CHAPTER 11 *Is that clear???*

276 8 9
                                    

CHAPTER 11 *Is that clear???*

KHANE'S POV

"Wait. May tumatawag sa akin. Sandali lang."

Kinuha ko yung phone sa bulsa.

"Di naman nakaregister yung number -__- Kanino kaya to?"

"Akin na nga! Ako nalang sasagot." inagaw ni Alice yung phone.

Her face looked so shocked. "Ma??" yun lang ang nasabi niya.

Lagot na! Mukhang nakarating agad kay tita yung tungkol sa pinaggagawa namin ni Alice. Siguradong nasa paligid lang nga yung spy niya. PATAY ako nito!

"Ma, let me explain!" sabi ni Alice.

Lagot na. Ang bilis naan kumilos nung spy ni tita. Nakarating agad sa kanya yung balita?? 

Inagaw ko ulit yung phone ko kay Alice tapos tumakbo palayo sa kanila, mga few meters away lang naman. Bawal nga kasing malaman ni Cindy yung tungkol sa mga pinaggagawa namin.

"Hello, tita?? Si Khane po ito!" sabi ko sa phone. 

"Travis Khane! Ano nanamang gulo yang  pinaggagagawa niyo diyan ng pinsan mo?" sermon ni Tita Alyna sa phone.

"Wala po iyon tita. Wag niyo na pong problemahin yun." 

"Anong wala? Balita ko eh pinalalabas niyong magsyota kayong dalawa? Akala niyo ba hindi iyon makararating sa akin?"

Lagot na talaga. Sino ba kasi yang spy na yan? We really have to know his identity already! Perwisyo siya sa mga plano ni Alice. -.- I have to think of  a way para malusutan to.

"I can explain tita.." isip Khane! Isip!

"Talagang kailangan mong mag-explain. Isusumbong kita sa Mommy mo at kung anu-ano ang pinaggagawa niyo diyang kalokohan!"

Alam ko na! XD

"Kasi po tita. Yun lang ang naisip namin ni Alice na paraan para walang lumapit sa kanyang mga lalaki at manligaw sa kanya. Alam niyo naman pong ayaw niyang suwayin yung utos niyo, kaya sa simula palang ayaw niya na pong makihalubilo sa mga lalaki dito. Tyaka po, naisip ko rin, mas mababantayan ko rin siya kung ganoon ang palalabasin namin kasi mas madalas ko siyang makakasama kahit school hours. Diba po?"

Hope this would work... >______<

"Sabagay, may point kayo..." sabi ni tita.

"So, okay na po sa inyo yung naisip namin??"

"Sa ngayon, oo. Pero kapag may mabalitaan akong mga kalokohang pinaggagawa niyo pa. Hindi ko na yan palalagpasin at pababalikin ko na dito si Alice! Is that clear Travis Khane??"

"Yes! Tita. Thank you po."

"Sige. By the way, kapag may problema just contact me through this number. I'll answer it right away. Is that clear?"

"Opo. Sige na po tita, ikumusta niyo nalang po ako kay Tito Carlos."

"Sige, ibababa ko na ito. Is that clear?"

Paulit-ulit?? Phrase of the day?? "Is that clear??" haahahaha XD

"Clear po tita! Byeeeeee!" HAHAHAHA :DD

She ended the call. Haaaay! Salamat naman. Binalikan ko na sila Alice.

"So, how is it??" tanong ni Alice.

I'll Sacrifice My BrainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon