CHAPTER 1 *Ang simula*

790 33 34
                                    

CHAPTER 1 *Ang simula*

Ako si  Travis Khane Pecson. Isang Senior Student ng Karl Marx Academy. Candidate as batch valedictorian sa darating na graduation. 

Ako ang Student Council President, 

Math and Science Club President, 

Filipino Club Secretary, 

Math Wizard ng School, at

Associate Editor ng English School Paper...

Ilan lang yan sa mga position na pinanghahawakan ko sa Academy.  Pero may kaagaw pa rin ako sa pwesto bilang Valedictorian.

Si Cindy Zeen Valdez. Ang Student Council VP, English at Social Studies Club President, Band Leader, at Editor-In-Chief ng Filipino Schoolpaper.

Masyadong mahigpit ang aming academic rivalry. But we still manage to be friends kung yun man ang tawag sa mga ginagawa namin. Bihira mo man kaming makitang magkasama sa campus pero kami ang laging magkasama sa mga contests. We are partners in terms of interschool competitions. 

Halos maubos naming dalawa lahat ng matataas na positions sa Academy. Hindi naman sa nakikipagkumpitensya ako sa kanya. Pero I really want to graduate as the Batch Valedictorian kaya ko 'to ginagawa. I'm happy to have this skills and intelligence. Buti nalang gising ako nung namigay si Lord nito. Kaso nga lang nakiagaw si Cindy.

We still have a whole school year to work for the place we've been longing, for our goal, and to achieve what we want, but only one of us will succeed in the end. At alam ko sa sarili kong ako dapat yon...

"KHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAANE!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" 

Ay! buwisit. Kilala ko na kung sino 'to. Mangungulit nanaman. Kitang nagsusulat ako ng article.

"Ano nanaman??" asar kong tanong kay Cindy.

"Kanina ka pa pinapatawag ni Mrs. Gorion. Hinahanap niya yung action plan ng Student Council for this year." tapos??

"Yun lang??"

"Anong yun lang?? Atsaka teka, bakit sa akin niya yun hinahanap??" ang kulit nitong babaeng to ha! "Dont tell me ako ang gagawa?"

"Good idea! Buti naisip mo yan! Di ko pa kasi nasisimulan :)" nakakapag-isip rin pala 'to ng maayos minsan.

"Anong ako? Naturingan ka pa namang president tapos wala kang ginagawa?? Ang tamad mo talaga kahit kelan.." aba.. aba... namumuro na 'to ah.

"Para sabihin ko sayo, hindi ako tamad. Busy lang ako para sa publication ng English School Paper at sa Tutorial na kinaconduct ng Math Club. Atsaka sa'yo na rin nanggaling... Ako ang President at ano ka nga??"

"Vice President >___< Ano naman ngayon??" 

"So, sino ang may mas mataas na posisyon?"

"Siyempre ikaw.. Do not ask me those silly questions na alam mo naman ang sagot!"

"Therefore, ako ang masusunod. So, I command you to make the action plan.." :DDDD

"Pero..."

"Wala ng pero-pero! Mauna na ko. May meeting pa kami sa school publication :)" HAHAHA. Yees! Sarap talaga maging president. :))

"Urgh! Buwisit! Makakabawi rin ako! Tandaan mo!"

"Wala akong naririnig.. HAHAHAHA.." 

Akala niya ha! Kasalanan niya yan. Sinira niya yung concentration ko sa paggawa ng article. Actually tapos na yung action plan. Nung isang araw ko pang ginawa, wala lang talaga akong time na dumaan sa room ni Mrs. Gorion para ibigay pero dahil binadtrip niya ako, may pagkakabusyhan na siya ngayon :DDDD

Tingnan natin kung makagawa siya ngayon ng mga assignments habang gumagawa ng action plan. HAHAHAHA.

Nakalimutan ko palang sabihin sa kanya... Itetext ko nalang.

To: Cindy

"Kailangan ko na pala yan by tomorrow morning kasi papapirmahan ko pa sa Principal. Pasalamat ka ako na mag-aasikaso nun!"

Sending message....

Message sent....

Maya-maya lang nagreply siya kaagad...

From: Cindy

"Arrgggggggh! Wala ka talagang magawa sa buhay! Kaya ko to no! Akala mo lang! At one more thing, gaganti ako at mas malala! Tandaan mo yan!" 

Wooow. Ah! Threatened ako dun! Grabe ah. HAHAHAHHA.  Suuus. Ano naman kaya igaganti niya?

Kahit ano pa yan.... I think I'm ready enough... :DD Nakakatawa talaga siya. Sarap niyang asarin.

Di bale, uulit-ulitin ko ang pang-aasar. HAHA.

I'll Sacrifice My BrainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon