Chapter 24: Sick

5.8K 276 17
                                    

Chapter 24: Sick







Celestine's POV





Alas cuatro ng madaling araw nang magising ako sa isang kaluskos. Agad akong napatingin sa gawi nina Elvira at Cosette. They're sound asleep. Tumayo ako upang lumapit sa bahagyang nakabukas na pintuan ng aming terrace. Napasulyap ako sa isang blankong kama. Walang beddings ito dahil wala namang natutulog doon since tatlo lamang kami dito at apat ang mga canopy bed.





Madilim ang buong kwarto at tanging torch na nasindihan lamang sa labas at sinag ng buwan ang nagsisilbing liwanag sa loob ng aming silid. Nang mahawakan ko ang pintuan ay napatigil ako sa aninong aking napansin sa bandang kakahuyan na malapit sa dorm namin.





Umihip ang hangin nang sinubukan kong lumabas. Sumabay sa paggalaw ang hem ng aking night gown at ang aking mahabang buhok sa aking paglalakad. Hindi iyon masyadong malinaw sa akin, but I'm very sure na tao iyon. Two persons, fighting.





Mas lumapit pa ako hanggang sa nakasampa na ako sa sementong terrace ng kwarto. Mabilis ang bawat galaw nila kaya hindi ko iyon masundan. I was about to go out upang sawayin sila nang may sumulpot na dalawa pang lalaki na patakbong lumapit sa kanila at inawat ang mga ito. I could even hear a minimal sound of their argument.





Maya-maya ay natigil na ang dalawa. Nang makitang pabalik na ang tatlo sa kanila sa building ay nagmadali rin akong pumasok sa loob ng kwarto at sinarado ang pintuan ng aming terrace. Naiwan ang isang tao sa gubat.





Sino naman ang mga iyon?





Medyo late na nang magising ako dahil sa nangyari kagabi. Nanatiling tikom ang aking bibig at hindi na sinabi pa kila Elvira ang nasaksihan. Hindi ako sigurado kung sino ang mga iyon. Baka away barkada lang.





Nauna kaming mga babae sa cafeteria hall. Halos ilang minuto pa ang nakalipas bago dumating ang tatlo. Nakayuko si Creed habang nakapamulsa. His hair are a bit messy but it just made him even look better.





"Oh? Anong nangyari?" Tanong agad ni Elvira sa tatlo.





Hindi sumagot sina Galen at Marshall at tinignan lang si Creed na hanggang sa pag-upo ay nakayuko siya. Bahagya pa akong nagulat nang tumabi siya sa akin at pinatong ang noo sa aking balikat. Hindi agad ako nakagalaw. Nagkatinginan kaming lahat. Inikot ko agad ang aking tingin at nakita ang mga mata ng estudyante na tila nagtataka sa gestures ni Creed.





"Creed, everyone's watching! Anong nangyari sa'yo?" Pabulong na sigaw ni Elvira sa taong nasa balikat ko.





"Creed..." Tawag ko rin sa kanya at marahang hinawakan ang kanyang braso.




Ngunit tila wala siyang naririnig at pinagpatuloy ang ginagawa. I can feel his warm breath against my shoulder. Amoy ko rin ang kanyang pamilyar na pabango. It seems like, his energy was drained or something.





"What happened?!" Natatarantang tanong ni Cosette kila Galen at Marshall ngunit nanatiling tikom ang kanilang bibig.




I'm starting to get nervous. Umayos ako ng upo at tinapik pa siya habang marahang tinatawag ang kanyang pangalan.





"What the hell is happening with you, Creed?! Nakatingin na ang mga students dito, hindi pa ito ang panahon..." Elvira trailed off ngunit agad siyang natigilan nang i-angat ni Creed ang kanyang ulo.





The Lost City of EriendelleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon