CHAPTER 22 *Sorry, not Sorry*
Dedicated to: morisettania. Thanks sa pag-abang pa rin sa update ko. Sorry. Naging busy lang talaga :D
KHANE'S POV
"Khane! Gising! Hoooy!"
"Anooo??? Wag ka nga makulit. Natutulog ako."
"Fine! Bababa na ako. I don't want to stay in this bus with you alone. Bahala ka!"
"Alone?"
Bigla akong napatayo.... Wala na pala yung iba naming kasama??
"Oi. Cindy! Sandali!" sabi ko. Tumigil naman siya.
"What now?" sungit naman. Galit pa rin kaya talaga 'to? o baka pinagtitripan lang ako nito. -.-
"Asan na yung iba?"
"Nasa hall na para sa opening program" -Cindy.
"Kanina pa? Ibig sabihin hinintay mo akong magising?" thinking about that made me smile.
"Anong hinintay? Kararating ko lang dito. Pinabalik lang ako ni Mrs. Gorion. Baka daw madala ka ulit ng bus pabalik. TULOG MANTIKA!"
"Ayos lang. Atleast binalikan mo pa rin ako. :)"
"Napag-utusan lang ako. As if naman gusto kong gawin 'to. -.-"
"Thank you pa rin. :)"
"Whatever!"
"Tara na?" tanong ko.
"Saan?"
"Sa opening program siyempre. Saan mo ba gusto? Sa mall? Tara! Date nalang tayo? Yun ata gusto mo eh."
"Here comes the ever-assuming Khane Pecson." naiirita na ata siya. "Bahala ka na nga."
Ayuuun dumiretso na kami sa opening program. Ang saya! Five days ko siyang makakasama. Yooohooo!! :)) I'd definitely make this a memorable one. :D
CINDY'S POV
Hay nako naman! First day ko palang kasama 'tong lalaki na 'to, susukuan ko na yata. Arrrgh! NAPAKATAAS NG TINGIN SA SARILI! Kung hindi lang talaga dahil sa plus points ng extra-curricular activities, edi sana hindi nalang ako sumama dito sa Leadership Training. Haaaaaaay!!.
"Ui. Cindy? Nakikinig ka ba?" -Khane
"Ha? Ano ulit?" O.o
"Sabi ko na nga ba hindi ka nakikinig. Tara na! Lunch break na daw sabi nung emcee."
"At sino namang nagsabi na sasabay ako sayong kumain?"
"Ako" ^_____^
Okay. Bakit ngiting-ngiti nanaman 'to? "Paano kung ayoko?" sagot ko.
"Edi, hindi ka kakain. Nasa akin kaya yung meal stub mo :)"
Urgh! Ang kuleeeeeeeeet talaga ng lalaking 'to kahit kelan. Tatagal kaya ako ng limang araw?
"Akin na yung meal stub!"
"Ako na magdadala. Gusto ko sabay tayong kumain. Pleeease!" at nagpout face pa talaga ang loko. "Di naman siguro nakakawalang gana yung mukha ko diba??"
"Well, hindi nga. Pero yung kakulitan mo, oo. Kung ayaw mong ibigay sakin yung meal stubs ko, edi hindi na lang ako kakain. Magpapakagutom nalang ako kesa sabayan ka." sabay irap ko sa kanya at naglakad na ako pabalik sa kwarto namin.
Pagkapasok na pagkapasok ko, nilock ko agad yung pinto. Baka sundan pa ako ng lalaking yun hanggang dito. Hindi ko talaga magets kung bakit bigla nalang siyang naging ganun kakulit. Siguro dahil nga inlove DAW siya sakin. As if naman maniniwala ako dun. If I know, part lang 'to ng plano niya para i-distract ako. Para sa kanya nanaman yung position ng pagiging Valedictorian. HINDI AKO PAPAYAG. Hindi gagana sa akin yung sarili kong plano. Hmpf.
BINABASA MO ANG
I'll Sacrifice My Brain
Dla nastolatkówThere are times that we really have to choose and there's no other way to avoid it. Would it be the brain or the heart? Success or happiness? What matter more for you? What should you sacrifice? What would you sacrifice? Make a choice and make that...