Nasa labas palang ako ay rinig na rinig ko ang sigaw sa loob ng bahay. Kagagaling ko lang sa eskwelahan at ito ang bubungad sa akin?! S-si L-luna!"Aby! W-where are you?!Please! I need your help. Abygayle please!" "Abygayle please! I-im s-scared. Aby im really sorry kasi pinag isipan kita ng masama. Sorry kung naging masama ako sayo. Please! I really need your h-help. Aby please! Alam kong andyan ka na dahil rinig dito ang mga yapak mo. Pinatay na nila si Jude. Please nagmamakaawa ako tulongan mo ako." Napapikit ako ng mata dahil sa mga sinasabi niya. Malakas ang boses niya at dinig dito sa baba kaya malinaw lahat ang mga sinabi niya. Di ko matiis ang marinig o makita ang mga taong nagmamakaawa.
"Aby, s-sorry kasi hindi agad ako n-naniwala sayo. Sorry kasi hindi ako nakinig sa mga sinabi mo! Totoo ang sinabi m-mo niloko lang ako ni Jude! Tulongan mo ako, papatayin ako ni Vanessa dahil nalaman ko ang pagkatao nila. Please help me!" halos mabingi ako dahil sa mga hikbi niya. Malakas na ang kabog ng puso ko. – Tama ako! Si Vanessa nga ang Queen! Hindi ako nagkamali!
Sinundan ko ang boses ni Luna at nakarating ako sa isang kwarto. Pumasok ako at nagulat sa nakita ko. N-nakabigti ang katawan ni J-jude sa kisame at nagkalat ang mga bangkay ng iba ko pang kasamahan. H-hindi ko alam kung s-saan nanggaling ito dahil hindi ko alam kung saan dinadala ang mga kasama ko kapag namatay.
Nagmamadali akong umakyat sa taas. Nagulat nalang ako sa aking nakita. M-may hawak na kutsilyo si Vanessa at nakatutok kay Luna. Naghanap agad ako ng maipanghampas kay Vanessa. Nakita ko ang tubo at hinampas siya kaagad. Bumagsak siya sa sahig na dugoan.
May humampas sa ulo ko kaya bumagsak ako sa sahig. Hinawakan ko ang noo ko at dumudugo ito. Hindi ko na napansin kung sino ang humampas sakin dahil biglan nalang ako nawalan ng malay.
________________________________
Nagising ako at nasa isang madilim na kuwarto ako. Anong ginagawa ko dito? Ang natatandaan ko lang ay may pumalo sa ulo ko at bigla nalang ako nawalan ng malay. Teka, nasaan si Luna? Diba magkasama kami kanina. Asan na siya?! Inilibot ko ang mga mata ko pero walang Luna akong nakikita dahil madilim. Napatakip ako sa aking ilong dahil sa masangsang na amoy.
Hindi ako nakatali kaya dali-dali kong tinawagan ang numero niya. Sinagot naman niya agad ito.
"Luna o-okay ka lang ba? Where are you? Anong nangyari, Luna? Patay na ba si Vanessa? Napatay ko ba siya nung pinalo ko siya kanina?." Sunod sunod kong tanong. Nakarinig ako ng malakas na sigaw kaya napatahimik ako. S-si Luna ba yon? "L-luna sino y-yung s-sumigaw? Sino yun?" natataranta kong tanong.
"Aby, d-di ko a-alam kung nasaan ako. M-madilim. D-di ako magakagalaw, t-takot ako sa dilim. Hindi ko a-alam k-kung ano a-ang sunod na n-nangyari. B-basta nong bumagsak siya sa s-sahig nong p-pinalo mo siya, n-nawalan nadin ako ng m-malay. T-tapos paggising ko n-nandito na a-ako. Aby tulungan mo ko!" Ramdam ko ang panginginig ng boses ni Luna. Alam kong natatakot na siya pero kailangan pa naming makalabas dito.
Hahanap ako ng paraan kahit isugal ko pa ang buhay ko para makalabas lang sila. Hindi namin alam kung sino ang kalaban namin dito. Hindi namin alam kung dormers ba o outsiders lang. Hindi namin alam kung hanggang ano ang kaya nilang gawin. Kaya hahanap ako ng paraan.
Biglang bumukas ang pintuan ng kuwarto nato pero walang taong pumasok. Natatakot ako baka si kamatayan na ang nasa labas. Kailangan ko pang iligtas si Luna.
"Hindi ko a-alam b-baka si J-jacob. W-where are you A-aby? I-Im s-so scared. P-please h-help me." Pagmamakaawa ni Luna. Si Jacob? Anong kinalaman ni Jacob dito? Siya ba ang King o ang Jack? Pero mahinhin si Jacob at hindi niya ugali ang pumatay!
"Nakakulong din ako sa isang kuwarto. Madilim din ito. Ayokong lumabas at baka hinihintay na ako ni kamatayan. P-pero pipilitin kong makalabas dito. M-malakas ang pakiramdam ko na buhay pa si Vanessa. Matagal ko na siyang pinaghihinalaan. Simula nong nalaman kong pinagtritripan ka lang nila ni Jude p-pero b-bakit niya pinatay si Jude? Magkakampi sila ni Jude, diba?" sagot ko sa kabilang linya. Hindi ko talaga maisip kung bakit pinatay ni Vanessa si Jude.
"She can do everything just for herself. Walang kakampi-kakampi. Walang kaibi kaibigan. Nagawa na niyang papatayin si Sara. Magagawa niya ulit yon." sabi ni Luna. Narinig ko na naman ang sigaw... pero teka bakit parang si Vanessa ang sumisigaw?
"Natatakot na ako. Naririnig ko na naman ang sigaw. Parang n-nasasaktan siya. Kailangan kong makalabas d-dito." Dahan dahan akong humakbang palabas ng kuwarto pero wala akong makitang ni anino ng tao.
"N-nagbukas ang p-pinto ko Aby. Pero madilim parin. Natatakot ako, ayokong kumilos." Nanginginig parin ang boses ni Luna at dinig dito sa cellphone ang mga hikbi niya.
"Mine too, I'll find you. Wag ka lang aalis dyan. Wag na wag kang umalis dyan. Hahanapin ko din yung sumisigaw. Dyan ka lang." Hindi ko binaba ang tawag at dali-daling hinanap ang sumisigaw. Natagpuan ko si Vanessa na nakahandusay sa sahig at durog na durog na ang mukha. Napaluhod ako sa sahig at napatapik sa bibig ko. Dahan-dahan kong nilagay ang speaker ng cellphone sa taenga ko.
"Shit! Ano to?! Luna mali ba ako ng hinala? H-hindi ba siya ang Queen? Hindi ba siya isa sa trinity?! Ayoko mang isipin pero isa ka ba sa trinity? P-patay na si Vanessa. Durog na durog ang mukha niya." Biglang namatay ang tawag at lumabas galing sa isang kuwarto ang pamilyar na mukha.
Hindi ko inaasahan ito. Nalinlang nila ako.
BINABASA MO ANG
Game of cards (completed)
Mystery / ThrillerGusto mo bang maglaro? Gusto mo ba silang kilalanin? Alamin kung sino Si King Si Queen At si Jack At ang grupo nilang tinatawag na "TRINITY" Handa ka na ba sa laro?