CHAPTER 8 *I thought she died*

360 7 10
  • Dedicated kay to Torms :)) Love you po. <3
                                    

WARREN'S POV

I need to practice as much as possible. Kailangan manalo ako sa darating na Intramurals. Ako pa naman ang president ng Sports Club. The pressure is on me. -______-

Kaya andito ako ngayon sa Gym. Nagpapractice ako with my schoolmates. Excused na kami since yesterday pa.

"Kuya! pwede lumabas muna sa Gym?? Bibili lang kami ng pagkain." paalam nung isang first year. Lima lang naman kasi kaming nagpapractice ngayon. Yung iba, table tennis. Tapos ako Badminton :))

"O, sige na! Sama mo na rin yung iba. Para makapagpahinga naman muna tayo. Pero dito nalang muna ako." sabi ko sa kanya.

"Salamat po." 

Kinuha na nila yung mga gamit nila sa bench tapos lumabas ng Gym. Ako? Dito lang muna ako. Ayoko pang umalis. Wala lang. Gusto ko lang munang mapag-isa. Wala naman akong pupuntahan kung umalis ako. 

Nahiga ako doon sa isang bench. Ilalagay ko na sana yung earphones ko sa tenga para makinig ng music when suddenly may narinig akong boses. 

"Hellooooooooo! MAy tao ba dito???" parang pamilyar sa akin yung boses na yun.

"Gusto ko lang po sanang itanong kung saan makikita yung bagong Math Building. Matagal na po kasi akong di nakapunta dito.." sabi nung boses. Babae yung nagsasalita.

Bumangon ako...

Nakita ko yung babae sa gitna ng Gym and we were both shocked. Nanlaki yung mata nung babae tapos tumakbo na siya palabas ng Gym. 

Sigurado ako sa nakita ko. It was Alice. Siya yun! Anong nangyayari? Minumulto niya ba ako?? Hindi naman siguro. I tried to run after her. Luckily, naabutan ko siya. Buhay nga siya.

"ALICE!! Buhay ka!!" I hugged her tightly pero pilit niya itong inalis.

"I'm sorry but I'm not Alice. I am A-a-liya. Yes! Im Aliya."

"Hindi! Ikaw si Alice! Alam ko ikaw yan! I still remember every angle of you! Kilalang-kilala ko yung mukhang yan kahit one day lang tayong nagkasama. Akala ko pa nga kasama ka doon sa plane na nagcrash that night. I was in pain hanggang ngayon. Until this time na nakita kita ulit. I love you Alice! Mahal na kita since that day. Hindi ko lang nasabi kasi bigla kang nawala."

"Hindi nga ako si Alice! I'M ALIYA! CAN'T YOU SEE???" sigaw niya.

"Oo, hindi ko makita. Dahil ang nakikita ko sa harap ko, ay ikaw Alice! Please don't do this..."

"Warren. Pleease. I'm Aliya. Hindi ako si Alice. Namatay nga siya sa plane crash sabi mo diba? Yun na ang paniwalaan mo"

"Hindi ako naniniwala. Ngayon pa na nasa harap na kita?? And how did you know my name kung hindi ikaw si Alice??" alam kong si Alice talaga itong kausap ako.

"Kasi..."

"Kasi ikaw si Alice. Imposible na baguhan ka lang dito at kilala mo na ako..." 

"OO NA! AKO NA SI ALICE! MASAYA KA NA??" yes! umamin na siya.

"Bakit mo ba kasi itinatanggi??" 

"Kasi, ayaw kitang saktan." she started to cry..

"Anong ibig mong sabihin?? Naguguluhan ako!"

"Hindi na tayo pwede. I'm commited to someone else..." gusto ko nang umiyak dahil sa mga nangyayari. Pero, I can't. I need to control this.

I hold her arms. "Pero, diba sabi mo, babalikan mo ako? Nangako ka!" 

"Kaya nga, nagpakilala ako as Aliya! Dahil ayaw na sana kitang guluhin. Pero, mapilit ka!"

"Pero, sabi mo mahal mo ako?? Diba? Sinabi mo yun! Nandito pa nga yung sulat mo. Lagi ko itong dala-dala."

I'll Sacrifice My BrainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon