Chapter 39: Flashback

4.7K 177 11
                                    

Chapter 39: Flashback



Third Person's POV



"Nak, anong oras ka pupunta ng bayan?" Tanong ng babaeng may edad na sa anak nitong abala sa pagtatahi.



"Ay, ito na po, nay. Pupunta na po. Pasensya, nawala po sa isip ko." Nagmadaling kumilos ang dalagang si Erielle upang pumunta sa bayan tulad ng pinag-uutos ng kanyang ina.



"Ikaw talagang bata ka. Oh siya, sige, mag-ingat ah." Paalala ng kanyang ina habang abala parin sa pagluluto ng kakanin upang ibenta sa bayan.





Paalis na sana ng bahay si Erielle nang muli siyang tawagin ng kanyang ina kaya napatigil ito sa kanilang pintuan.



"Kung anuman ang iyong marinig ay hayaan mo nalang." Malungkot na hayag ng ina.



"H'wag po kayong mag-alala, inay. Pasok sa kaliwa, lusot sa kanan lang po iyon." Natatawang sagot ni Erielle sa kanyang ina.





Nag-iisang anak si Erielle nina Imelda at Karlos. Ngunit hindi katulad ng mga babaeng ka-edad niya sa kanilang lugar, siya hindi pinagpala ng kagandahan o kahit manlang normal na mukha at pangangatawan. Malaki ang ilong ng dalaga, hindi gaano ka-puti ang kanyang balat at mayroon siyang malaking nunal sa bandang kaliwang pisngi. Hindi maayos ang kanyang ngipin at hindi rin makinis ang kanyang balat. Ang mukha niya ay tila kumukulubot at ang kanyang mga mata ay halos natatakpan na ng nakalaylay na mga balat.



"Hay nako, ke-aga aga may malas na dumating." Pagpaparinig ng isang tindera sa palengke nang makita si Erielle.





Humigpit ang kapit ni Erielle sa kulay itim nitong belo at mas tinakpan pa ang kanyang mukha. Katulad ng palagi niyang ginagawa ay pinabayaan niya lamang ito at mas piniling umalis nalang kaysa ang makipagtalastasan sa mga taong walang ibang ginawa kundi ang manghusga ng kapwa.



"Aleng Salve, magandang araw po, sa hipon nga po." Ngiting tanong ni Erielle sa tindera.



"Oh, Erielle! Magandang araw din sa'yo. Sige nak, dagdagan ko na para sa'yo." Sagot ng matandang tindera.



"Nakakahiya naman po, Aleng Salve. H'wag na po." Ngiting sagot ni Erielle.



"Ikaw talagang bata ka, hayaan mo na. Ito nalang ang maitutulong ko sa iyong itay. Nang maka-kain naman ng masarap na ulam."





Nasa kalagitnaan ng pagkikilo si Aleng Salve ng hipon na bibilhin ni Erielle nang tumawa ang dalagang tindera sa katapat na tindahan lang ng kanyang pinagbibilhan.



"Bakit mo pa bibilhin ang mga kalahi mo, Erielle? Ang sama mo naman, nangangain ka ng kapwa hipon." Sabi ng tindera at tumawa pa nang malakas.



"Hoy! Manahimik ka nga, Nita! Akala mo kung sino kang maganda, ah." Saway ng isang tinig.





Kung may mga taong masasama sa kanya ay may mga tao namang mabuti sa kanya at isa na roon ay ang pamilya ng kanyang matalik na kababatang si Fernan. Binaba ni Fernan ang hawak nitong bandera ng galunggong sa sahig at nakapamewang na humarap sa tinderang nanlait sa kaibigan.





"Kumpara naman diyan sa matalik mong kaibigan, mas maganda ako, no!" Sigaw pabalik ni Nita.



Tumawa naman si Fernan at kumuha ng hipon sa paninda ng kanyang ina, "Para ka lang din, hipon, Nita. Katawan lang maganda sa'yo, pero utak at pagkatao mo malapit nang mabulok!" Sabi pa ni Fernan na dinuro-duro pa si Nita ng hawak nitong hipon.





The Lost City of EriendelleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon