Chapter 26: First Love

5.2K 198 38
                                    

Chapter 26: First Love




Celestine's POV




Napaiktad ako nang maramdamang gumalaw ang aking katabi. Nang buksan ko ang aking mga mata ay tumambad sa akin ang makisig na mukha ni Creed. He's looking at me while smiling. Nang makitang gising na ako ay mas lalong lumapad ang kanyang ngiti. He kissed my head gently. Imbis na pigilan ko iyon ay hinayaan ko na lamang siya.




"Did I wake you up?" Aniya gamit ang namamaos na boses.



Umiling lamang ako. I am out of words to say. All I can think of is his scent, his touch, his lips, his presence, all of him.



"Gabi na, let's eat." Aniya.




Tahimik akong tumango at bumangon. Nakatayo na ako nang may maalala. Muli kong nilingon si Creed.



"How are you feeling?" Tanong ko at muli siyang dinaluhan upang idikit ang likod ng aking kamay sa kanyang noo. Hindi na ito masyadong mainit. Buti naman.




"Maayos na ang pakiramdam ko, Celestine." Aniya saka hinawakan ang aking kamay na nakadikit sa kanyang noo.



"Alalayan mo nalang ako. I think, I can't stand well. Mukhang mahaba ang epekto ng potion." Sabi niya saka gumalaw upang makatayo habang hawak parin ang aking kamay.





Muli akong nakabawi sa pagkatulala at inalalayan siyang makatayo. Mukhang hindi pa nga nawawala ang epekto ng potion sa kanyang katawan dahil nanghihina parin ang binti niya.




Habang naglalakad papunta sa cafeteria hall ay panay ang pagbibiro niya sa akin. Hindi ko akalain na may malokong side rin pala siya. Inaasar niya ako sa pagiging maalaga ko 'raw sa kanya. Nasanay na talaga akong nag-aalaga sa isang tao. Dahil ako palagi ang nag-aalaga kay Auntie Sera sa tuwing inaatake siya. Since pinagbabawalan naman ako dati na lumabas ay madalas akong nasa kwarto niya at nakikipag-kuwentuhan sa kanya.




Nang makarating kami sa tapat ng cafeteria hall ay pareho naming hinawakan ang malaking double door upang mabuksan ito.




"Sana lagi nalang akong may sakit para palagi rin kitang kasama." Rinig ko pang pahabol niya habang natatawa.





"Manahimik ka nga, Creed." Saway ko sa kanya gamit ang naiinis kong boses, ngunit hindi ko parin maikubli sa aking labi ang sumisilip na mga ngiti.






"Celestine..."






Agad akong napa-angat ng aking tingin nang marinig ang pamilyar na boses. Umawang ang aking bibig nang makita ang mga kapatid at mga kaibigan ko pati na rin ang dalawang pamilyar na mga lalaki. Nasa amin na ni Creed ang kanilang atensyon. Pati ang ibang mga estudyante ay nagsimula na ulit magbulungan nang makita kaming dalawa.






"N-Nigel..." Nauutal kong tawag sa kanyang pangalan.






Agad siyang lumapit. Tila may kung anong tumusok sa aking puso nang maramdaman ang unti-unting pagbitaw ni Creed sa braso niyang nakapatong sa aking balikat. Mabilis na lumapit si Britney at kinuha si Creed mula sa akin. Pinulupot niya ang kanyang braso sa likod ni Creed samantalang ang isang braso naman ni Creed ay pinatong niya sa kanyang balikat.






Hindi ko na nasundan pa ang ibang pangyayari nang niyakap ako ni Nigel. Mas lalong lumakas ang bulong-bulungan ng mga estudyante. Ngunit hindi ko iyon pinansin. Dahil ang aking atensyon ay kay Creed na seryosong nakatingin sa amin.






The Lost City of EriendelleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon