Chapter 34: Death

5.1K 195 28
                                    

Chapter 34: Death





Celestine’s POV






Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata ngunit agad ding napapikit nang maramdaman ang matinding sakit ng ulo. Nagbilang muna ako ng ilang segundo bago muling buksan ang aking mga mata. Nang maka-adjust ang aking paningin ay saka ko lamang tinignan ang buong lugar. Madilim ang buong lugar at gawa sa bato ang mga dingding. Nasa loob ako ng isang selda sa gitna ng buong silid. Mayroong mga torch na nakadikit sa mga dingding, mayroon itong apoy na nagsisilbing ilaw sa buong lugar.






Agad akong bumangon upang suriin ang sarili. Iba na ang aking suot. Isang kulay puti na bestida. Nakatali ang aking mga paa sa isang tila itim na vapor. Napatigil ako nang mapagtantong pamilyar sa aking ability na iyon. Ginalaw ko ang aking mga paa ngunit mas lalo lamang itong humihigpit sa tuwing ako’y gagalaw. Dumako ang aking tingin sa mahaba kong buhok. Hinawakan ko ito nang makita na halos nababalutan na ng kulay puti ang buong area ng aking buhok. Tila ash gray na nagningning sa ilaw ng apoy.






“Gising na pala ang prinsesa. Mabuti naman.”







Inangat ko ang aking tingin upang makita ang isang pamilyar na babae. Nakasuot siya ng kulay pulang cloak. Mahaba ang maitim niyang buhok, mapupula ang mga labi ngunit hindi matatakpan ng kanyang ganda ang maitim na budhi nito. Unti-unting nabuo ang galit sa aking kalooban.





“Ilang beses na kitang tinangkang dukutin ngunit lagi na lamang napapatay ang mga pinapadala ko. Kahit kailan talaga ay sagabal ang iyong kakambal.” Aniya na mas lumapit pa sa rehas kung nasaan ako.





Natigilan ako nang marinig ang kanyang huling salita. Tinignan ko siya nang mariin.






“K-Kambal?” Nauutal kong tanong.






Napangiti naman siya at lumapit sa isang mahaba at lumang lamesa na walang kahit anong laman bukod sa isang mitsa.






“Oh, sa tingin ko ay hindi sinabi sa’yo ng totoo mong ina ang katotohanan.” Aniya at ngumiti nang may ibig sabihin.






“Ano bang pinagsasasabi mo?! Kung papatayin mo ako, gawin mo na! Huwag ka nang mandamay ng ibang tao!” Sigaw ko.






“Aw, ang prinsesa? Kayang ibuwis ang kanyang buhay sa mga taong hindi naman siya kilala? Matapang ka, Celestine. Ngunit isa kang hangal.” Nangungutyang sagot naman ng babae.





“Hindi lang basta sila tao sa akin. They are my people!”





Tumawa lamang ang babae at umiling palapit sa selda kung nasaan ako. Pinaikutan niya ang selda habang ako naman ay nakasunod lang ang masamang tingin sa kanya.







“Kamukhang-kamukha mo ang iyong ina. Pareho rin kayong hangal ni Erielle...o sa kung tawagin ngayon ay...” Tumigil siya at tinignan ako, “Sera.” Dugtong niya.





Tila tumigil ang oras nang marinig ko ang huli niyang salita. Tinitigan niya ako, sinusuri ang magiging reaksyon ko.






"A-Akala mo ba malilinlang mo ako? Hindi ako tanga!"






"Talaga, mahal na prinsesa? Eh bakit hanggang ngayon mo rin alam na kakambal mo ang iyong tinuring na kaibigan na si Gregory? At hindi mo rin alam na dati pa niyang alam ito simula pagkabata niyo. Ngunit nanatiling silyado ang kanyang bibig habang ikaw ay nabubuhay sa isang malaking kasinungalingan. Ngayon Celestine, sino sa atin ang mas tanga?"





The Lost City of EriendelleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon