CHAPTER 3 *Cindy's Revenge*
Khane's POV
Haaaaay. Ang sarap ng tulog ko ngayon ah. HAHAHAHA. Musta kaya yung tulog ni Cindy?? Sigurado ang lalaki na ng eyebags niya. HAHA. Sigurado akong hindi niya pa natatapos yung action plan. Ilang araw ko kaya ginawa yun --___--
Speaking of, ayan na siya!! Ang aga niya ah! Mukhang di nga natulog. HAHAHA. Antok na antok yung mukha niya. Pero bakit hindi siya didiretso dito sa room?? Saan naman yun pupunta?? Tsk. Masundan nga...
Wait lang. Papunta siya sa room ni Mrs. Gorion. Dont tell me, natapos niya??? This is bad. Dapat maunang maipasa yung ginawa ko.!!! Arrggh. Kailangan ko na tumakbo.
"Oi, ano ba! Dahan-dahan lang!" sabi nung babaeng nabangga ko.
"Sorry! Wag ka kasing humarang next time!" sagot ko nman. Eh, nakaharang naman talaga siya.
Sa wakas nakarating na ako. Pero nauna parin siya. Ang bilis nito ah! Nagteleport??
"Ma'am, eto na po yung action plan na ginawa KO" sabi ni Cindy. This is bad.
"Maam, eto po yung tunay na action plan na ginawa ko" sagot ko naman.
"Oh? Mr. Pecson? Andyan ka pala. Ilang days ko na yang iniintay ah. And what about this action plan na ginawa ni Cindy? I thought ikaw ang gagawa?"
"Ako nga po. Eto nga po yung action plan oh" sabay wave ko dun sa hawak kong folder.
"Teka, diba pinagawa mo ako ng action plan kasi sabi mo hindi ka pa nakakagawa??" singit ni Cindy.
"Wala akong sinasabi ah. Kelan lang??" pagdedeny ko. Lagot ako nito kay Mrs. Gorion. Arrgh. Sabi na kasing sa akin niya ibigay eh!
"Anong wala? Kahapon kaya sabi mo nung tinanong ko sayo kung nasaan yung action plan! Nakakainis ka talaga!"
"Basta Ma'am eto po talaga ang action plan na gawa ko. Diba po ako naman talaga ang gagawa. Matagal ko na po itong tapos pero ngayon ko lang napasa kasi busy rin po ako sa schoolpaper."
"Let me check both of this. Maupo muna kayo diyan sa gilid." sabi ni Mrs. Gorion.
Umupo naman ako at sumunod si Cindy.
"Buwisit ka talaga. Pinagawa mo pa ako, tapos ka naman na pala! Kontrabida ka talaga kahit kelan!" bulong ni Cindy.
"Kasalanan ko ba?? Eh, ang kulit mo kasi. Sinira mo yung concentration ko sa paggawa ng article and you have to pay for that!" akala niya ha!
"What??? Dahil lang doon, hindi mo ko pinatulog?? You're so rude! Nakakainis ka na talaga!"
"Sinabi ko bang hindi ka matulog? Ang sabi ko lang naman gawin mo yung action plan."
"Kahit na. Ganun na rin yon.! You'll pay for this!"
"At pano naman?"
"You'll find out later!"
"I'm excited!"
"Would you two stop making noise??? I have chosen." sabi ni Mrs. Gorion. Sure ako na yung akin yon. HAHAHA. Ilang days ko kaya yun tinapos.
"I chose Khane's work" Nothing to be surprised.
"I know. Ako naman kasi talaga ang dapat gagawa." sabi ko.
"So, what??" sarcastic na sagot ni Cindy.
"I chose his work.....
to be rejected"
"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaat????????????????" Ano daw??
"Hindi pwede. NAubos ang weekends ko sa paggawa lang niyang action plan na yan tapos irereject lang?? You can't do that. And I'm still the president here!"
"HAHAHAHA. That's what you get! Simula palang yan.. di mo pa nararanasan yung revenge ko. Maghintay ka lang!" tawang-tawa si Cindy. Buwisit!
"Ma'am bat ganun?" reklamo ko.
"Cindy's plan is more subjective and better. I like it more than your work. Yes, you are still the president. But we will use her plans" .
"This can't be. You can't do that! Mas maganda pa rin yung mga plano ko."
"Enough Mr. Pecson! Go back to your respective room now. Including you Ms. Valdez"
I can't believe this. Nang dahil sa kanya nareject ang action plan ko?? Arggh. Kainis!!! Mukhang bumalik agad ang karma. But it still can't. Ako ang president, ako dapat ang masusunod. Bat yung sa kanya pa?? Eh, minadali lang naman yun eh. Di hamak na mas napag-aralan yung akin. Bat ganoon?? Argh.
"Ang bilis-bilis talaga ng karma" andito nanaman siya.
"Pwede ba. Wag mo kong sabayan sa paglalakad. Ikaw ang may kasalanan kung bakit nareject ang action plan ko. It's absolutely your fault!" kasalanan niya talaga. Urggh. Bat kasi nabuhay pa siya??
"Its actually your fault. Kung wala ka ba namang topak at pinagawa mo ako ng action plan eh meron ka na palang ginawa. Sino ba dito satin ang tatanga-tanga?? Sorry kung mas magaling ako sayo."
"Sinong nagsabing mas magaling ka? Sino nga ulit ang first honor last school year??" akala niya ah.
"Ikaw.. Pero sino naman nung freshmen at sophomore tayo?"
"Ikaw nga. But that was years ago. Laos ka na." nakakainis na 'tong babaeng to.
"Anong sabi mo? Ulitin mo yun!"
"Ang alin? Yung laos ka na??"
"Ahhh!! Curse you. Bahala ka sa buhay mo. nakakainis ka na! Gaganti ako tandaan mo!" tapos bigla na siyang tumakbo papunta sa room.
"ANNOUNCEMENT!!!!!!"
"Ano naman kaya yan??"
"To all of the staffs of the English schoolpaper, please proceed to the Student's Hall now."
Whaat?? Di pa nga ako nakakapasok sa room, aalis nanaman ako?? Tss. Kainis ah. Masyado na akong busy, wala na akong natututunan.
"I repeat, to all the staff of the English schoolpaper, please proceed to the Student's Hall immediately"
Kainis. Wala naman akong magagawa. Pero bat di ako nainform ni Warren tungkol dito. Masyado naman atang urgent.
Pagdating ko sa hall, ang dami na kaagad tao. Mukhang kumpleto agad yung mga staffs ha. Ano naman kaya ang kailangan ngayon??
"Warren!" tawag ko sa Editor-In-Chief namin.
"Bakit? May problema?" tanong niya.
"Wala naman. Bat parang ang urgent naman nung meeting. Di man lang ako nainform before. Ano ba gagawin natin?"
"Basta. Upo ka nalang doon. Ako na bahala. Wala kang dapat gawin." sagot niya. Umupo naman ako agad. Tapos lumapit na siya doon sa may microphone.
"Uhm, hello. I called this urgent meeting for a very important matter. I can't focus on two clubs at a time. And the intramurals is about to come. So, definitely, my priority is more on the Sports Club so I'm hiring someone to work for me as my substitute temporarily as I focus on my other club. But dont worry, I'll still keep in touch with the schoolpaper. But, for the organization to be organized when I am not around, I assigned the most appropriate person to be in this position as my sub."
Ano nanaman to? Siguradong ako nanaman yan. Syempre as the Associate Editor, I have to take charge. Dagdag trabaho nanaman. Di man lang ako nainform ni Warren.
"Do you wanna know who she is??"
Anong she?? Gawin ba naman akong babae sa gwapo kong to? Nagsigawan naman yung mga staff na excited na akong makilala. Tsk.
"Here she is. The Editor-In-Chief of the Filipino School Paper"
WTF. This is definitely not my day. Now, I am under HER position... >____<

BINABASA MO ANG
I'll Sacrifice My Brain
Teen FictionThere are times that we really have to choose and there's no other way to avoid it. Would it be the brain or the heart? Success or happiness? What matter more for you? What should you sacrifice? What would you sacrifice? Make a choice and make that...