CHAPTER 5 *Paano nangyari???*
Cindy's POV
Finally! Ako naman ngayon ang may masarap na tulog. Nabawi ko na yung pagpupuyat ko the other night. Kamusta kaya si Khane?? Ayos kaya tulog niya?? Definitely not. HAHAHA. Tatlong article kaya pinagawa ko. And all should be submitted this morning. HAHAHA.
Hay naku Cindy Zeen! Why bother about that guy! Tama lang sa kanya na maranasan niya yung ginawa niya sayo. Kaya okay na yun! Kaaga-aga siya na agad ang nasa isip mo. Iba na yan! --__--
Urgh. Ano ba yan?? I'm talking to myself. He is definitely corrupting my mind already. Ano kaya ginawa niya sa akin at mukhang nagkavirus yung utak ko?? Baka plano niya ito para masiraan ako at siya na talaga ang maging valedictorian?? Argh! This cant be happening.
"Ate! Bumaba ka na daw sabi nila Mama. Kanina ka pa namin hinihintay para sa almusal. Wag ka ngang paVIP diyan. Gutom na kami.! Tyaka para kang baliw diyan, kinakausap mo yung sarili mo!"
Kahit kelan talaga wrong timing itong si Zeke. Ang dami pang sinasabi. By the way, he's my younger brother. Si Carlo Zeke Valdez. Sa Karl Marx Academy rin siya nag-aaral. Freshmen student.
"Oo. Bababa na. Kung di ka makapaghintay. Mauna ka ng kumain. Wala sa akin yung plato mo! Di mo ko kailangan hintayin"
"Ewan ko sayo! Kakain na talaga ako. Baka malate pa ako ng dahil sa kahihintay sayo. Ang bagal mo pa naman gumalaw" sagot nitong makulit kong kapatid.
"Oo na. Sabihan mo na rin sila mama at papa na mauna na rin. Maliligo na muna ako bago bumaba!"
"Okay. Bahala ka!"
Ganyan kami araw-araw. Para rin siyang si Khane. Kaya nga sanay na ako sa mga ganyan. Dalawang ganyan ba naman ang nakakasama ko araw-araw?? Isa sa bahay at isa sa school. Sinong hindi masasanay??
Makabangon na nga para makaligo na ako. Baka malate pa ako sa first subject namin eh. --__--
"Zeen! Matagal ka pa ba?? Baka malate ka na??" si Mama talaga.
"Matatapos na po! Mag-aayos nalang ng gamit!"
"Kumain na kami. Hindi ka na namin hinintay ah. Mauna na rin kami ng papa mo at baka malate kami. Sabay nalang kayo ni Zeke. Nandun siya sa may sala, pinaghintay ko!" sabi ni Mama.
"Opo!"
Anu ba yan? Pinaghintay pa talaga nila si Zeke, baka mainip lang yun. Bilisan ko na nga lang.
Kinuha ko naman yung bag ko. Inalis ko lahat ng laman para malinis ko. Ngayon ko palang kasi aayusin kasi nga nakatulog ako kaagad kagabi.
Wait a minute?
What is this??
Wala naman to kahapon sa bag ko ah??
Kaninong folder kaya ito??
Baka naman naisingit lang ng kaklase ko. Matingnan nga...
Puro lang naman 'to write ups. Seems like an article at tungkol sa...
O.O
E-e-eto yung mga pinagawa ko kay Khane!! Bat andito to?? How come?? Paano?? Anong nangyari?
Biglang may pumasok sa isip ko...
"Okay. Tomorrow morning. Before you know it. Nasa iyo na yung articles!"
Wait! Hindi ko magets! paano niya ginawa yun?? Dont tell me, pumunta siya dito sa kwarto ko kagabi habang tulog ako?? OHMAY! Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Siguro naman wala siyang nakita o ginalaw dito sa kwarto ko.
"Hoy! Ano bang sinisigaw-sigaw mo diyan?? Malelate na tayo!! Bilisan mo na ate!!"
Binuksan ko yung pinto ng kwarto.
"May alam ka ba na pumasok dito kagabi??" tanong ko kay Zeke.
"Wala! Eh, kung ikaw nga na kwarto mo yan, hindi mo alam. Ako pa tatanungin mo?? Mag-isip ka nga ate!! Gamitin ang utak. Sayang IQ mo!"
"Tse! Kahit kelan talaga hindi ka matinong kausap!"
"Bahala ka nga dyan! Alis na ko!"
"Sandali! Sabay na ako." kailangan ko na rin pumunta ng school. There is only one person who can answer my question---> Si Khane!
BINABASA MO ANG
I'll Sacrifice My Brain
Teen FictionThere are times that we really have to choose and there's no other way to avoid it. Would it be the brain or the heart? Success or happiness? What matter more for you? What should you sacrifice? What would you sacrifice? Make a choice and make that...