Chapter 14: Mission

7.2K 263 55
                                    

Chapter 14: Mission


Celestine's POV


Sumapit ang lunes. Unang araw ng paglalakbay namin. Hindi na muna ako umuwi sa palasyo nitong nakaraang Sabado at Linggo dahil kailangan naming magmadali sa training para sa paglalakbay. Alam na rin ng mga magulang ko ang tungkol sa misyon na ibinigay sa amin. Nagpadala si Mama ng mga prutas at gamit na dadalhin ko sa paglalakbay. Labis rin ang pag-aalala niya kaya sumulat ako sa kanya na kakayanin ko ang misyon. Isa pa, magagaling ang mga kasama ko.


Alas kwatro palang ng umaga ay nasa tapat na kami ng main building ng Eriendelle. Kami nina Cosette at Elvira palang ang narito, hinihintay namin ang tatlo. Medyo naiirita na nga si Elvira dahil ang bagal raw nilang kumilos. Baka maabutan pa kami ng sinag ng araw dito kakahintay sa kanila.


Nasa hindi kalayuan ay sina Francis at Lady Eudora na seryosong nag-uusap kasama ng ibang mga kawal. Naka-night gown pa si ninang samantalang naka-formal suit na si Francis.


"Elvira, sure ka ba talaga na sasama ka? Pwede ka pa namang mag-back out eh." Pakiusap ni Cosette.


Kahapon pa namin siya tinatanong kung okay lang ba talaga ito sa kanya. Pero sinabi naman niya na okay lang raw.


"Girls, you don't have to worry about me. Naisip ko rin kasi na baka kapag ginawa ko ito, mabawasan manlang ang sakit. Baka sa paraang ito, tuluyan ko nang matanggap. At isa pa, I want to talk to him for the last time. Marami akong gustong sabihin sa kanya at ihingi ng tawad. Naisip ko rin na baka kapag hindi ako sumama, pagsisisihan ko ito habang-buhay." Paliwanag niya.


Napangiti naman ako at hinagod ang likod niya. Elvira may look so strong outside, but she's very fragile inside. Kung tutuusin ay mas malakas pa siya sa aking kung usapang emosyon. Akalain mo, may ganito pala siyang pinagdadaanan pero nagagawa niya paring ngumiti. Kinuwento niya rin sa akin kagabi na hindi sila maayos ng kanyang ate. Bagay na maihahalintulad ko sa relasyon namin ni Kuya Altair.


Hindi rin nagtagal ay dumating na ang tatlo dala ang mga backpack nila. Halos nakapikit pa si Marshall samantalang si Galen naman ay halatang hindi pa nakakapagsuklay ng buhok niyang basa pa. Napatingin naman ako kay Creed. Typical na walang kibo, basa rin ang buhok niya, nakahawi pa ito paitaas kung kaya tuluyan kong nakita ang medyo makapal niyang kilay at ang makinis niyang noo. Nasa gilid ko lang siya kaya mula rito sa kinatatayuan ko ay amoy na amoy ko ang pabango niyang lagi kong naamoy sa kanya.


"Mabuti naman at dumating na kayo. Nakakahiya naman sa inyo, kami pa ang naghintay." Pananaray ni Elvira.


"Chill, Elvs. Masyado kang mainit eh ang lamig lamig nga." Natatawang sagot za kanya ni Galen ngunit irap lang ang natanggap niya kay Elvira.


"Pasensya na po, 'nay. Itong si Galen kasi ang tagal sa CR eh. Malay ko ba kung ano ang ginagawa niya 'don." Turo naman ni Marshall kay Galen.

Hinampas ni Galen ang nakaturong kamay ni Marshall sa kanya.

"Mga kabalastugan mo, Marshall. Malinis lang talaga ako sa katawan. Hindi tulad sa'yo na isang buhos lang ng tubig okay na. Palibahasa kasi panay perfume ang nililigo. Tsk." Sabat naman ni Galen.


Pabirong sinapak ni Marshall si Galen kaya natatawa nalang kami sa kanila. Tumigil lang sila nang lumapit na sa amin sina Lady Eudora at Francis. Napakapit ako sa backpack na dala ko.


"Are you ready?" Tanong sa amin ni Lady Eudora.


Tumango kaming lahat. Magsasalita pa sana si ninang nang bigla nalang may nagsalita sa hindi kalayuan.


The Lost City of EriendelleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon