Chapter 28: Poison
Celestine's POV
Ala singko ng hapon nang maisipan kong maglakad-lakad sa labas ng palasyo. Nakasunod sa aking likod si Gregory na nagprisintang bantayan ako kahit na nasa perimeter lamang ako ng palasyo, na siya namang hindi ko maintindihan. He seems overprotective to me lately. Hindi ko naman siya matanggihan dahil mapilit siya at ginagawa niya lang ang trabaho niya. Ang iniisip ko nalang ay baka inutusan siya ni Nigel.
Napatingin ako sa mga bulaklak sa garden ni Mama. Naiwan sa Academy si Blasey kaya wala akong makausap. Masyadong seryoso si Gregory nitong mga nakaraang linggo, tila lagi siyang pagod at malalim ang iniisip. Malayo sa masayahin at palabirong Gregory na nakilala at iniligtas ako sa gubat. Marahil ay may personal siyang mga problema.
Pumitas ako ng isang kulay pulang rosas sa gilid.
"May nabigyan ka na ba ng bulaklak, Gregory?" Biglang tanong ko saka siya nilingon.
Bahagya pa siyang nagulat sa tanong ko at hindi agad nakasagot. Umihip ang may kalakasang hangin kasabay nito ang pagsayaw ng hem ng traditional dress ko kasabay ng hangin.
"M-May isa po." Aniya na tila nahihiya.
Pinigilan ko ang sariling matawa lalo na nang makita ang pamumula ng kanyang magkabilang tainga.
"Talaga? So, ibig sabihin nagkaroon ka na ng girlfriend? O baka naman may girlfriend ka ngayon?"
I know that it is his privacy, pero nakakatuwa siyang tignan. For a moment, nawala ang pose niya bilang knight.
"W-Wala po."
Nagtaka ako sa sagot niya ngunit hindi ko na ito sinundan pa ng isa pang tanong. Baka ayaw niyang ibahagi at mapilitan lang siya dahil pinagsisilbihan niya ako.
Tumango-tango na lamang ako at binalik ang tingin sa paligid. Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang pumasok sa isip ko si Creed. Iyong ngiti niya, ang makisig niyang mukha at ang boses niya na tila nage-echo sa isipan ko. Wala pang isang araw pero namimiss ko na siya.
Kinagabihan, matapos ang hapunan ay nakipagkita ako kay Gregory sa likod ng palasyo.
"Naihanda mo na ba ang mga pegasus?" Tanong ko.
"Opo, mahal na Prinsesa. Ngunit may dapat po kayong malaman."
"Ano iyon?"
Tumingin muna sa paligid si Gregory saka lumapit pa nang kaunti sa akin.
"May narinig akong nag-uusap sa kwadra ng mga pegasus kanina. Pamilyar po sa akin ang tinig ngunit paumanhin po dahil hindi ko makita kung sino ito dahil nakatalikod siya sa direksyon ko. Tama po ang hinala niyong taga-palasyo ang gumawa ng panlalason sa Mahal na Hari."
Kinuyom ko ang aking kamao dahil sa narinig. Hindi ko mapapatawad ang gumawa nito kay Ama. This is considered as a treason, lalo na't taga-palasyo pa ang pasimuno ng lahat ng ito.
"Kung ganoon, kailangan nating magmadali, Gregory. At mas dapat tayong mag-ingat."
Tumango lamang si Gregory sa akin. Hindi rin nagtagal ay bumalik na ako sa palasyo. Nasa grand staircase na ako papunta sa pangalawang palapag ng palasyo nang makasalubong ko si Uncle Sandro na nagsasagawa ng rounds niya sa palasyo.
BINABASA MO ANG
The Lost City of Eriendelle
FantasyCelestine is the one and only daughter of the King and Queen of Eriendelle. She was hidden from public because she is considered as the miracle of the Royal Family and the gem of the Eriendelle. Also, She's the crowned princess of Eriendelle --the o...