Special Chapter *Intersecting Lines* (The Past)

324 8 10
                                    

SUMMER VACATION---

"The airplane is about to take off"

Atlast! Andito na ako... Philippines! I'm back. HAHA. One month rin akong nagbakasyon mag-isa sa France para bisitahin si Mama. Gusto ko pa sana magstay ng mas matagal kaso magsisimula na ang pasukan next week. And I'll be entering the Senior Year. I need to prepare for it. 

Tinitingnan ko yung mga kasabay kong lumabas... Lahat sila may sundo. Ako lang siguro ang wala. Wala na rin kasi akong kapamilya dito sa Pilipinas. Wala na kasi si Papa. I used to live alone. Sinusustentuhan lang ako ni mama. Noong una, pinipilit niya akong sumama nalang sa kanya sa France. Pero, I can't leave Philippines. Kahit gaano man kausok dito, gaano man kagulo ng pulitika, dito ako masaya. This is where my heart belongs. Nandito ang mga kaibigan ko. Mas gusto ko pa rin na dito mag-aral.

"Ay. Sorry miss! Di ko sinasadya" kakakwento ko, may nabunggo na tuloy ako.

"Anong sorry?? May magagawa ba yang sorry mo? Tingnan mo nga oh. Natapon yung sauce nung kinakain ko sa damit ko" ang sungit naman nito. Nagsorry na nga eh.

"Ahm, miss. Sorry talaga. May iniisip kasi ako kaya hindi kita nakita." 

"This is your fault! You have to pay for this!" whaaat?? Nagsorry na nga ako.

"Ano?? Ano namang gagawin ko? Nagsorry na naman ako miss, isn't that enough??"

"i told you, your sorry is useless. It cant even clean my clothes"

"Sorry na nga pleease. Ano ba gusto mong gawin ko??"

"Come with me. Accompany me within the whole day! Kaya mo bang gawin yon??"

Kulit naman! nabunggo ko lang siya, sisirain niya na yung araw ko?? Kainis ah. Pero wala naman sigurong masamang samahan ko siya. Wala namang maghahanap sa akin. Di pa naman alam ng mga kaibigan ko na nandito na ako.

"Okay fine. Saan naman tayo pupunta??"

"First, kailangan ko munang pumunta sa mall. Bibili ako ng bagong damit. I cant walk around na ganito ang itsura. May malapit namang mall dito sa airport"

"Yeah. I know that. Malapit nga dito ang MOA. Tara!"

Sinama nga ako nung babae sa Mall Of Asia. Okay naman siyang kasama pala. Hindi naman talaga siya masungit. Siguro, nadala lang siya kanina.

Masaya naman kasi siyang kausap. Ang dami niyang kwento tungkol sa mga kaibigan niya at sa buhay niya dito sa Pilipinas.

"Talaga?? Doon ka rin nakatira??" sabi niya.

"Don't tell me, tagadoon ka rin??" 

"Yeah, malapit sa may supermarket yung bahay namin. What a coincidence!"

"I know that supermarket! Diyan kami madalas na bumili ng makakain kapag nagfufoodtrip kami"

"Talaga?? Then, I must have seen you before??"

"I don't know. I can't remember anything." 

Akalain mong pareho lang pala kami ng barangay na tinitirahan?? Sa liit ng barangay namin, hindi kami nagkita at sa airport ko pa talaga siya nakilala. Grabe namang tadhana ito.

"Ayan! May botique. Dito nalang ako titingin ng damit. Baka medyo mura dito. HAHA."

"Sige. Hintayin nalang kita dito sa labas."

"Samahan mo na ako sa loob! Dali na pleease!"

"Oo na po."

Ang kulit niya rin pala. Hindi ko inakala na ganyan siya kakulit noong tinatarayan niya ako kanina. Nosebleed pa ako sa english niya, grabe! Tapos ganito lang pala kakalog yung utak niya. Halos, mamuti ang buhok ko. 

I'll Sacrifice My BrainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon