Chapter 18: Fake Friends

5.8K 236 5
                                    

Chapter 18: Fake Friends





Celestine's POV





Matapos makuha ang pangalawang realm ay umalis na kami sa tore. Ingat na ingat kami habang pabalik ng kakahuyan. Napasulyap ako kay Elvira, magang maga parin ang kanyang mga mata dahil sa nangyari kanina.





Naaawa ako sa kanya. Siya na ang naging sandalan ng kanyang ina at ng dalawang kapatid nito matapos mamatay ang ama nila. Kaya siguro para na rin siyang nanay kung mang-sermon sa amin minsan, nasanay na kasi siya sa ganoong pag-uugali sa bahay nila. Ngayon palang ay humahanga na ako sa katatagan ni Elvira.





"Guys, ingat baka maka-apak kayo ng sanga at makagawa ng malakas na ingay." Babala ni Gregory sa amin.






Ngunit pagkasabi niya palang 'non ay bigla na lamang natalisod si Marshall sa isang maliit na sanga. Nagkaroon iyon nang medyo malakas na ingay dagdag mo pa ang pag-singhal ni Marshall ng isang malutong na mura. Agad siyang napatakip sa kanyang bibig nang marealize ang kanyang ginawa.







Napatigil kaming lahat at inikot ang paningin sa paligid sa pag-aakalang narinig kami ng guardian na pumapaikot-ikot sa tore.







Nang maramdaman na wala namang susugod ay nagpatuloy na sa paglalakad si Gregory na siyang nangunguna sa amin. Maglalakad na rin sana ako nang biglang bumulaga ang guardian sa harapan ni Gregory. Napasigaw kami sa gulat.





Hindi katulad kanina ay tila mas mabangis ang guardian na ito. Isa parin itong ibon ngunit nakatayo na ang mga balahibo sa kanyang leeg. Kulay itim ito na nahahaluan ng kulay gintong mga balahibo. Nanlilisik ang kulay pula niyang mga mata.






"Shit!" Pagmumura ni Gregory.






"Cosette! Fire ball!" Sigaw ni Galen.







Gumawa ng isang malaking fire ball si Cosette at binato ito sa guardian. Ngunit mabilis niya itong naiwasan kaya mas lalong napamura ang mga kasama ko. Patuloy lang kami sa pagtakbo ngunit nakita kong natumba si Cosette, mukhang ako lang ang nakapansin 'non kaya hindi na ako nagdalawang isip na lapitan siya at tinulungang makatayo.







"Celestine! Cosette! Bilisan niyo!" Sigaw ni Elvira sa amin. Nauuna na sila sa amin.







Nakita ko kung paano umagos ang dugo sa tuhod ni Cosette kaya napangiwi ako. Pinatong ko sa aking balikat ang kamay niya at mabilis siyang ginabayan patakbo sa gubat.






Ngunit napatigil kami nang harangan kami ng guardian.






"I'll distract him. Iwan mo na ako dito Celestine." Rinig kong usal ni Cosette.






"No! Hindi kita iiwan dito!" Mariin kong sagot.







Wala na akong choice kundi ang gumalaw dahil kung hindi ko ito gagawin ay pareho kaming mapapahamak ni Cosette.






Tinangka kaming atakihin ng guardian ngunit mabilis kaming umatras. Saglit akong pumikit saka ko naramdaman ang pagbabago ng kulay ng aking mga mata at buhok. Narinig kong nagsisigawan na rin sina Elvira. Pagkabukas ko ng aking mga mata ay pilit nilang nilalabanan ang guardian. Si Galen na panay ang paghakot ng mga natumbang puno at ihagis sa direksyon ng guardian ngunit wala paring epekto dahil madali niya itong naiiwasan.







"Celestine, no! Mapapahamak ka lang. Control yourself, bumalik ka na sa dati mong anyo!" Sigaw ni Cosette.







"I can still handle myself, Cosette. Don't worry." Usal ko.







The Lost City of EriendelleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon