Chapter 21

2.2K 41 0
                                    




"Tita babalik na po ako diyan. Ayoko na dito, natatakot na ako." Sabi ko.

"Talagang sumuko ka na?! Nakalimutan mo na ba ang utang na loob mo sakin?—Kay Andree?! Mag-isip ka nga Aby.!" galit na sabi ni tita.

"Tita ako na ang pinanghihinalaan nilang pumapatay. Sinasaktan na nila ako. Aalis na kami ni Marco, ayoko na!"

"M-marco? What the hell?! Nauto mo na naman ang lalaking yun! Akala ko ba hindi na kayo magkaibigan? PUNYETA! Nasayang lang ang pagsponsor ko sa kanya.. –wala din pala siyang utang na loob!" sigaw neto.

"Tita bakit kayo ganyan magsalita?!Buhay naming ang nakasalalay dito . Napakaselfish mo!" singhal ko pabalik.

"Selfish?! Pagkatapos kitang kupkupin, pakainin at pag-aralin. Ako ang selfish sa huli? At saka ikaw ang lumapit sakin na hahanapin mo ang pumatay kay Andree. – Bakit... kasi mahal mo siya?! May relasyon kayo! Ano? Akala mo di ko alam?" di ako nakasagot kay tita. P-paano niya nalaman ang sekreto namin ni A-andree. S-saamin lang naman yun ah.

"Wala kayong matatago sakin ni Andree. Ngayong sumuko ka na sa responsibilidad mo, wag kang aasa na tutulongan pa kita!" at tinapos na niya ang tawag.

Napaiyak nalang ako sa dahil sa mga masasakit niyang salita. Ba't di ko alam na matagal na pala niyang alam na may lihim kaming relasyon ni Andree.

______________________

Marco's POV

Tumunog ang cellphone ko senyales na may tumatawag. Kinuha ko ito pero isang unknown number lang ang tumatawag kaya sinagot ko nalang kahit di ko kilala.

"Sa tingin mo saan ka pupunta?" galit nitong tanong. Tumaas ang mga balahibo ko nang marinig ko ang boses sa kabilang linya. Sobrang lamig kasi ng boses neto.

"Sino ka?" matapang kong tanong.

"Ako si King. Ako si Queen. Ako si Jack. At kami ang Trinity."sagot neto. A-ang trinity. Paano nila nalaman na aalis kami?

"Wala akong pakialam sa inyo. Aalis na kami ni Aby sa bullsh*t na dorm na to."

"Sa tingin mo papayag ako?"

"Hindi ko hinihingi ang permiso mo, aalis kami!"

"After mong guluhin ang laro?! Pagkatapos mong patayin si Sara at itago si Jonathan?!" nagulat ako sa mga narinig ko. paano niya nalaman? Tatlo lang kaming nakakaalam niyan. Ako, si Atara at Eun lang ang nakakaalam nito. "Nagulat ka na alam ko no?" Oo, ako ang nakita ni Jonathan sa bar.

"Wala akong alam sa sinasabi mo, wala akong pinatay." Pagmamaang ko.

"Talaga?! Alam mo bang may nakatago na baraha sa drawer mo? Nakita mo ba?" tumayo ako at tiningnan ang cabinet ko. – Anong ginagawa ng card of flower na to dito? Hindi ko to nakita nung nilagay ko ang mga gamit ko dito ah? Nanginig ang tuhod ko kaya napaupo ako.

"Oh? Ang tapang mo kanina ha. Bakit para kang aso na nabahag ang buntot ngayon?" natatawa netong sabi.

"Asan ka?! Lumabas ka, wag kang magtago sa cellphone mo!" singhal ko.

"Mamaya lalabas ako. Bakit di ka kaya lumabas ng kuwarto mo at sagipin si Aby."

"Anong ginawa mo sa kanya?!" galit kong sigaw. Pag may nangyaring hindi maganda kay Aby, malalagot talaga sila sakin.

"Sinasaktan. Ow! May sasabihin pala ako sayo. – Alam mo bang may relasyon si Aby at Andree noon?" Ano na naman bang pinagsasabi netong trinity na to?! Naninira sila ng tao ha.

"Ano ba yang sinasabi mo?"

"Oh di mo alam? Kasi uto-uto ka kay Aby."

"Wala silang relasyon!" singhal ko.

"Talaga? Pakinggan mo, ni record ko yan galing sa tawagan naming ni Aby. (Aby: May relasyon kami ni Andree, ano namang paki mo?)" napaiyak ako nang marinig ko ang record nay un. Totoo ba yon? Dahil ba talaga kay Andree kung bakit ayaw ni Aby na maging kami? So tama talaga ang hinala ko? Pero baka gawa gawa lang nila yun, hindi dapat ako magtiwala.

"Hayop ka! Wag kang manira!"

"Hindi ako naninira, totoo ang sinasabi ko. –Masyado kasing painosente yang si Aby eh may baho rin naman pala HAHAHAHA."

"Hindi—hindi totoo yan!"

"HAHAHAH ano ililigtas mo ba siya?"

Pinatay ko na ang tawag at lumabas ng kuwarto..... pumunta ako sa kuwarto ni Eun para kausapin siya.

"Okay ka lang Marco? Bakit hinihingal ka?" tanong ni Eun.

"Eun alam na nila ang ginawa natin. Anong gagawin ko?" tumutulo ang pawis sa noo ko at nanginginig parin ang tuhod ko. Lalaki ako pero tao rin ako at hindi ko maiwasang mangamba.

"Ano?! Paano nila nalaman? Tatlo lang tayong nakakaalam non. At tsaka patay na si Atara kaya malabong masabi niya yun."

"Hindi ko alam, pati nga ang planong pag-alis namin ni Aby alam nila. Anong gagawin natin?"

"Wait! Aalis kayo? Paano kami? Iiwan mo kami sa ere?! Gago ka pala Marco eh. Ikaw ang may pakana neto tapos aalis ka?!"

"Kailangan kong iligtas si Aby." tumalikod na ako at aakmang lalabas na ng kuwarto.

"Ulol mo! Bahala ka na sa buhay mo. Kung papatayin ka nila wala na akong pakialam doon! Malamang malalaman nila ang pinagsasabi at pinaggagawa niyo dahil alam kong lahat ng kwarto ay may naka install na audio at cctv!"

Nagulat ako sa sinabi niya. Pano niya nalaman yon?

_____________________

Aby's POV

Biglang pumasok si Eun sa kuwarto ko. Hindi man lang kumatok o hiningi ng pahintulot ko. Pawis na pawis ito at nanginginig ang katawan. Nabalot ako ng kaba, alam kong hindi maganda ang nangyayari.

"Aby nawawala si Marco." Sabi neto.

"Ano?! Paanong nawawala? Hindi siya pwedeng mawala, aalis kami ng madaling araw!" Hindi siya pwedeng mawala! Kailangan naming makalabas sa dorm na to!

"Hindi ko alam. Pumunta siya sa kuwarto ko kanina at umalis agad. Ngayong tinawagan ko siya – Out of coverage na."

"Hindi totoo yan , putcha naman eh. Aalis na kami sa lugar na to, ayaw pa nila. Wala kaming alam sa nangyayari dito, biktima lang kami." Ang gusto ko lang naman malaman asa lugar na ito ay kung sino ang pumatay kay Andree!

"May alam si Marco, Aby."

Kumunot ang noo ki dahil sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin na may alam si Marco? Does she mean na alam ni Marco ang lahat ng ginagawa ng TRINITY at kung sino talaga sila? Kung alam niya edi matagal na niyang napatay ang Trinity.

"Natatandaan mo pa ba yung sinabi ni Atara sayo na may plano siyang palabasin ang tunay na baho ni Vanessa? Plano lahat ni Marco yun. – Ang pagkamatay ni Sara at pagkawala ni Jonathan. Plano niya lahat yun." Napatulala ako dahil sa sinabi niya. Hindi, hindi pwedeng siya ang may plano ng lahat ng yun.

"What?!" magkahalo ang emosyon ko ngayon, mayroong galit at pagkamuhi. Hindi ko alam na kayang gawin ito ni Marco. Ang pumatay ng inosenteng tao.

"Planado ang lahat – sa pagpatay ni Jonathan kay Sara, sa pagpapanggap ni Jonathan bilang Jack. Lahat yon planado para lumabas ang tunay na killer – pero nabigo kami. Nalaman nila ang ginawa namin , pati ang plano niyong pag-alis sa lugar nato – kaya inunahan na nila si Marco. – at malakas rin ang kutob ko na ako na ang susunod...... Please Aby. wag kang aalis dito. Hanapin mo sila. Iganti mo si Andree. – Kausapin mo si Ryan sa lahat ng impormasyon dahil siya ang nakakaalam ng lahat. Matutulongan ka niya."

Game of cards (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon