Aby's POV
Nasa labas ako at nagpapahangin, kasama ko si ate Maya kanina. Si tita Maya yung nagbabantay ngayon dito . Pinaguusapan namin ang family ko at family niya and ang koneksyon naming ka tita Emily. Pumasok muna siya sa loob para asikasohin ang hapunan namin. Hindi kami ang magluluto sa pagkain namin dito dahil kasama na daw yun sa bayad namin.
Maya-maya may nagtext sa akin. Akala ko si Tita o si Marco na pero hindi naman pala. – It was the Trinity.
*Hello Aby.* - TRINITY
*What do you want?* -AKO
*Nothing. – Kamusta na? Di ka na nagrereply ah. Ayaw mo bang lumabas at magimbestiga?*- TRINITY
*Nasa labas na ako.* -AKO
*May paparating.* - TRINITY
*Sino?*-AKO
*Si Vanessa.* - TRINITY. who the hell is Vanessa? Si Queen ba yan?
*Vanessa? Sino siya?*- AKO
*Isang manlalaro ng game of cards.*- TRINITY
*Isa ba siya sa pumatay kay Andree?*- AKO
*What do you think?*-TRINITY
*Ano bang gusto mong palabasin ha?*- AKO
*Gusto kong makilala mo ang bawat taong makakasama mo.*- TRINITY
*And?*- AKO
(Dumaan ang isang babae na kulot ang buhok, sexy at maganda. Daladala niya ang cellphone niya at ang mga bag niya. Base sa kanyang galaw at pananamit, halata na kikay siya at masama ang ugali.)
*Gusto mo kaming hanapin diba? Dapat kilalanin mo ang bawat taong makakasalamuha mo. – Nakita mo na si Vanessa? Anong tingin mo sa kanya?*- TRINITY
*Di siya gagawa ng mabuti. – Maarte at Mayabang.*- AKO
*Gusto mo bang iparating ko yan sa kanya?*- TRINITY
*Ano bang gusto mong mangyari?*- AKO
*Ang ilabas mo kung sino ka talaga.*-TRINITY
*Wala kang mailalabas!*- AKO
*Really? Let's see......... Sino ka ba talaga Aby?*- TRINITY
_____________
Kakarating lang ng dalawang dormer kanina. Ipinakilala ako ni tita Maya kina Jude at Luna. – Should I describe them? Well, base sa kilos at pananalita ni Luna ay mabait siya at mahinhin, si Jude naman ay parang chicksboy, ganun. Kanina kasi, parang naguusap sila ni Vanessa gamit lamang ang mga mata. Kulang nalang eh lapitan niya ito at halikan eh. Ewan ko ba basta ang weird eh. Hindi ko alam pero kanina pa sila nagtataponan ng tingin.
Bumalik ako ng kuwarto para manood ng movie, wala kasi akong magawa sa labas kaya sobrang boring tuloy at ang aga pa naman para matulog....– I'm about to get my laptop when my phone rang. Woooooaahh—dali-dali kong kinuha ang cellphone ko, baka kasi si Marco na. Di parin kasi kami naguusap simula nang magalit siya sa akin. – Nagulat ako ng makita ko na ang TRINITY pala ang tumatawag.....—Di ko rin naman makilala ang boses nila dahil gumagamit sila ng voice changer.
"Nakita mo ba ang dalawang dumating?"
"Sino? Sila Luna at Jude? Bakit?" I asked.
"Oo, gusto mo ba silang makilala? Gusto mo rin ba malaman ang baho nila?" tumawa ang kabilang linya.
"What do you mean? Mabait naman si Luna ha." I can see that Luna is mabait and mahinhin dahil sa mala anghel niyang mukha.
"Yes, she's kind. Attitude niya talaga yun. Noon pa mabait na si Luna, matalino at alam ang lahat tas running for magna cumlaude and a bread winner."
"Wait, bakit mo to sinasabe?"
"For you to know, so si Jude kilala mo na?"
"Yes, I met him a while ago."
"Well, he's a bully.—Alam mo bang pinaglalaruan lang ni Jude si Luna?"
"Ano?!!!" nagulat ako dahil sa nalaman ko...... pero paano naman nila nalaman na pinaglalaruan lang ni Jude si Luna?
"Si Vanessa ang nagutos kay Jude na ligawan si Luna para mauto nila at para makapasa sila sa college. Magaling sa sports si Jude at Vanessa pero mahina sila sa academics."
"Bakit mo ba to sinasabi sa akin?" Nilalason nila ang isip ko. I should get rid of them. Dapat focus lang ako sa misyon ko.
"Kasi alam kong alam mo ang dapat gawin."
"Ayokong mangialam sa kanila. May sarili akong buhay!" galit kong sabe.
"Hahayaan mo ba ang isang inosente na ganun-ganunin nalang?"
"Hinding-hindi ako mangingialam!"
"Bahala ka. Tingnan mo lang kung paano alilain ni Vanessa si Luna, sana makayanan mo."
(End of Phone Call)
Napatampal ako sa noo ko. – Hindi ka pwedeng makialam Aby. Alam mo ang limit mo at hindi ka dapat mangialam para walang makaalam ng motibo mo. Diba ayaw mong pagdudahan ka nila tas bago ka pa dito. Dapat wala akong gagawin na ikasisira sa sarili kong imahe.—arggghhhhh, naawa ako kay Luna pero ayoko talagang mangealam........ My phone rang and I answered it.—it was Tita Nel.
"How are you Aby?" bati ng kabilang linya.
"Tita! Naguguluhan na ako. Hindi ko alam kung ano ang gusting palabasin ng TRINITY." I should tell her everything cause she's the only person who can help me. Galit pa sa akin si Marco kaya di ko ma-share sa kanya ang nalalaman ko.
"What do you mean?"
"Sinasabi niya sa akin lahat ng ugali at ginagawa ng mga dormers dito. Para bang gusto niya akong mangialam sa mga dormers dito."
"Baka hinuhuli ka lang nila, wag na wag kang magpapadala. Aby, makinig ka. Sa oras na malaman ng ibang dormers kung sino ka at kung ginagawa mo diyan. Tiyak na papatayin ka nila. Kaya palagi kang mag ingat" Tama gusto lamang nilang sabihin ko ang mga sekreto ko. Hindi dapat ako magpapadala.
"I know Tita."
"Mag-iingat ka sa mga galaw mo dahil hindi nila pwedeng malaman ang tunay mong balak diyan. Umaasa ako sa'yo Aby." Malaki ang utang na loob ko kay tita. I'm doing this for her and for Andree. Only justice bring peace.
"Opo Tita."
BINABASA MO ANG
Game of cards (completed)
Mystery / ThrillerGusto mo bang maglaro? Gusto mo ba silang kilalanin? Alamin kung sino Si King Si Queen At si Jack At ang grupo nilang tinatawag na "TRINITY" Handa ka na ba sa laro?