CHAPTER 13 *Cindy! Cindy! Cindy!*

260 6 6
                                    

CHAPTER 13 *Cindy! Cindy! Cindy!*

KHANE'S POV

"Alam ko yung nangyari sa inyo ni Alice, last summer. Pero, ako na ang mahal niya ngayon. Sorry. Marami pa naman diyan."

He smiles. "Hindi pa naman kayo kasal eh. Pwede pang maging kami. Tandaan mo yan! Kung mga mag-asawa nga naghihiwalay. Kayo pa?"

Masyado talaga siyang determinado para kay Alice. Kahit ba naman magkalive-in, paghihiwalayin niya?? Bilib na ako kay Warren. Maghintay lang siya, sa oras na makilala namin yung spy, ibibigay ko rin sa kanya si Alice at alam kong pareho silang magiging masaya sa araw na iyon.

"Listen Class! I have a follow-up announcement. I already checked some of the papers. And as of now, two students got a perfect score. Let's clap our hands for Khane and Cindy.." singit nanaman nung teacher namin

"What's new??"

"Lagi naman eh, may bago ba?"

"Ang talino talaga nilang dalawa"

"I wonder kung sino na ang nangunguna sa ranking"

Sabi nung mga kaklase namin while clapping their hands. Ang dami pang sinasabi. Pero, tie nanaman kami ni Cindy. Napapadalas na ata. Kailangan magkaroon na ako ng edge sa kanya. Paano kaya??

"And because of that, dahil kayo ang may pinakamataas na scores at alam ko namang ganoon din sa ibang subjects. You would be incharge para turuan si Alice para sa darating na First Quarter Exam. I think next week na ang exam. Diba?? So, you have to teach Alice everything that was taken up this First Quarter. Kayo na ang bahala kung saan niyo gusto mag-aral. Basta magtulungan kayong dalawa. Okay?? This will be your special project, pangmake up noong mga activities na hindi niyo nagagawa dahil lagi kayong excuse. I'll give you grade according to Alice's performance sa exam."

"Yes, Ma'am!" sabay naming sabi.

"Okay, that's all. You may now proceed to your next subject."

Lumabas na ako kaagad ng classroom. Hindi naman ako sanay na may kasabay habang naglalakad. Ano nga ba ang next subject namin?? Ay! Calculus nga pala. HAHAHA. Ano kaya ididiscuss ngayon? Baka, Conic Sections lang naman. --__--

"Hoy! Trev!" someone shouted behind me. 

"Bakit?" si Alice lang pala.

"Nagtatanong si Cindy kung kelan daw kayo magsisimula na magtutor sa akin?" tanong nito habang naglalakad sila papunta sakin.

"Bakit hindi siya ang magtanong sa akin? Is she mute?" balak ko nanamang inisin si Cindy. HAHA.

"Hoy! Khane Pecson! Hindi ako pipe! Naunahan lang ako ni Alice magtanong. At bakit ba gusto mong ako pa magtanong?"

"Wala naman. Trip ko lang." natutuwa kasi akong inisin ka :)

"Kelan na nga kasi??!" hahaha. Naiinis nanaman siya. Bwahaha >:DD mission success agad! HAHA.

"Bukas nalang. Sa bahay niyo. 8:00am! Tapusin natin lahat ng subjects."

"At bakit sa bahay??"

"What I said, is what I have said! Okay?? Bahay niyo. 8:00am. Baka pagpunta ko dun, tulog ka pa rin ah!"

"Maaga kaya akong nagigising! Hindi pareho mo. LAGING LATE. Sayang! Dapat hindi ka na pinatake ng test :P"

"Sorry ka kasi pinatake pa rin ako. And I got a perfect score."

"Wag mo nga akong yabangan. I got it too! :P"

"Pero mas mabilis akong nakasagot."

"So? As if I care!"

I'll Sacrifice My BrainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon