo malaki nang umbok sa tiyan ni Cosette. Nakahawak sa kanyang balikat si Nigel habang dahan-dahan itong hinahagod.
"Anim na buwan na iyang tiyan mo, Cosette, diba?" Tanong niya sa kaibigan.
"Yup! Excited na nga ang tatay, halos ayaw na akong palabasin ng bahay." Natatawang sagot ni Cosette at tinignan si Nigel.
"Baka kasi kung mapano ka, noong huling beses kitang pinayagang lumabas ng bahay nadulas ka pa." Mahinahong paliwanag ni Nigel.
"Guys, maging sensitive naman tayo sa isa diyan na wala pang nabubuo." Parinig ni Marshall saka tinignan ang gawi ni Creed.
Agad na sinamaan ng tingin ni Creed ang kaibigan. Ngayon ay natuon naman ang atensyon nila kay Creed. Natawa ang mga babae samantalang nanatili nakasimangot si Creed.
"Akala ko pa naman ikaw itong may malakas na resistensya sa'tin, Creed. Ano na? Masyado bang nakaka-istress ang pagiging hari?" Gatong pa ni Galen.
Tatlong taon na ang nakakalipas nang koronahan bilang Hari at Reyna ng Eriendelle sina Creed at Celestine. May kanya-kanya na 'ring pamilya ang mga kaibigan at ang mga kapatid nila. Si Cross na kapatid ni Creed ay naninirahan na ngayon sa Oldia kasama ang kanyang pamilya at mayroong isang supling. Si Cane ay masaya na ri ngayon sa kanyang fiancee, samantalang si Juel naman ay may nililigawan. Si Altair ay magpapakasal na rin sa susunod na buwan, at si Gregory ay nanatiling walang kaagapay sa buhay.
"Manahimik ka, Galen. Sadyang abala lang ang asawa ko sa maraming bagay." Sagot ni Creed at tumingin sa gawi ni Celestine kasama ang kanyang mga kuya habang masayang nagkukwentuhan.
"Sa'yo tayo, Marshall. Ilang beses ka nang binasted ng nililigawan mo diba?" Balik na tanong ni Cosette sa kaibigan.
Natahimik naman si Marshall. Doon napangiti si Creed. Tinignan ni Creed si Cosette na tinaasan siya ng thumbs up. Naging tampulan ng tukso si Marshall ng mga kaibigan at nakisali na rin sa Creed bilang ganti sa kanyang sinabi kanina.
Samantalang si Celestine naman matapos kausapin ang iilang mga bisita ay lumapit ito sa kanyang kambal na masayang kinukulit ang kanyang pamangkin habang hawak ng kanilang inang si Sera.
"Ikaw Kuya, kailan mo balak magpakasal?" Bungad ni Celestine sa kapatid at tumabi dito.
"Hi Raven." Ngiting bati ni Celestine sa isa niyang pamangkin na hawak ni Sera.
BINABASA MO ANG
The Lost City of Eriendelle
FantasiCelestine is the one and only daughter of the King and Queen of Eriendelle. She was hidden from public because she is considered as the miracle of the Royal Family and the gem of the Eriendelle. Also, She's the crowned princess of Eriendelle --the o...