CHAPTER 21 *Surprise?!!*

237 6 4
                                        

CHAPTER 21 *Surprise?!!*

KHANE'S POV

I woke up at 8am... Medyo napasarap ata yung tulog ko. Maaga kasi akong natulog kagabi. Ganun talaga ako kapag depressed. Haist.

Maya-maya lang, at 10am... Aalis na kami papuntang Tagaytay. Bakit kaya siya hindi sumama? Dahil kaya sa akin? Galit pa rin siguro siya.

Five days kaming hindi magkikita. Pansinin pa kaya niya ako pagbalik namin? Mamiss man lang kaya niya ako? Hindi rin siguro. Kaya nga hindi sumama eh kasi hindi ako mamimiss. Masyado ba akong assuming??

Ano kaya ang pwede kong gawin para mapatawad niya ako?? Nakakainis naman!

Ano kaya kung puntahan ko siya ngayon?? May dalawang oras pa naman eh. Taaamaaa!

Bumangon ako kaagad para puntahan siya. Nakapagpaalam na naman ako kay mama about the training at pumayag naman sila. Sana nga hindi na lang eh. Para naman may dahilan na ako kay Mrs. Gorion para hindi sumama. Tsk.

"Ma! Alis muna ako! May bibilhin lang akong gamit na dadalhin ko mamaya!" sabi ko sa kanya.

"Okay. Wag kang magtatagal at marami ka pang aayusin dito." sagot ni Mama.

"Opoooo!!" the I run out of the house...

Tumakbo agad ako papunta sa bahay nila. Malapit lang naman yun dito sa amin. Kailangan ko na talaga siyang makausap bago kami umalis. Nakakatakot naman kasing patagalin pa lalo eh. Baka hindi niya na ako pansinin pagbalik namin.

"Tao po!! Cindy????" sigaw ko habang kumakatok sa gate nila.

Maya-maya lang ay lumabas na ang mama niya.

"Ay! Naku! Wala si Cindy dito. Kagabi pa siya umalis. Hindi ba niya nasabi sayo? Akala ko nga ikaw ang kasama niya eh. May contest daw sila sa Cavite. Para ata sa English Festival."

"Ahhh. Ganun po ba? Sige po. May sasabihin lang naman po sana ako. Alis na po ako. May seminar rin po kasi akong pupuntahan :)))" paalam ko sa Mama niya.

"Ahh. Sige, iho. Sabihin ko nalang na nanggaling ka dito kapag tumawag siya." sagot naman nito.

"Ahy. Wag na po. Ako nalang po ang magtetext sa kanya." sabi ko at tumakbo na ulit. "Sigeee pooooo!".

Sayang naman. Hindi ko siya naabutan. Kagabi pa pala siya umalis. :(((((

Pero... teka lang! *tiiing*

Kung kagabi pa siya umalis para sa English Festival... ibigsabihin...

Yun ang dahilan niya kung bakit hindi siya nakasama sa Leadership Training.

Ibig-sabihin, hindi niya talaga ako iniiwasan.

Ibigsabihin, may chance na hindi na siya galit sa akin.

Ibig-sabihin, pwede na kaming magkabati :)))

Yeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeees!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Makauwi na nga para maiready ko na yung mga gamit ko. Itetext ko nalang siya mamaya. ^_____^

***********

"Maaa! Naayos ko na yung mga gamit ko! Aalis na ako."

"Mag-iingat ka doon ah. Wag kang masyadong makulit. Tyaka magtipid ka naman. Inuubos mo palagi yung pocketmoney mo eh."

"Ma naman! Ang dami mong bilin. Di na kaya ako bata. Pero, mag-iingat ako doon. Para 5 days lang naman akong wala eh,."

"Oo na. Sige na! Baka mahuli ka pa."

Hinatid ako ni Dad papunta dun sa bus station. Nagtext na kasi si Mam Gorion. Andun na daw sila nung secretary ko. -________-

"Haaay! Khane, late ka nanaman."

I'll Sacrifice My BrainMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon