Chapter 19: He’s Back
Celestine’s POV
Now, I understand. Hindi sila ang mga kaibigan ko. I knew it, una palang ay ibang iba na ang kinikilos nila. Magmula pa lamang nang makatapak kami sa loob ng palasyong ito ay iba na ang aking pakiramdam.
“Anong ginawa niyo sa mga kaibigan ko?!” Galit kong sigaw sa kanila.
Tumawa ang kamukha ni Elvira. Kinabahan ako dahil sa inasal niya. Kung hindi sila ang mga kaibigan ko? Nasaan sila? Anong nangyari sa kanila? Nasa maayos ba silang kalagayan?
“Huwag ka nang umasang makikita mo pa sila dahil tatapusin ka na namin ngayon.” Aniya saka ito sumugod sa akin.
May mga hawak na silang weapon na ang alam ko naman ay wala kanina. Pilit akong umiiwas sa mga atake niya. Halos hindi ko kayang sugurin siya dahil nakikita ko parin si Elvira sa kanya. I think this is the main purpose of them on copying my friends, upang magdadalawang-isip akong saktan sila dahil kamukhang-kamukha nila ito.
Napasigaw ako nang muntikan na akong masaksak ng hawak niyang dagger. Napamura ako at naisip na kailangan ko na talagang lumaban. Dahil kung hindi ay hindi matatapos ito. Hindi nila ako titigilan hangga’t hindi nila ako napapatay.
Nang muli akong sugurin ni Elvira ay hinintay ko siyang makalapit nang tuluyan sa akin bago siya sinipa sa kanyang tiyan. Nang matumba siya ay ginamit ko ang pagkakataong iyon upang subukan ang kapangyarihan ko ngunit nabigo ako dahil tila may kung anong inerhiya ang pumipigil na makalabas ito.
“Hindi mo magagamit ang iyong kapangyarihan sa palasyong ito. Kaya huwag mo nang subukan pang gamitin ang light ability mong kulang-kulang pa.” Natatawang pahayag ng kamukha ni Elvira habang tumatayo.
Kunot-noo ko siyang tinignan. Ability ko na kulang-kulang pa? Anong ibig niyang sabihin?
Tumawa siya nang makita ang nalilito kong reaksyon dahil sa pahayag niya.
“Kawawang Prinsesa, ipinagkait nila sa’yo ang mga impormasyong dapat mong malaman kaya ngayon ikaw ang nahihirapan. Marami ka pang hindi alam, Celestine. Marami pang hindi naipapaliwang sa’yong lihim. Nakakaawa ka dahil hanggang ngayon ay namumuhay ka parin sa mga kasinungalingan ng pamilya mo.” Litaniya niya.
Doon ako tuluyang natigilan. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Marami pang tinatago sa akin ang pamilya ko na dapat kong malaman? Kung ganun, ano-ano ang mga iyon?
“Huwag mo nang isipin dahil mababaliw ka lang.” Muling pahayag ni Elvira bago ako muling sugurin.
Mabuti nalang ay mabilis akong natauhan at agad na nahawakan ang wrist niya saka ito pwersahang binangga sa aking tuhod kaya napadaing siya sa sakit at nabitawan ang dagger. Sinipa ko ang dagger papunta sa pintuan saka inikot si Elvira at mabilisang binali ang kanyang leeg. Napatigil siya. Maya-maya ay bigla na lamang siyang naging bato at nawasak at tila naging abo sa sahig.
Hindi pa ako nakaka-recover doon nang bigla na lamang sumugod nang sabay sina Marshall at Cosette. Mabilis akong tumakbo papunta sa dagger at kinuha ito. Pagkaharap ko ay mabilis kong sinaksak si Marshall gamit ito. Napaiktad ako nang maramdaman ang pagsipa ni Cosette sa aking tiyan. Napasandal ako sa kalapit na pader. Inambahan niya ako ng saksak ngunit agad akong naka-iwas at sinipa siya dahilan upang mapalayo siya sa akin . Saka ko siya pinasadahan ng dagger sa kanyang dibdib at katulad nina Elvira at Marshall ay naging abo din siya sa sahig.
BINABASA MO ANG
The Lost City of Eriendelle
FantasyCelestine is the one and only daughter of the King and Queen of Eriendelle. She was hidden from public because she is considered as the miracle of the Royal Family and the gem of the Eriendelle. Also, She's the crowned princess of Eriendelle --the o...