Chapter 15: First Destination

6K 223 19
                                    

Chapter 15: First Destination




Celestine's POV





Lumapit pa kami nang kaunti sa bakuran ng babae. Pinagbuksan niya kami ng gate at agad na pinapasok.





"Tuloy kayo. Nako! Buti naman at naisipan mo kaming dalawin, hijo." Masiglang bati ng babae kay Gregory.






"Matagal-tagal na rin po tayong hindi nagkita. Nagkataong napadaan lang po kami, inatasan po kasi kami sa isang mahalagang misyon." Paliwanag ni Gregory.






"Kung gayon ay pumasok na muna kayo at magpahinga nang kaunti bago kayo tumuloy. Marahil ay nagmula pa kayo sa Eriendelle. Itali niyo na muna ang inyong mga pegasus sa bakod ko. Matibay naman ang mga 'yan." Nakangiting wika niya sa amin.





Ginawa ng mga kasama naming lalaki ang sinabi ng babae. Bago pa man kami pumasok ay pinakilala muna kami ni Gregory sa kanya. Nagtagpo ang aming mga mata nang ipakilala ako ni Gregory sa kanya. Nagulat rin siya nang malaman na isa akong prinsesa. Kaya agad siyang nagbigay-galang sa akin.



"Kinalulugod kong makilala ka nang personal, mahal na prinsesa."


"I-Ikinalulugod ko 'ring makilala ka, Aleng Jesusa."


Hanggang ngayon ay naiilang parin ako sa kanyang mukha na kahawig ni Auntie Sera. Ang kaibahan lang ay mayroon siyang maliit na balat sa kaliwang pisngi. Medyo makapal rin ang kanyang kilay kumpara kay Auntie Sera. Ngunit bukod sa mga iyon, ay same na sila ng features ni Auntie Sera.




"Siya naman si Aleng Jesusa. Aleng Dyosa ang tawag ko sa kanya, kita niyo naman kung bakit di'ba?" Taas-noong itinuro ni Gregory ang mukha ni Aleng Jesusa.




She's indeed a beauty. Kahit bakas na ang katandaan sa kanyang balat ay kapansin-pasin parin ang makinis niyang mga balat.




Tuluyan niya kaming pinapasok sa kanilang tahanan. Unang tumambad sa amin ay ang malawak nilang sala. Gawa sa kawayan ang mga upuan at ganun rin ang center table nila na may flower vase sa gitna nito at may laman na isang tumpok ng kakaiba at iba't ibang mga bulaklak. Dumiretso kami sa kusina nila kung nasaan ang medyo may kalakihang lamesa na gawa sa matibay na kahoy. Pinakinis ang pinagpapatungan nito gayundin ang mga parteng gilid nito. Gawa rin sa kahoy ang kanilang upuan.





Umupo kaming lahat sa lamesa samantalang inaasikaso naman ni Aleng Jesusa ang mga pagkakainan namin.



"Mabuti nalang at naisipan kong magluto nang marami ngayon." Wika ni Aleng Jesusa habang hinahanda ang mga plato.





"Aleng Dyosa, si Tanya po?" Tanong ni Greg.



"Ah, naghanap lang ng mga halamang gamot diyan sa tabi-tabi. Darating na rin 'yon maya-maya lang."





Hindi nagtagal ay nag-umpisa na rin kaming kumain. Masasarap ang mga pagkaing inihanda niya. Halos ubusin ko na ang laman ng aking plato kahit na busog na ako. Ngunit kahit habang kumakain ay hindi ko parin maiwasang sumulyap kay Aleng Jesusa na masayang nakikipag-usap sa mga kasamahan ko. Ako lang yata itong walang-kibo dito. At dahil doon ay bumaling sa akin si Aleng Jesusa.





"Kanina ka pa tahimik, mahal na prinsesa. May bumabagabag ba sa'yo? Hindi ba masarap ang luto ko?" Tanong niya.




Agad akong umiling at ngumiti.




"Masarap po ang pagkain na inihanda niyo. May kakilala po kasi ako na kamukhang-kamukha niyo." Sagot ko.




"Talaga? Nasaan naman siya ngayon?" Manghang tanong niya.





The Lost City of EriendelleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon