Chapter 9: Engagement
Celestine's POV
Nang makarating ako sa palasyo ay agad akong tumungo sa kwarto ko at nagsulat ng mga liham kila Elvira. Kilala naman ang pamilya nila at isa mga opisyal sa palasyo ang mga magulang nila kaya paniguradong alam na ni Declan kung saan ang mga tahanan nila.
Matapos kong maisulat ang mga liham ay lumabas na ako at hinanap si Declan. Hindi pa ako nakakabihis, alas dos na ng hapon. Mamaya nalang siguro, masyadong pang maaga.
Nang mahanap ko si Declan ay ibinigay ko agad sa kanya ang mga sulat. Sunod kong pinuntahan ay si Mama. Nang malaman niyang papapuntahin ko ang mga kaibigan ko sa bahay ay agad siyang kumilos para makapaghanda sa dinner. Aligaga rin siya dahil mukhang mas excited pa siya kesa sa akin.
"Ma, dahan-dahan lang po." Saway ko sa kanya.
Nasa kusina na kami ngayon at naghahanda. Ayaw magpaawat ni Mama. Marami siyang pinapahanda na labis kong ipinagtaka dahil sina Elvira lang naman ang mga bisita ko. Nakatingin lang ako sa kanila dahil hindi naman ako pinapatulong ni Mama. Ayaw niya daw na magasgasan ang balat ko pero nagpumilit parin ako.
"Anak, sige na, kami na ang gagawa diyan. Hindi ka pwedeng magasgasan o masugatan manlang sa ganitong paraan."
Nasa batas daw kasi na dapat manatiling makinis at walang pasa o peklat ang magiging reyna hanggang sa maging reyna na. Saka lang dapat mangyari ito kung nasa labanan ang crown princess/prince o kung may dapat na ipagtanggol, doon kasi ay hindi maiiwasang magka-sugat talaga. Pero si Mama kahit na ganap na reyna na siya ay naglalagay parin siya ng proteksyon sa kamay kapag gumagawa siya ng mga gawain dito sa palasyo tulad ng, pagtatanim sa hardin at pagluluto. Ang gusto kasi ni Mama, kahit na reyna na siya at gusto niya paring umakto bilang isang ordinaryong ina sa amin.
At dahil ayaw naman akong patulungin ni Mama sa kusina ay pumunta nalang ako sa kwarto upang magbasa ng mga libro. Pagkapasok ko aking kwarto ay agad kong napansin na pinalitan na ang mga bed sheets ko sa queen size kong canopy bed na magkahalong white at gold ang mga kulay at pati na rin malaking head board. Kulay gold rin ang mga telang naka-kabit sa apat na kahoy na naka-konekta sa kama. Sa magkabilang tabi ng canopy bed ko ay may mga bed side table kung saan nakapatong ang dalawang lamp shade at mga frames. Sa hindi kalayuan ay ang study table ko na gawa sa ivory at may mga gold designs sa mga edge ng table. Nakapatong doon ang iilang libro at mga notebooks ko. Nasa likod rin ng study table ang malaki kong book-shelf. Sa paanan ng kama ay may mga sofa at center table na nakapatong sa magkahalong red at gold na floor mat. Nasa likod ng mga sofa na ito ang pintuan patungo sa comfort room at walk in closet ko.
Malaki ang kwarto ko, kasing-laki na ng isang bahay na may anim na myembro sa pamilya. What do you expect? Kahit na gustuhin ko mang paliitan ito ay hindi pwede, because I am the future queen of this City, as everyone were saying.
Pumunta ako sa book shelf at kumuha ng isang libro na tungkol sa mga halamang gamot. Lumabas ako sa malawak na terrace ko at umupo sa duyan na nakalagay doon at nag-umpisa nang magbasa. Dapit-hapon pa naman at maliwanag pa. Nasisikatan ako ng papalubog na araw, hindi naman ito masakit sa balat. Kung tutuusin ay mahangin at medyo malamig ang panahon ngayon.
Nakaka-limang pahina na ako nang biglang may kumatok at tumawag sa akin. Tumayo ako at iniwan na muna ang libro sa duyan at tumayo upang pumunta sa pinto at buksan ito. Tumambad sa akin ang ilang mga tagapag-silbi, nagbigay galang muna sila sa akin bago magsalita ang isa sa kanila na nasa unahan.
"Paumanhin po sa abala, Princess Celestine. Ngunit kailangan niyo na raw po mag-ayos sabi ng Reyna. Anuman oras ngayon ay dadating na ang mga bisita niyo."
![](https://img.wattpad.com/cover/53506361-288-k525146.jpg)
BINABASA MO ANG
The Lost City of Eriendelle
FantasíaCelestine is the one and only daughter of the King and Queen of Eriendelle. She was hidden from public because she is considered as the miracle of the Royal Family and the gem of the Eriendelle. Also, She's the crowned princess of Eriendelle --the o...