Chapter 31: Abducted

5K 188 85
                                    

Chapter 31: Abducted


Celestine's POV


"Celestine..."



Ibinalik ko ang aking paningin kay Nigel nang hawakan niya ang aking kamay. Patuloy parin ang pagtugtog ng music ngunit sapat na ang hina nito upang marinig ko si Nigel. He's smiling widely while looking at me.



"We've been together since we were young, at alam kong pareho tayo ng nararamdaman. I was hesitant to do this at first, because I wasn't sure kung ganoon parin ang nararamdaman mo sa akin matapos kang ipagkasundo kay Creed." Sandaling nawala ang kanyang ngiti ngunit yumuko siya at ngumising muli.



"But after accidentally hearing your conversation with Elvira last week, doon ako nagkalakas ng loob na umamin sa Hari at Reyna tungkol sa nararamdaman ko para sa'yo." Tumigil siya ulit at hinawakan ang magkabila kong kamay habang nakatingin nang diretso sa aking mga mata.



"Celestine, I love you and I'm willing to spend the remaining years of my life with you."



Tuluyang tumulo ang aking luha habang nanatili ang aking mga mata kay Nigel. We've been through a lot together and I loved him ever since. He always had a special place in my heart. I will always love him, ngunit hanggang kaibigan na lamang iyon.



"Celestine, will you—" I cut him off by hugging him.



Tuluyan akong napaiyak habang yakap siya. Bumalik sa akin ang lahat ng mga masasayang alaala at pangako naming dalawa sa isa't isa.


"I will never love another girl besides you, Celestine." he promised.



"What's wrong, Celestine?" Marahang tanong ni Nigel habang hinahagod ang aking likod.



Unti-unti akong kumalas sa kanya at umiling habang nakahawak sa kanyang magkabilang braso. Hawak niya na ngayon ang maliit na box. Yumuko ako at hinawakan ang kamay niyang may hawak nito habang patuloy parin sa pagluha. It'll be painful for me to say this, but I have to.



"N-Nigel..." Pag-uumpisa ko.



Tinignan ko siya. Puno ng kalituhan ang kanyang reaksyon habang nakatingin parin sa akin at naghihintay ng susunod kong sasabihin.



"I-I can't..." Sagot ko at umiling habang patuloy na umiiyak.



Ang kaninang confuse na reaksyon ay napalitan ng sakit. Bumagsak ang kanyang balikat habang nakatingin parin sa akin gamit ang naluluha niyang mga mata. God knows how much I treasure this guy, ngunit hanggang doon na lamang iyon.



"I'm sorry, Nigel. I'm so-sorry..." Hagulgol ko.



Napayuko at napahawak sa aking bibig upang pigilan ang aking pag-iyak ngunit kahit anong pigil ko ay tumatakas parin ang aking hikbi.



"Hey..." Rinig kong sabi niya matapos ang ilang segundong pananahimik.



Napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya, ngunit sa kabila ng ngiting iyon ay ang sakit na pilit niyang tinatago. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinunasan ang mga luhang tila waterfalls sa sunod-sunod na pagpatak nito.




"You know I'll always support you in whatever path you will take, right? And I will do everything just to make you happy, at kung hindi ako ang magbibigay sa'yo 'non. Handa kitang isuko sa lalaking sa tingin ko ay magbibigay sa'yo ng bagay na iyon." Aniya.



The Lost City of EriendelleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon