CHAPTER 19 *He's so sorry*
KHANE'S POV
Hindi ko alam kung tama pa ba yung gagawin ko. Pero kasalanan ko naman kasi. Kung ano-ano kasi ang pinagsasabi ko kaya tuloy ayan nagalit si Cindy sa akin. Di ko naman talaga sinasadyang sabihin yun and that was supposedly a joke. Pero nakalimutan kong si Cindy nga pala ang kausap ko that time. Si Cindy na serious about academic ranking. Hindi siya tumatanggap ng kahit anong biro basta tugkol sa honors and awards. Sanay naman na ako sa kanya kaya lang nadulas ako kanina at nakalimot nga. Paulit-ulit na ako at parang sirang plaka. Kasi naman eh. Galit tuloy sa akin si Cindy! I have nothing left to do bukod sa gawing totoo yung joke ko. It's my fault anyway.
"TREEEEEEEEEEEEEV!!!!!!!!!!!" sigaw ni Alice. Bakit naman ito nandito sa bahay? Baka nakarating na sa kanya?? Aist.
Biglang bumukas yung pintuan ng kwarto ko at pumasok siya.
"Any problem?" tanong ko sa kanya.
"Yeah! Ikaw ang problema ko. Ano nanaman bang ginawa mo at nagalit si Cindy? Sinabi ko na nga yung totoo para hindi na kayong dalawa mahirapang mag-aminan ng mga feelings niyo tapos ganito pa ang gagawin mo? I risked my life here in the Philippines para sa inyo kaya sana naman wag mong sayangin!" sermon niya sa akin.
"WAIT! Hindi ko naman ginusto yung nangyari. Nadulas lang ang dila ko. Nagsorry ako sa kanya pero ayaw niyang tanggapin. Alam mo kasi yang si Cindy masyadong sensitive sa academic ranking tapos ayun nagjoke ako na igigive-up ko nalang sa kanya yung honors kaya akala niya tuloy pinagmumukha ko siyang desperate to reach the top. Pero, to tell you Alice, wala akong ganoong intension. Promise! Ayaw ko na nga siyang nagagalit sa akin pero yun palang ang nangyari. Napakamalas ko talaga." sagot ko sa kanya.
"Kasalanan mo naman pala eh. Magdahan-dahan ka kasi sa mga sinasabi mo, okay?" payo niya. "Konting suyo lang diyan kay Cindy, makikipagbati rin yan sayo. Magtiwala ka lang. Mag-effort ka naman kasi hindi yung para ka lang diyang tuod na walang ginagawa. Mahalaga ba sayo si Cindy??" tanong niya.
Mahalaga? Si Cindy? Bigla akong natigilan. Hindi ko alam ang isasagot.
Basta ang alam ko lang, gusto ko lagi ko siyang kasama kasi kapag kasama ko siya, buo na agad yung araw ko. MAdalas akong mag-alala kapag hindi niya ako pinapansin lalo na kapag galit siya sa akin. I always look for her presence. Mahalaga na ba yun?
"Siguro... parang... oo..." sagot ko sa kanya. Hindi ko talaga alam kung ano ang isasagot ko.
"Kyaaaaaaaaa! Nauutal ka! I know you Trev! Inlove ka na!!!! I'm so happy for you! Kapag nagkataon dalawang couples na tayo na laging magkasama! Wala nang maa-out of place :)" sabi niya.
"Inlove ka diyan! Ewan ko sa'yo! Tyaka anong dalawang couples?" what does she mean?
"Don't tell me kayo na ni Warren??" sabi ko.
"Guess you're right!" sagot niya.
"Ano? Agad-agad? Ang bilis naman?" sabi ko.
"Duh! Alam mo naman yung pinanggalingan ng love story namin... At idagdag mo pa na siya rin ang kinuhang spy ni Mama. Sa tingin mo ba kailangan pang patagalin yun??" sagot niya.
"Di naman. Pero, magpakadalagang Pilipina ka naman kahit minsan. (-_-")" sabi ko sa kanya.
"Ewan ko sayo. Para kang ewan. As far as I remember, relationship ang pinapatagal at hindi courtship.. Am I right?" palusot niya nanaman.
"Bahala ka nga. Matanda ka na naman." sabi ko.
"Pero, ikaw... Binata na ang pinsan ko... Willing na ulit buksan ang kanyang puso. Akala ko naging bato na yan eh." sabi niya. Inaalala niya pa rin ang mga nakaraan. Those things that I tried to forget. Things that I never wanted to remember once again yet it is still haunting me.
BINABASA MO ANG
I'll Sacrifice My Brain
Novela JuvenilThere are times that we really have to choose and there's no other way to avoid it. Would it be the brain or the heart? Success or happiness? What matter more for you? What should you sacrifice? What would you sacrifice? Make a choice and make that...
