CHAPTER 9 *Her true reason*

271 9 4
                                    

CHAPTER 9 *Her true reason*

KHANE'S POV

FLASHBACK...

"Wait! Khane!"

"Ano nanaman??" ang kulit talaga nito.

"Am I really beautiful??" sabi na nga ba. Di na naalis sa utak niya yung sinabi ko. --_-- 

"Hindi! Ibang babae yung iniisip ko that time. Nagkataon lang na ikaw ang kausap ko." kulit kasi eh.

"Tse! Bahala ka nga diyan! Kahit kelan ka talaga!"

END OF FLASHBACK...

Andito ako ngayon sa Math Building. Kanina pa ako hindi mapakali sa tuwing naiisip ko yung sinabi ko kay Cindy kanina. I shouldn't be saying that. Oo nga, maganda siya at attractive. I admit that. Pero hindi ako makapaniwalang nasabi ko yun sa kanya mismo. Nakakabadtrip naman. Mukhang masisira na yung araw ko!! Isang Travis Khane Pecson sinabihan ang kalaban niyang si Cindy Zeen Valdez ng "you're attractive and beautiful"?? Isn't that weird?

Ay! Basta! Bahala siya. Isipin niya kung ano ang gusto niyang isipin. After all, a little complement is not bad. Diba??

"Treeeev!!!!!!!! Andito ka ba???"" someone's calling me in a name na isa lang ang tumatawag sa akin. It's Alice! Andito na siya!

"Alice?? Oh? Kelan ka pa dumating??" gulat kong sabi sa kanya.

"Kahapon lang. Trev! Nagkita na kami! Hindi ko napigilan. Nasabi ko sa kanya." i know what she's talking about. Nag-usap na pala sila ni Warren. 

"Kelan kayo nagkita??"

"Kanina. Siya kasi yung nadatnan ko sa Gym nung hinahanap ko yung daan papunta dito. Kainis! Iniiwasan ko pa namang makita niya ako, for now."

"Ano naman reaction niya noong magkita kayo??"

"Noong tinakbuhan ko siya, naabutan niya ako. Tapos he seems so happy. Hinug niya pa nga ako. Pero, inalis ko agad. Tapos, sinabi kong hindi na kami pwede.." 

"Ano namang sabi niya tungkol doon??"

"Basta. Nalungkot siya about doon. I can feel it. Kahit ako nga napaiyak kanina sa harap niya."

"Okay ka lang ba??" 

"Yea. I'm fine. Siya yung iniintindi ko. I know this would be hard for him. Lalo pa ngayon na babalik na ako dito sa school".

"Talaga? Dito ka na ulit mag-aaral?? Paano mo naman napilit yung parents mo?"

"Basta. Sabi ko andito ka naman para bantayan ako. Incase na may mangyari..."

"Talagang dinamay mo pa ako?? Lagot ako niyan kila tito pag may mangyari sayo eh."

(A/N: Yea! guys! Magpinsan lang po sila. Violent reactions??)

"Don't worry. Hindi ako magiging pasaway sayo :)"

"Bat ba kasi ginusto mo pang bumalik? Ayos na naman yung buhay mo doon sa France eh!"

"Kasi, hindi ko na matiis yung lungkot doon. Oo nga, I have my parents there with me. Pero, wala akong friends. That's my first reason. Second, masyado na akong nosebleed sa mga pranses doon! Hindi kami magkaintindihan. Tyaka mahina rin ako sa english, alam mo yan! Kaya nga diba? Kahit ilang beses akong nagtry-out noon para makuha sa English Schoolpaper para makita ng madalas si Warren. Lagi akong palpak?"

"I know. HAHAHA. Sabay pa tayong nagtry-out nung first year. Pero ako lang ang nakuha. HAHA"

"My third reason is miss ko na siya.. Tama nga sila, "Absence makes the heart grow fonder". Mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Kaya okay na kahit nakikita ko lang siya. Hindi man pwedeng maging kami. Atleast, nakikita namin ang isa't-isa."

"Pero di mo ba naisip? Mas mahirap na magkasama kayo ng mahal mo pero hindi pwedeng maging kayo. Mas masakit yon"

"I know. Pero, it's the only way para makabalik ako sa Pilipinas. Nagwork naman diba? Andito na ako."

"Pero, hindi natin alam kung sino yung hinire ni Tita para bantayan ka dito sa Pilipinas to know your every actions. Malay mo andun siya kanina habang nag-uusap kayo ni Warren."

"I know. Kaya nga diba sinabihan ko na si Warren na hindi kami pwede? Sa ngayon lang naman yun eh. I'll find a way para maging kami sa huli. Ngayon pa na sure na akong mahal niya rin ako. Alam ko naman na tutulungan mo ako eh, diba Trev??"

"Ewan ko sayo! Ang kulit mo talaga kahit kelan! Pag ikaw mahuli ng mama mo, hindi ko kasalanan yan ah." haist. Si Alice talaga, kahit kelan! Ang tigas ng ulo! Mana yata sa pinsan! HAHA.

"Oo na! Basta tulungan mo ako ah. Pero, habang hindi pa tayo nakakagawa ng paraan. It's better na malayo muna yung loob sa akin ni Warren para safe kaming dalawa. Baka kasi pabalikin nanaman ako sa France, if ever!"

"Oo na! Pero dahan-dahan ka sa actions mo. Baka nasa labas ngayon yung bantay mo.." matakot ko nga ito. HAHA.

"Ano naman? Hindi niya naman tayo maririnig. Okay lang. Tyaka pinsan naman kita. Ang sasabihin lang nun, nakikipagkumustahan ako sayo."

"So, ano na ang plano mo ngayon??"

"Ngayon?? Gaya nga ng sabi ko... Ilalayo ko muna yung sarili ko kay Warren habang naghahanap ako ng way na makilala yung spy ni Mama"

"Paano mo naman ilalayo yung loob niya sayo?"

"Sa tulong mo..."

"Ano?? Ako nanaman?" ano nanamang plano nito? Tss. This sounds like trouble.

"Yea. You! Madali lang naman eh. Pretend to be my boyfriend! Pleeease!"

"Whaaat? Ayoko! Wala pa kaya akong naging girlfriend! Tapos sasabihin nila, ikaw yun?? Ayoko nga!"

"Bakit? Ano namang masama doon? Maganda naman ako ah! Choosy ka pa! Tyaka kunwari lang naman, wag kang feeler! Sige na, pleease! Help me! Ayoko nang bumalik sa France!"

"Okay fine! Kung hindi lang kita pinsan! Ewan ko sayo!" haaay. ano pa bang magagawa ko? Kesa naman magsuffer siya doon sa France, konsensya ko pa.

"Yeheeey! I love you talaga Trev! The best ka! HAHAHA :D" nagwala ba naman sa MAth Building??

"Oo na! Relax pwede! Baka sabihin nagpapapasok ako ng baliw dito sa Math Building."

"Sobra ka naman! Tara. Punta tayong mall! My treat :) Bilang pagtanaw ko ng utang na loob sa gagawin mo :) TAra na!"

"Oo na! Wait lang naman. Hindi makapaghintay?"

"Bilis!"

"opo, boss!"

We went straight to the mall at hindi ko man lang naimagine na doon na pala magsisimula ang aming pagpapanggap as couples. Kung hindi lang talaga ako mabait at kung di lang ako naaawa sa sitwasyon ni Alice at Warren, hindi ko na ito gagawin...

But still, I have to.. For their sake. --______--

I'll Sacrifice My BrainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon