Chapter 2

5.4K 96 11
                                    






Nagising ako dahil sa beep ng phone ko. Kinuha ko ang cellphone ko malapit sa lamp shade. Isang text lang pala mula sa bestfriend kong si Marco. How I wish na nasa tabi ko si Marco ngayon. Sabi nga ng mga kaklase ko noon na mukha daw kaming magjowa ni Marco dahil ang sweet naming dalawa. Well, ganon lang naman ang turing namin sa isa't isa dahil super close kami. Hindi naman sa nasobraan ng ka close-an. Hinahatid at sundo niya lang ako at binibigyan ng pagkain. Magkasama rin kami palagi pero hindi naman sa ginagawa namin ang ginagawa ng mga magjowa.

*Morning sleepy head. * -Marco

*morning rin Marco.* - Me

*How's your new dorm? Nabalitaan ko kay tita Nel na maayos daw ang dorm na napasokan mo. Nga pala di ka nag text sakin kahapon. Pinagpalit mo na ba ako? *-Marco

I could imagine him pouting right now. He knows I can't resist him when he pouts. Inimagine ko nalang na magkasama kami at pinipinch ang cheeks nya.

*Oh shut up, Marco! Di kita type. HAHAHAH!*-Me

*Ay grabe siya. Nga pala may tanong ako.*-Marco

*Ano na naman yon?*-Me

*Anong tawag sa guards sa Samsung store?*-Marco

*Seriously Marco? Tinatanong mo ko niyan?*-Me

Napairap nalang ako sa walang kwenta niyang tanong. Iniimagine ko na naman ngayon kung pano kami magkulitan.

*Sige na sagutan mo na. Dali...*- Marco

*Sige na nga. Ang kulit mo naman... EWANNN. Ano ba ang sagot?*- Me

*Edi GUARDIANS OF THE GALAXY HAHAHAHAHAHA!*-Marco

Just as I thought, talagang kalukuhan lang ang alam ng Marco nato. Baliw na siya. Iniimagine ko lang kung kasama ko siya ngayon habang sinasagot niya ito. Anlakas siguro ng tawa niya sa corny niyang joke. Psh, ang aga-aga para mang-asar.

*Kung pwede lang akong sumunod diyan :(*-Marco

Narinig kong may kumakatok sa pintuan ko. Bumangon ako at nireplyan muna si Marco bago buksan ito.

*Naku Marco. Alam mong magagalit parents mo. Wait lang ah may kumakatok.*-Me

*Okay. I'll just take a bath.*

Binuksan ko ang pintuan at nakita ang isang maganda, maputi na babae na medyo matangkad pa sa akin.

" Hi. You must be our new dorm mate. Im Rhea, kababalik ko lang dito kanina. What's your name?" inilahad niya ang kanyang kamay sa akin at tinanggap ko naman yun. "Im Aby, pleased to meet you." At nakipagkamay sa kanya.

"Nga pala gusto ko sanang hingin ang number mo kung okay lang?" kinuha niya ang cellphone niya mula sa bulsa niya at inabot sa akin. Tinype ko ang number ko at sinuli ang cellphone niya.

Nagpaalam si Rhea na babalik muna sa room niya kaya pumasok nalang ulit ako sa kuwarto ko. My phone beeped again. It must be Rhea. Woah ang bilis niya naman ata nakatext ah.

*Hi*- unknown number

*Hello, is this you Rhea? :)* -Me

*Yes. How are you Abygayle?*-Rhea

*How did you know my real name?*

*Secret. Pupunta ulit ako dyan sa room mo. Wait lang ah.*

Maya-maya may kumatok na sa pintoan. Tumayo ako at pinapasok ko si Rhea at pinaupo sa upoan malapit sa cabinet.

"Oo nga pala, yung tanong mo?Actually, lagi ka kasing nababanggit ni Andree and he also showed me a picture of you."nakangiti niyang sabi. Talaga bang lage akong naikwekwento ni Andree sa kanya? Ngumisi nalang rin ako sa kanya bilang sagot.

Game of cards (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon