CHAPTER 16 *Going to mall- Part 1*
KHANE'S POV
"Khane!" parating na si Cindy.
"Oh? Anong problema?" tanong ko.
"Wala naman. Tara! Kain muna tayo sa canteen!" tapos bigla niya akong hinila... I can't resist. Tapos hawak niya pa yung kamay ko. We're actually holding hands.
"Hoooy! Bat ka ba nagmamadali?" tanong ko.
"eh, gutom na ako eh. Dali na!" sabi niya habang hila-hila pa rin ako.
Takbo lang kami ng takbo. Bakit parang ang layo ng canteen ngayon??
"Hoy! Dahan-dahan nga! Baka madapa ka! Tingnan mo yung sintas sa rubbershoes mo!" pagkasabi ko nun, yumuko siya tapos nadapa nga siya as what I have expected.
"Araay!!!!!!!" sigaw niya.
"Yan! Sabi na kasing magdadahan-dahan eh. Ang kulit mo kasi. Halika nga dito. Itatali ko ng maayos yang sintas mo. Para naman hindi ka na madapa at mahulog sa iba..." bigla ko nalang nasabi lahat sa sobrang pag-aalala.
"Ano ulit sabi mo??? Anong hindi mahulog sa iba?? What do you mean??" ang LG naman nitong babaeng to. Oo na! Di pa ba halata??
"Ibig kong sabihin, ayaw kitang mapunta sa iba kasi I--" sasabihin ko ba?? Bahala na...
"I love--" di ko natapos kasi parang may biglang sumigaw.
"HOOOOOOOOY! TREEEEEEV!" biglang napaangat yung mukha ko. And I was in the testing area... Yung lugar kung saan kami nagtitake ng Periodical Exam... Ibig-sabihin, it was just one of my dreams. Definitely, my wildest dream... Ano bang nangyayari sa utak ko?? Something wrong?? Ako? Mahal si Cindy?? Never ata yun mangyayari. Kung crush baka pwede pa. JOKE! HAHAHA.
"Anooo?" tanong ko kay Alice. Buti nalang ginising niya ako.
"Ipasa mo na yung exam mo!"
Oo nga pala. Di ko pa napapasa. Tiningnan ko yung projector screen... Cindy was occupying the first slot... then, I did the sign of the cross, bago ko pinindot yung "SUBMIT" button ng hindi inaalis ang tingin sa projector screen.
"YEEEEEEEEEES!" napasigaw ako nung makita kong bumaba sa 2nd slot yung name ni Cindy. Ibig-sabihin nun---
"Nice!" narinig kong sabi niya. Kaya napatingin ulit ako sa screen. Tama naman ako ah? Ako yung nasa first slot? Bat parang okay sa kanya? I looked again, nakita ko yung rank ko.. Rank 1.5 at ganun din yung kanya.
A tie???
"Ayos lang" sabi ko sa sarili ko tapos tumayo na ako at nagpunta sa kanila. Ayos lang naman sa akin. Kaibigan ko naman kahit papaano si Cindy. Pero, kailangan ko nang mas galingan sa succeeding quarters.
"Congrats!" sabi ni Cindy. Ewan ko kung okay lang rin sa kanya.
"Same to you :D" sagot ko naman.
"Paano ba yan? Let's celebrate??" singit ni Alice.
"Sure! Libre mo?" tanong ko naman.
"Game rin ako diyan!" sabi naman ni Cindy.
"Sige na! Libre ko. Pambawi ko na rin sa mga tinuro niyo sa akin." sabi ni Alice.
"Kaya lang, paano yan OP ako? Couple kayo eh." sabi ni Cindy.
"Sama mo nalang kaya si Warren. Okay lang naman siguro kay Trev. Diba?" suggestion ni Alice.
"Oo naman. Okay lang sa akin.. Bat naman ako magagalit?" tanong ko.
"Baka kasi magselos ka..." sabi niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/1735346-288-k456938.jpg)
BINABASA MO ANG
I'll Sacrifice My Brain
Fiksi RemajaThere are times that we really have to choose and there's no other way to avoid it. Would it be the brain or the heart? Success or happiness? What matter more for you? What should you sacrifice? What would you sacrifice? Make a choice and make that...