Kakatapos ko lang kumain at pumunta ako sa rooftop para magpahangin. Dinaramdam ko ang bawat paghalik ng hangin sa balat ko. Ipinikit ko ang aking mga mata at pinakiramdaman ang paligid. Binigyan ako ng oras ng trinity dahil ito ang huling pagsubok.Hindi ko nga alam eh. Ayokong mamatay kaya hahanap ako ng paraan upang makalabas dito dahil yun ang huling pagsubok. Nabigyan ko ng sagot ang mystery ng flower kaya lumayo si Luna sakin. Alam kong may kabutihan sa kanilang puso ngunit nakakubli lamang ito. May ilang oras pa ako para makapagisip-isip ng paraan kung paano makalabas dito. Nang minulat ko ang aking mata ay nakasalubong nito si Khael.
Tumalikod ako at aalis na sana.Tinatawag niya ang pangalan ko pero hindi ko siya pinansin. Pinagpatuloy ko parin ang paglalakad ngunit nahinto ako dahil hinawakan niya ang mga kamay ko.
"Abygayle please talk to me. I want to help you." Humarap ako sa kanya at binigyan siya ng pekeng ngiti. Alam ko kung ano ang sekreto mo at kung sino ka Khael. Wala ka ng maitatago pa.
"Wala ka ng pakialam doon. Tigilan mo na nag pagpapanggap, Khael. Alam ko ng ikaw si King." Tumalikod ulit ako at hahakbang pa sana nang magsalita siya.
"Oo! Ako ang King pero mahal kita. Kaya gusto kong tapusin ang nasimulan ko. Ang iligtas ka." Natigilan ako. Hindi ko alam kung maniniwala pa ako sa kanya kung gayong nalaman ko na siya ang King.
"I don't believe you anymore. Alam kong palabas niyo ang lahat. Alam kong hinahanap niyo ako pero lalaban ako. Lalabanan ko kayo."matigas kong sabi. Ngayo'y nahanap ko na kung sino sila. Wala na silang kawala. Lalaban ako para sa buhay ko. Lalaban ako para kay Andree.
"Abygayle, please listen to me. I love you at kaya ko silang kalabanin para sayo. Please Abygayle." Hiniwakan niya ang aking mukha ngunit nag iwas lamang ako ng tingin. Hindi ko alam, Khael. Sa oras na to wala na akong pagkakatiwalaan pa.
"Tigilan mo na ako, Khael. Tigilan mo na ako." Sigaw ko sa pagmumukha niya. Nagulat siya sa pagsigaw ko. Kinalas niya ang kanyang kamay mula sa pagkahawak ng mukha ko.
Hahakbang pa sana ako pero bigla akong napahinto nang makita ko ang tao sa harapan ko. Ngumisi si Jacob sa akin at pinaglaruan ang dala niyang kutsilyo at kadena. Nagulat ako dahil sa hawak niya, biglang nanlambot ang mga tuhod ko pero pinilit ko paring tumayo. Lalaban ako! Hindi ako magpapatalo sa inyo.
Napalingon naman ako sa likod ko nang narinig ko ang mga malakas na yabag. Si Luna na may kasamang lalaki. Pamilyar siya sa akin, parang nakita ko na siya. Tama! Dun sa picture ni Andree. Siya yung kasama niya, -- si Cobalt. Ngumisi silang dalawa at huminto sa paglalakad. Palipat lipat ang tingin namin ni Khael sa kanila.
Ngumisi silang tatlo sa amin. Alam ko ang binabalak nila. Ako ang huling tao na maglalaro sa larong ito. Ako ang 10 of flower. Alam ko ang simbolo ng flower na ginamit nila. Alam ko ang mga sekreto nila. Ngunit huli na ang lahat upang pagsisihan ko. Hindi ko nasabi ng mas maaga kung ano ang simbolo ng card. Tumakbo si Jacob papunta sa akin at tinutok ang kutsilyo sa akin. Pero bago pa ako nasaksak ni Jacob ay niyakap agad ako ni Khael. Parang bumagal ang oras nung tumalon si Khael sa harap ko at sinalag ang kutsilyo na para sa sa akin. Nagulat ako dahil siya ang nasaksak kaya nangilid ang mga luha ko.
Nakaramdam ako ng kirot sa tiyan ko kaya hinawakan ko ito. –Dugo! B-bakit m-may dugo? Tiningnan ko ang kamay ni Khael at may hawak din itong kutsilyo at – nakasaksak sa akin.
"K-khael?" nagtataka kong tanong.
"Sabi mo ikaw at ako hanggang sa huli kaya ako nalang ang papatay sayo kaysa sila. Mahal na mahal kita Abygayle." Nakangiti niyang sambit.
Sabay kaming bumagsak sa lupa, ngunit bago pa ako mawalan ng malay ay tiningnan ko silang tatlo – habang nakangiti.
______________________
Cobalt's POV
F L A S H B A C K
Kasama ko ang king, queen at jack ngayon para sa pagpupulong namin. Pagplapanohan naming kun ano ang gagawin namin ngayong huling round na. Umayos ako ng upo sa silya at ngumiti sa kanila ng napakatamis.
"This is the last round. Handa na ba kayo, trinity?" nakangiti kong tanong. Ito na ang oras na pinakahihintay namin, ang mawala sa mundong ito ang babaeng nagngangalang Abygayle Tan. Tinatanong niyo ba kung bakit ayoko sa kanya? Simple lang dahil inagaw niya ang lalaking mahal ko. Hindi ako bakla pero mahal ko si Andree. Muntik na rin akong mamatay dahil sa babaeng ito kaya hito ako ngayon gumaganti at kinukuha kung ano ang sa akin.
"Cobalt, pwede bang humingi ng pabor?" umayos din siya ng upo at tiningnan ako sa mata. Alam ko kung anong hihingin niya, alam na alam ko.
"What is it? If it's about Abygayle, pwede ba tigilan mo na ako?" itinaas ko ang kamay ko sinyales na tumigil na dapat siya. Abygayle na naman?! Ano bang meron sa babaeng yun at bakit lahat ng lalaki nahuhumaling sa kanya? Ang malaanghel niyang muka na kung saan nakakubli ang malademonyo niyang katauhan? Yun ba ang kinagiliwan nila?
"Cobalt, I don't wanna to see her suffer. Please naman Cobalt nagmamakaawa ako sayo, ibato mo na sa akin si Abygayle. I really love her." Tumayo siya at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at lumuhod. Napangisi ako. Kahit kailan kahinaan mo talaga ang mga babae.
"Mahal? Haha talagang ipinamumukha mo sakin na di mo ako pwedeng mahalin. Utos ni mama ang lahat. Utos niyang patayin ko si Abygayle!" hinawi ko ang kamay niya at tiningnan si Luna at Jacob. Nanonood lamang sila at nakikinig sa pinaguusapan namin.
"Bakit ba gustong patayin ni Tita Nel si Abygayle? Anak din niya ito at kapatid mo. Kung kay Andree okay lang dahil ampon lang naman siya, pero kung pati si Aby? Shit lang!" tumayo siya at nagdabog. Tumayo rin ako at sinenyasan sina Luna at Jacob na mauna na.
"Dahil anak siya sa labas ni mama, kaya dapat siyang mawala. Isa siyang kahihiyan sa pamilya ni mama!" galit kong sabi.
"Bakit ikaw?! Anak ka din sa labas ni tita Nel diba? Anak ka niya sa pagkakasala, kaya dapat ka ding mamatay." Pinagtaasan ko siya ng kilay at tinawanan.
"Pero ang tatay ko ang mahal ni mama at hindi ang tatay ni Aby!"
"Please naman Cobalt. Payagan mo na ako." Hinarap niya ako at hinawakan ang magkabila kong balikat. Alam ko na kung ano ang gagawin ko. Hindi pwedeng di mamatay si Aby.
"Alam ko na. Kung ayaw mong kami ang pumatay kay Abygayle, then kill her. Ikaw ang pumatay sa kanya pero may kapalit yun." Tiningnan ko siya sa mata at ngumiti.
"Ano?! Lahat gagawin ko." alam ko kung paano mabaliw si Khael sa mga babae dahil simula bata pa kami ay magkakilala na kami. Pagdating sa babae ay napakadesperado niya.
"Papatayin ka din namin."
E N D OF F L A S H B A C K
BINABASA MO ANG
Game of cards (completed)
Mystery / ThrillerGusto mo bang maglaro? Gusto mo ba silang kilalanin? Alamin kung sino Si King Si Queen At si Jack At ang grupo nilang tinatawag na "TRINITY" Handa ka na ba sa laro?