Chapter 11
Shirlyn POV
Andito ako ngayon sa Lovers Garden. Isa syang napakalaking area sa school naming na madalas kong tinatambayan kasama si Jenrich. Maganda kasi dito. Presko! Puro puno lang. Lagi ako dito pumupunta, dito nga ako natamaan ng bola ni Daniel e.
Mag isa ako ngayon. Di ko kasama ang bestfriend ko. Aaminin ko. Sobrang miss ko na sya. Pumunta na kasi sya ng Canada. Gulat kayo nuh? Ako din e. Napakabilis ng pangyayare.
Flashback
Pagtapos ng performance namin sa studio 23, nagyaya si Coach na mag celebrate sa isang restau sa manila. Pumunta na kami dun. Kakarating palang naming, tumawag agad si Jenrich.
“Bestfriend!!! Tapos na ko kumanta! Ang galling galling ko daw! Sana andun ka para nakita mo ko” sabi k okay Jenrich natahimik lang.
“Masaya ako” sabi nya.
“Best, may problem ba?” weird kasi ang boses nya
“Wala. Masaya lang ako para sayo”
“Umiiyak ka ba? Ha? Bakit ka umiiyak?”
“Best, aalis na ko ngayon”
“Uh? San ka pupunta?”
“Biglaan kasi ang nagyari. Kailangan naming magmigrate sa canada. Inatake kasi si papa. Kailangan naming syang alagaan. Best sorry di ko sinabi sayo.. ayoko kasing sirain yung focus mo sa pagkanta mo.” Sabi nya habang umiiyak padin.
“Ano? E kelan ang alis mo?” naiiyak na tanong ko.
“Nasa airport na ko. 30 minutes nalahn ang aalis na kami ni mama”
“ANO?? Bakit nagyon mo lang sinabi sakin toh?” umiiyak na ko.
“Sorry best” umiiyak padin sya
“Wait for me there. Pupuntahan kita! Wag kang aalis ng wala ako kundi kakalbuhin talaga kita bruha ka!” sabi ko sabay baba ng phone.
Umiiyak na ko. Agad agad kong kinuha yung bag ko tas nagpaalam kay Coach.
“Sorry coach, kailangan ko na po talaga umalis” pilit kong di ipahalata ang pag iyak ko.
“Are you crying?” tanong ni Coach
“No coach. Sige po” sabi ko tas sabay takbo sa labas. Wala na kong pake alam sa iba pang pwedeng mangyari. D ko na iniisp kung pano ako makakapunta dun. Basta ang gusto ko lang ay Makita ang bestfriend ko.
Paglabas ko saktong pababa si Daniel ng car nya. Di kasi sya sumabay samin. Nakita nya kong tumatakbo palabas ng resort. Nung malapit na ko saknya.
“Where are you going?” tanong nya.
“Basta” sabi ko tas sabay takbo ulet, pero hinawakan nya yung braso ko.
“Daniel, please lang. Wala akong time makipag away sayo ngayon. Kailangan kong pumunta ng airport” sabi ko nang naiiyak nnmn tas sabay takbo palayo saknya. Umiiyak padn ako habang tumatakbo. Nang biglang may humintong car sa harap ko at nagbukas ng pinto.
…
Si Daniel.
“Hatid na kita. Get inside” sabi nya sakin.
Wala nang isip isip at sumakay agad ako. Habang nasa sasakyan, sobrang kaba ang nararamdaman ko . 23 minutes nalang ang natitira. Ilang beses kong sinasabihan si Daniel na bilisan ang pag dridrive. Ewan ko pero di sya naiirita. Parang naiinitindihan nya ko kahit di ko nmn sinasabi kung bakit ko kailangan pumunta ng airport.
BINABASA MO ANG
YOU ARE MY FIRST AND LAST
Teen FictionAkala ko LOVE is just so simple. Kapag gusto mo, then fight for it. Kapag masaya ka, don't let go of it. Kapag nasasaktan ka naman, then stop... AS SIMPLE AS THAT! That's what I thought... hindi ko alam na ganito pala kaCOMPLICATED. When you love so...