CHAPTER 17 *Big revelations*
ALICE'S POV
Hawak-hawak ko ngayon ang kamay ng taong pinakamamahal ko. Siya lang at walang iba. Hila-hila ko siya kahit saan man ako magpunta. Nagmamadali ako... Alam kong baka sinusundan pa rin ako nung spy na hinire ni Mama. Pero hindi ko na matiis. Lalo na sa tuwing nakikita ko siyang malungkot ng dahil sa akin.
Madalas ko siyang makita sa campus na nag-iisa. Balisa at nakatingin sa malayo. Hindi ko man alam kung ano ang iniisip niya. Alam kong isa ako sa mga dahilan kung bakit siya nagkakaganun. Ang hirap naman kasi ng kalagayan namin. Kung wala lang talagang nagbabantay sa akin baka masaya na kaming dalawang nagsasama ngayon....
Pero kanina lang, pagkatapos kong aminin sa hirap nila ang tunay na relasyon ko kay Trev. Napagdesisyunan ko na ring ipaglaban sa parents ko ang nararamdaman ko. Ako dapat ang kumokontrol sa buhay ko at hindi ang iba. Kaya, inamin ko na lahat sa kanila. Ayaw ko na rin namang matali si Trev sa isang obligasyon. Alam ko namang may gusto na siya kay Cindy. Hindi pa nga lang niya narerealize at isa ako sa mga balakid kung bakit hindi iyon natutuloy. I wish okay na silang dalawa nung iniwan namin sila...
"Hoooy! Teka nga! Napapagod na ako.. Kanina ka pa lakad-lakad. Wala naman tayong pinupuntahan.." sabi ni Warren.
Oo nga pala. "Sorry. May tinataguan kasi ako... Saan ba masyadong maraming tao. Doon muna tayo." sabi ko.
"Ewan ko. Eh, marami naman talagang tao dito sa mall eh. Kahit saan." sagot niya sa akin. "Sino ba kasi yung tinataguan mo? Sabihin mo nga sa akin... Ang gulo mo na!"
"Basta. Mamaya sasabihin ko. Kapag secured na tayo. Hanap muna tayo ng pwedeng mapuntahan okay??" sabi ko.
"Sa Department Store nalang kaya?" suggestion niya. Oo nga naman.
"Tara! Saan nga ba yung main entrance ng Department Store??" tanong ko.
"Doon oh! Tara, sunod ka lang sa akin." sabi niya tapos naglakad na siya papunta sa may left wing ng mall.
"Totoo ba yung sinabi mo kanina?" tanong niya habang naglalakad kami.
"Yeah. Everything about us is fake. Magpinsan kami ni Trev." sagot ko sa kanya. Kailangan niya ng malaman. Kahit mahuli pa kami ng spy. Hindi rin naman ako mapapasakay ni Mama ng eroplano pabalik ng France kung ayaw ko... Ako ang sasakay, hindi siya. I should have done this noong una pa lang.
"Eh, bat naman kayo nagpanggap? Anything wrong?" tanong nanaman niya.
"shut up first. magpapaliwanag ako mamaya." sabi ko.
"Eto na nga oh. We're in the middle of a crowd. Sabihin mo na kung ano yung gusto mong sabihin. I'll listen." sabi niya.
"Ganito kasi yun. Noong bumalik ako dito sa Pilipinas para mag-aral ulit. May hinire si Mama na spy na magsasabi sa kanya ng lahat-lahat ng ginagawa ko. And he or she could be anyone here in the mall. Baka katabi ko siya ngayon o baka nandun siya sa may malapit na booth." paliwanag ko.
"Ano naman kung makita ka niyang kasama ako??" tanong niya.
"May kasunduan kasi kami ni Mama na hindi ako makikipagrelasyon or kahit date man lang dito sa Philippines habang nag-aaral pa ako. Sa oras daw na malaman niyang may nanliligaw sa akin o nakikipagdate ako sa mga lalaki, pababalikin niya ako sa France at ayaw kong mangyari yun. Kaya, hindi tayo safe dito. Baka nakikinig siya... We have to find a place na tayong dalawa lang at walang makakarinig..." paliwanag ko ulit.
"I know a place! Tara, sumunod ka sa akin!" sabi niya tapos hinila niya ako...
We went to the Arcade...
![](https://img.wattpad.com/cover/1735346-288-k456938.jpg)
BINABASA MO ANG
I'll Sacrifice My Brain
Novela JuvenilThere are times that we really have to choose and there's no other way to avoid it. Would it be the brain or the heart? Success or happiness? What matter more for you? What should you sacrifice? What would you sacrifice? Make a choice and make that...