CHAPTER 23 *Now Playing: Feelings*

131 4 1
                                    

CHAPTER 23 *Now Playing: Feelings*

CINDY’S POV

Pagkatapos kong makakain ng lunch na dinala ni Khane, lumabas na rin ako kaagad ng kwarto. Buti nalang nakahiwalay yung girls at boys. Si Mrs. Gorion yung kasama ko sa kwarto pero hindi siya dumaan dito ngayong lunch. Dumiretso agad ako sa plenary hall kung saan i-cocontinue nanaman yung seminar.

Tama nga yung sabi ng mga previous presidents and vice presidents ng Student Council. Isa sa pinakaboring na event ang Leadership Training. Wala ng ginawa kundi magsalita ng magsalita yung mga speaker. As if naman meron kaming makukuhang knowledge just by listening to them. Wouldn’t it be better kung merong activity or kahit anong pwede matest yung leadership skills namin?

Pagdating ko sa plenary hall. Hinahati na yung mga participants. Late na pala ako. Dumaan pa kasi ako sa canteen para bumili ng tubig. Softdrinks kasi yung dinala ni Khane. Hindi naman ako masyadong mahilig sa coke. Siguro alam niya yun? Tapos ginawa niya yun para malate ako sa afternoon session?

Nakatayo lang ako dun sa gitna habang naggugroupings sila. Tatawagin n asana ako nung nagsasalitang speaker nung biglang may humila sa akin.

“Sandali! Ano ba?” sabi ko.

“Dito ka nga. Groupmates tayo.” – Khane

“At bakit nanaman tayo nagging magkagrupo? Mas gugustuhin ko pang makipagkilala sa iba kesa kausapin ka.”

“Counted as one lang kasi yung dalawang representatives ng bawat school. So magkakasama talaga lahat ng galling sa same schools. Wala ka ng magagawa dun.”

“Ugh. Fine! May tanong nga pala ako”, bigla kong binago yung topic.

“Alam mo bang hindi ako mahilig sa softdrinks?” kapag sumagot to n goo. Nako! Alam ng sinadya niya yun.

“Ganun ba? Sorry. Hindi ko alam. Edi sana tubig nalang yung dinala ko para sayo. Di bale tatandaan ko yan para sa susu—“

“Wala ng susunod Pecson! Marunong akong pagsilbihan yung sarili ko!” napasigaw pa tuloy ako. Ang kulit masyado.

“Ahhh. Okay lang ba kayo??” tanong nung isang lalaking medyo nerdy na lumapit samin. “Hindi naman sa nakikialam ako pero magisismula na kasi yung group meeting. Kailangan pa natin gumawa ng cheers at group name”

“Ahh. Ganun ba. Sorry. Okay lang kami. Medyo masakit lang ata yung pagkahila ko sa kanya kanina” paliwanag ni Khane. “Tara! Simula na tayo”

Sa simula akala mo sobrang energetic nitong si Khane pero halatang napahiya siya dun sa pagsigaw ko sa kanya. Shet. Sorry. Sumobra na ata yung pagkamaldita ko. Fine. Kakausapin ko na to ng maayos. Okay na naman yung plano eh. Nagwork na. Di na kailangan na maging bitchy ako sa kanya.

Nagpakilala muna kaming lahat sa isa-isa. Nagsimula si Kuyang Nerdy.

“Hi! Ako si Anton De Castro. Pero pwedeng Ton nalang kung mahaba pa yung Anton para sa inyo. Student Council President ako ng school namin”

Nagtuloy-tuloy yung pagpapakilala hanggang sa si Khane na yung sumunod. Di niya alam na siya na pala. Ang lalim ng iniisip. Mukhang yung pagsigaw ko siguro sa kanya. Siniko ko tuloy tapos bigla akong bumulong.

“Hoy! Ano ba iniisip mo? Kung yung pagsigaw ko sayo kanina, wala yun. Badtrip lang ako. Wag mo kasi akong kinukulit. Magsalita ka na. Ikaw na susunod” dun lang siya natauhan. Umayos naman agad siya.

“Ahh. Sorry. Medyo wala ako sa sarili lately.” Nagtawanan naman yung mga groupmates namin. Stating the obvious. “Anyway, I’m Travis Khane Pecson. Pero Khane nalang. Di na pwedeng iklian yung Khane ah. One word nalang yun”. Tumawa nanaman sila. Lakas talaga ng appeal nitong lalaking ‘to sa mga tao. Kaya ‘to nanalong SC President eh. “Ako rin yung SC President ng school namin at itong katabi ko…yung first lady.” O.O

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'll Sacrifice My BrainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon