Chapter 2
Soooop.... Yaan ako. Humihigop ng sabaw.
"Edi masaya yun! I'm so excited girl!! Masayang experience yun and I'm sure maraming gwapo dun" sabi ni Jen na kasama kong kumain dito sa cafeteria sa school.
"Ayan ka na naman! Lalaki na naman iniisip mo. E may boyfriend ka na e. Sumbong kita kay Jiesun e." sabi ko sa kanya.
"Di naman kasi para sakin! Para sayo"
"Palusot.com" pang aasar ko sa kanya. May pagka mahilig kasi si Jen sa mga lalaki. Hindi naman sa malandi siya pero talagang open lang talaga siya sa kahit kano kasi ang katwiran niya e paano niya daw mahahanap si Mr. Right kung hindi hahanapin?
Magkaibang magkaiba kami ni Jen ng POV pagdating sa love pero mahal namin ang isa't isa.
"Ikaw lang ang iniisip ko. E kasi naman wala ka pang nagiging boyfriend e. Nakatatlo na ako ikaw wala pa din." sabi nya.
"Okay lang naman e. Di pa dumadating si Mr. Perfect!"
"Wala naman kasing perpekto! Gumising ka nga. Masyado kang nakain ng sistema ng k-drama at yang mga wattpad stories na binabasa mo"
"Hindi naman kasi perpekto yung Mr. Perfect na sinasabi ko. Ibig kong sabihin... Hindi pa dumadating si Mr, Perfect... yung perfect sa mga mata ko. Yun yung kahit may flaws siya hindi ko na mapapansin dahil nga sobrang mahal ko na siya. Yung ganern"
"Tsss. Ikain mo na lang yan" sabi niya sakin nung di niya na kinaya yung mga pinagsasabi ko. Para kasi sa kanya masyadong mataas standards ko pagdating sa boyfriend. Medyo babaan ko naman daw para may maka reach.
Pero hindi naman kasi talaga mataas standards ko. Gusto ko lang ng matinong lalaking sasamahan ako sa hirap at ginawa.
Sana sa Musical Presentation na sasalihan ko e makita ko na siya. Wag naman sana akong tumandang dalaga.
Nagpatawag si Sir Pinatungan ng meeting para saming dalawa ni Daniel kaya agad naman akong pumunta ng office niya pagtapos ng klase ko. Hindi ko alam kung bakit ang bilis maglakad ng mga paa ko pero parang excited ata sila na makakita ng gwapo.
Hay, pwede bang wag muna malandi? Ang lalandi ng mga paa ko, grabe.
Nung narating ko na yung pinto ng office ni Sir, nag ayos muna ko. Bakit ba kasi napaka init sa Pilipinas at konting kembot lang e pawis na e. Nag retouch muna ako ng powder and lip gloss.
"Ayan! Maganda ka na" sabi ko habang tintignan ang muka sa salamin.
"Ehem"
"Ay palaka!" nagulat kong sabi.
Tumingin ako
*_____*
Si Daniel
*------*
Narinig nya kaya ako?
"Kailangan ba talagang magpaganda bago makipag usap sa prof?" tanong niya na naiirita. Bakit ba ang init ng ulo niya sakin e siya nga tong may kasalanan sakin e. Abnormal. Hindi ko na lang siya pinansin.
Pinasok ko nalang yung mga make up ko sa bag. Pabukas na sana ako ng pinto nang bigla niya ko pinigilan...
Hinarang nya yung braso nya sa dadaanan ko. Anong problema neto? Talaga bang gusto niya ng sapak?
"Ano bang problema mo? Masama bang mag ayos? Huh? We are not even friends kaya please... mind your own business?"
"Okay"
BINABASA MO ANG
YOU ARE MY FIRST AND LAST
Teen FictionAkala ko LOVE is just so simple. Kapag gusto mo, then fight for it. Kapag masaya ka, don't let go of it. Kapag nasasaktan ka naman, then stop... AS SIMPLE AS THAT! That's what I thought... hindi ko alam na ganito pala kaCOMPLICATED. When you love so...